KUMUHA sila ng dalawang push cart pagpasok sa supermarket. Tulak-tulak ni Sebastian ang isa kung saan nakasakay si Brianne. At ang isa naman ay si Yaya ang may dala. Hindi pa rin siya masyadong iniimikan ng lalaki. Si Brianne at si yaya lang kinakausap nito na ikinainis niya. Ikaw pa talaga may balak mainis, Brielle? Ikaw na nga itong naglilihim sa tao! Sigaw ng kunsensya niya. May hinala siyang ang dahilan ay iyong tumatawag ito na busy ang telepono niya. Baka kung anu-ano nang tumatakbo sa utak nito. Kaya hindi siya pinapansin. Lately pa naman, masyadong possesive si Sebastian. Hanggang sa makauwi, hindi sila masyadong nag-iimikan ni Sebastian. Magpapansinan lang sila kapag nakatingin si Brianne. Samantalang kaninang umaga ang saya-saya pa nila. Bakit kaya ganun? Pag naging masaya

