Nakarinig ako ng sunud-sunod na katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Mas lalo tuloy akong nataranta. Hindi ko malaman kung may nakalimutan pa ba ‘kong dalhin o wala na. Sobrang nakakataranta lang ng araw na ‘to. Pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas para sa mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin! “Kimberly, we’re late!” ani Hero mula sa labas. Ilang segundo lang din ay pumasok na siya ng kwarto ko. Mabilis kong isinara ang zipper ng dalawang backpack ko. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng pahirapan, ako pa ‘tong napili nila para sumali sa pageant na ‘yon. Kaasar talaga! “Aren’t you done yet?” Sinakbit ko ang backpack sa likuran ko. “Sorry. Ito na, tapos na.” Kinuha niya ang isa pang backpack na dadalhin ko. “You look very tense. Take it easy, baby.” “E, sino kayan

