“Ang sabi ni Boss Art, huwag raw po kayong hayaang magutom…” ani Nikki. Ngtaas ako ng kilay. “Bakit?” Sarkastiko akong natawa. “Kung papatayin lang din naman niya ako bakit niya pa ako pakakainin?” “Mas masarap mamatay na busog, Miss Marga.” “Tanga! Kailan ka pa naging kakampi ni Art?” Agad siyang nag iwas ng tingin sa akin. “Bumaba na po kayo. Ipinagluto niya po kayo ng chicken adobo,” sabi niya at nauna ng umalis. Naitagilid ko ang aking ulo dulot ng pagtataka. If he’s going to kill me then what the hell is he still doing? Huwag ako hahayaang magutom? Akala ko ba malaki ang galit niya sa akin? Pero bakit ipinagluto niya pa ako? Kinagat ko ang labi ko habang nag iisip pa rin. Ilang sandali lang ay nalaglag ang panga ko at nanlaki ang aking mga mata nang napagtantong… lalasunin niy

