“Isang shot pa, Marga?” Paula asked. Nilingon ko siya at saka ako umiling matapos kong ibaba ang shot glass sa lamesa. “I'm done for tonight. Uuwi na ako.” “Ha? Agad-agad? Tatlong oras pa lang tayo dito, Marga!” reklamo ni Marijoy. Pinulot ko ang clutch ko. “Magpaiwan ka na lang. Gusto ko ng umuwi. Mauuna na ako.” “Ang bata mo pa, gusto mo ng mauna,” biro ni Paula. Hindi ko agad iyon nakuha noong una. It took me minutes to finally understand the joke. “Nahihilo na kasi ako.” “Wala pa naman si Dominic. Dito ka na muna,” si Marijoy. “Sa labas ko na lang siya hintayin,” sabi ko at hindi na nagpapigil pa sa kanila. Dire-diretso akong naglakad palabas. A little bit tipsy kaya hindi na ako tama kung mag lakad. Tumama ako sa lalaking may malapad na likod dahilan upang kamuntikan na akong

