The Lost Heirs: 5

627 Words
Eya's pov Kinaumagahan nagising ako dahil sa bango ng na aamoy ko. Mukhang nagluluto na ata si Ate ah? Ano kaya yun? Mukhang masarap ulit! bumaba naman ako at mas lalo akong natakam sa bango nito. Masarap nanaman ang makakain ko. Habang nag luluto naman si ate ay di nya namalayan na nandito na ako. At pinag mamasdan ko lang ito magluto. Diko pa natitikman ang mga sangkap na naluluto nya. Pero sa amoy palang busog na ako haha. Masarap kaya? " Good morning po ate Gweyn. Ano po iyan niluluto mo? " saad ko habang pinapanood itong magluto. Isa sa mga niluluto ni ate ay Itlog. Hm? mahilig naman akong panoodin ang mga niluluto nya. Namamangha pa rin kase ako hanggang ngayon! haha. Feel ko nga konti na lang kukurutin na ako ni Ate! " Bacon with egg plus sinangag. Gusto mo ba ipagluto kita Pancit canton? " saad ni ate sakin. Baka siguro ni ate diko magugustuhan ang niluluto nya. " Nako wag na ate, mukhang masarap naman yang niluluto mo eh. " saad ko naman ulit at umupo sa bar tool. Nang kusina. " Ganon ba? haha, sige upo kana tapos na ito. " saad naman ulit ni ate kaya nag lagay na ako ng plato. Masipag lang po akong bata haha. Hindi lang masipag ha? Mabait at may galang sa nakakatanda. Kamusta na kaya sina Nanay at Tatay? Bigla ko kase sila na alala eh. " Ate! Grabe, ang sarap naman ng mga niluluto mo. Da best! " medjo natawa si ate at ngumiti. Busy lang ako sa pagkain ang sarap naman kase talaga eh! " Ah Eya maya maya punta na tayo Coffee shop ah? " saad ni ate sakin at sumubo ng pagkain. Kaya kumain na din ako ng kumain! " Opo ate! " maligayang saad ko kay ate. At kumain lang ng kumain. Mabuti nga ay nakaka kain na ako ng matiwasay. At masasarap pa! Kumakain lang ako dito ng biglang nag salita si ate. " Pwede bang ikaw muna ang asikaso dito? Papasok pa kase ako eh. " saad ni ate sakin. Kaya napatingin ako, nakakabigla naman. naisip ko tuloy na baka pabigat lang ako sa kanya. Tapos working student si ate. Kaya siguro hanggang bahay lang ako. " Sige ate walang problema. Babantayan ko itong bahay mo." saad ko kay ate at binaling na ulit sa pagkain. Kain lang ako ng kain dito. Basta ba masarap eh. " Nga pala may good news ako sayo, Naitext sakin ni kuya vester kahapon na mag tatrabaho ka sa kanya. Tapos naman si ate Crisel binigyan ka din ng trabahi sa fast food pero ang shift mo ay gabi 8 - 11: 00 pm. " pag papaliwanag ni ate. At dun ako nagitla. Seryoso ba si ate?! Yay! Meron na din akong trabaho at dalawa pa. " Talaga ate?! Thank you! Salamat po sobra. Malaking tulong na po iyon sakin ate. Thank you po talaga! " tuwang tuwa na saad ko at niyakap ko si ate. " Osya pagkatapos mo kumain ay urungan mo na lang ito. At kung mabored ka man may tv dito pwede ka manood. Mauna na ako ah? " " Sige ate! Ingat po. " saad ko bago ito makalabas ng bahay. Napa nguso na lang ako dahil mabobored lang ako. Pero ano pa kaya ang pwede kong gawin? Tama! Mag lilibot muna ako sa bahay ni ate gweyn. Baka kase maligaw ako dito. Mas malaki kase ang bahay ni ate Gweyn kesa sa bahay namin nina Nanay at Tatay. Tinapos ko na muna ang pagkain ko at inurungan ko na din ito. Pagtapos nun ay nagwalis ako. Gusto ko man manood ng tv kaso diko alam kung paano buksan eh. Hindi napaliwanag ni ate kung paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD