Hindi pa din umuuwi si James, kanina pa ako nag hihintay dito sa sala pero wala parin siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na, 2:09 na ng madaling araw asan na ba siya?
Sabi niya kanina pag nag sawa na siya..
Natauhan ako sa sinabi ng isip ko
Siguro nga di pa sya nagsasawa sa babae nya, siguro nga hindi pa sila tapos sa kung ano mang ginagawa nila.
Naiiyak na naman ako, hindi niya pa ba ko napapatawad sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Araw-araw akong humihingi ng tawad sa kanya kahit wala naman akong ginawa na magpapasakit sa kanya. Pero ano? Hindi niya ako pinapakinggan, bina-balewala niya lang ako.
Pag katapos ng araw ng kasal ay sobrang lamig ng pakikitungo niya sakin
Puro inom at pam-bababae ang inaatupag niya, hindi niya man lang ako napapansin kahit nasa iisang bubong lang kami na para bang wala siyang pinakasalan.
Sinabi niyang pagsisisihan kong nagpakasal ako sa kanya, pero hindi hindi ako magsisisi. Hinding hindi.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Siguro siya na iyon! Tumayo agad ako at lumabas, nakita ko si James na nakaakbay sa isang babae.
Agad kumirot yung puso ko, isa lang ang masasabi ko masakit. Masakit makita siyang ganyan kasama ng iba.
"Babe, come on pasok ka muna sa bahay." Narinig ko pang sinabi niya sa babae niya.
Ako eto nakatingin lang sa kanila. Naluluha nanaman ako, ikaw ba naman yung asawa mo nakita mong nakaakbay sa isang babae at alam mong may may nangyari..
"Babe, naman di ka ba napagod sa ginawa natin kanina? Ako nga pagod na pagod na pero nagawa pa kitang ihatid." Sabi noong babaeng hipon.
Napagod? kusa nanaman tumulo yung luha ko. alam ko na kung bakit siya pagod
"Sorry naman babe, sadyang nasarapan lang!" Kahit nasasaktan ako sa naririnig at nakikita ko eh wala akong pakialam, basta sa akin siya umuuwi ayos na iyon ayokong iwan niya ako kaya kahit pag papakatanga sa kanya gagawin ko wag niya lang akong iwan. Agad kong pinunasan ang luha ko at lumapit sa kanila.
"Ahmm, miss?" Pag aagaw pansin ko sa kanila.
"Yes." Nakataas ang kilay na sagot niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"A-ano ako nalang bahala sa kanya.." Garalgal ang boses ko ng sinabi ko iyon.
"Babe? kilala mo ba sya?" Tanong noong babae kay James.
"Yes, babe." Napangiti ako sa sagot niya, akala ko itatanggi niya ako.
Pero agad ding napawi yung ngiting yun sa sunod niyang sinabi
"Katulong namin yan, sige na babe umuwi ka na. Ingat sa pag da-drive bye, I love you!" Sabi niya sa babae at hindi lang yun binigyan niya pa ng isang halik sa labi, naninikip yung dibdib ko sa sinasabi niya at sa nakikita ko ngayon naramdaman ko nalang basa ang aking pisngi. Ayan nanaman yung luha ko tumutulo nanaman.
"Okey see you next time babe, love you too, salamat sa isang gabi!"
Tumulo na lang ng tumulo yung luha ko.
Pati ba naman sa harap ko? Sa ibang babae nag i-i love you pero sakin? ni take care wala. It's hurt seeing my husband with other girl and they are kissing in front of me for God sake! Nandito ako ang asawa nya at hindi katulong. Ganyan ba talaga siya?
Kinuha ko na siya doon sa babae.
"S-salamat miss." Nasabi ko na lang kahit tumutulo yung luha ko.
"B-bakit ngayon ka lang?" nag ca-crack na yung boses ko. siguro dahil sa umiiyak ako.
"Ano bang paki mo? Eh sa nag enjoy ako eh, wag mo nga akong hawakan kadiri ka." tinulak niya lang ako palayo sa kanya dahilan para mapaupo ako nauna na siyang pumasok sa loob.
Ako eto naiwan nanaman mag isa nasasaktan. Nasasaktan ako kasi may iba siyang babaeng sinisiping masakit sobrang sakit!
Nag stay pa ako ng ilang minuto sa labas, iniyak ko lang ang dapat iiyak.
Bakit ganon? hindi pa ba niya ako napapatawad sa sinasabi nilang nagawa ko kahit hindi naman talaga.
Nang dahil diyan sa paninira ng ibang tao sakin nag kanda letse-letse itong relasyon namin. Masaya na sana kami masaya na sana..
Pero wala eh! Lahat ng istorya may kontrabida at ang kontrabidang iyon ang sumira sa buhay ko sirang sira na ako.
Pumasok na ako sa loob umakyat na ako at nadatnan ko si james na natutulog sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama, pinagmasdan ko lang siya habang natututulog. Sa ganito ko lang naman siya na pag ma-masdan eh
"Alam mo pinapangarap kong masabihan mo ng I love you ulit.." Sabi ko sa natutulog na si James tumulo na naman yung luha ko, kailan ba ito titigil sa pag tulo.
"Ano ba iyan umiiyak na naman ako! Ha-ha pero okay lang sakin kasi lahat titiisin ko dahil sobrang mahal kita okay lang kahit may kina-katagpo kang iba pero please. Wag na wag mo kong iiwan hindi ko kaya.." Tuloy tuloy parin ang pag agos ng mga luha ko hindi na ata talaga ito titigil.
Tumayo na ako at pumuntang CR pupunsan ko siya.
Bumalik na ako sa kama at sinimulan na syang punasan pinalitan ko narin siya ng damit pagkatapos kong gawin yun nag hilamos na ako at humiga sa tabi nya
Niyakap ko sya at sinabi'ng
"I love you James kahit paulit ulit mo akong pinapaiyak, kahit ang sakit sakit na."