"L-lira ayoko na dito, pwede na ba akong bumalik diyan sa opisina?" hinihingal kong tanong mula sa cellphone pagkatapos kong makalabas do'n, "Please Lira, ayoko dito." sunod ko pa.
"Wait, why?" tanong nito kaya napaisip naman ako, kailangan ko na bang sabihin sa kaniya? tama sasabihin ko, nandito ako ngayon sa gilid ng Jail na'to, "Ba't gano'n greyjail ba 'to Lira? walang kahit anong nakakulong sa loob maliban kay Riggs ta's nakita ko ring nakakalabas siya-" saad ko.
"Baka binibigyan siya ng magandang pakikitungo tutal death penalty eh." sagot ng kabilang linya, "Pero bakit may ano- may luxuries sa loob, mga bagay na-" 'di ko natapos ang sasabihin ko nang nagsalita ang kabilang linya.
"Wait-" namatay ang linya, huhu
"Hello Lira"
"Hello? wala namang ganyanan oh." sambit ko, nandito lang ako at nakatayo, naglakad na ako habang nakatingin parin sa phone ko. Pabalik na ulit ako nang-
"WAHH!" gulat kong sigaw dahil nakasandal lang siya sa pader at nasa likod ko, "You're not an obedient, Honey." sambit nito ngunit nakatulala akong yakap-yakap ang phone ko, "B-ba't ka nasa labas." saad ko kaya agad kong kinuha ang posas sa likod ng uniform ko at lalapit na sana ako sa kaniya.
Dahil masiyado na siyang nakakalayo sa room niya at isa pa-
Isa itong garden.
May posibilidad na lumabas siya, dumeretso pa ako habang hawak ang posas.
Nanlaki bigla ang mata ko sa hindi inaasahang nakita.
Nakaramdam ako ng takot sa katawan ko nnag ilahad niya ang kamay niya na may hawak na kutsilyo,
Nanginig ang buong katawan ko-
KUTSILYO!
"Should I punish you?" Nakangisi nitong tanong.
"Besides you didn't take what I said seriously and-" Lumapit ito habang nagsasalita at hawak ang kutsilyo, unting galaw ko lang ay sasaksakin ako nito.
Nakatingin ang mga mata niya sa nanginginig kong tingin, umiwas ako ngunit hindi parin ako makagallaw, para akong isang manika na sa isang galaw lang ay katapusan ko na.
"That's why I'm committing a crime, my patience is short." paliwanag pa nito habang nilalaro sa uniform ko ang kutsilyo.
Pinapadaan niya ito sa balikat k, walang tao dito sa labas, nasa labas ng gate ang mga bantay.
Tulong-
Wala akong mahihingian ng tulong sa puntong ito.
Gusto kong sumigaw ng tulong dahil sa takot, nanginginig ako at natatakot sa hawak niyang kutsilyo.
Hawak ko parin ang posas ngunit hindi parin ako makagalaw, ang kutsilyo niya-
"Honey, why are you trembling?" tanong nito at inilapit niya ang mukha niya sa'kin, sa malapitan ay nakita ko ang magandang kulay ng mata niya.
Ang ngisi sa labi niya habang ang kutsilyo ay dumampi sa balat ng braso ko, pinapadaan niya parin ang kutsilyo sa part ng braso ko na tila naghahanap ng parte kung saan niya ako sasaksakin.
Hindi mo aakalaing sa mala anghel nitong mukha ay may kutsilyong dala.
"It would have been fun to play with you but it seems-"
"I will wipe you out of the world." mas tumindig ang balahibo ko habang nakatingin sa mukha niya, nakatitig ito sa'kin habang ang pawis ko ay tumutulo na.
Bakit ba hindi ako makapagsalita, natatakot ako ng sobra.
Siguro ito ang pakiramdam ng maulit ang isang karanasang hindi mo makakalimutan, alam ko na ang dahilan kung bakit ako natatakot ng sobra.
Natatakot ako, ba't hindi ko magalaw ang bibig at katawan ko.
Tumitig ako sa kaniya habang nangingilid ang luha kahit na nanginginig ako.
Ang masalimuot kong nakaraan.
Nakikita ko ang repleksyon ng aking mukha mula sa blade nito nang tumingin ako sa gilid ko kung saan niya ito pinaikot.
Mas lalo akong kinabahan makita ko lang ang talim nito na nakapagpatulo ng pawis ko-
May mga bagay na bumabalik mula sa pagiisip ko na ikinangilid ng luha ko, ang bagay na ayoko nang maulit pa-
Ang bagay na-
"But because you brought me bad taste food, I'll let you live for now." sambit nito at inalis ang kutsilyo sa'kin, WAH nakahinga ako ng napaka luwag!
WAHHH ano bang nangyayari, ba't ako nalutang nang gano'n.
Seryoso siya? papatayin niya talaga ko dito kung wala man lang akong dinalang pagkain? argh.
"If I don't see you here for a few days, you won't see your family either, I treat you kindly so I hope you don't overdo it, Honey." nakatalikod nitong sambit habang ang isang kamay ay nakapamulsa.
Naglalakad na siya palayo sa'kin.
Papasok sa room.
"Bring me more food and add more because the little ones don't get enough for my tummy." Narinig ko parin ang boses niya kahit nakapasok na siya sa loob ng jail door, naiwan akong tulala na parang isang kidlat lang ang nangyare.
Bakit ba ang bilis.
Ngunit anong iniisip ko kanina? Nakalimutan ko-
WAIT! ba't ba mas inaalala ko pa 'yon! Dapat umiyak ako kasi muntik na ako mamatay huhu.
Bad talaga siya!
______________
Nakatulala ako habang nagcomute pauwi, seryoso ba'to? pero bakit nasa labas si Riggs kanina? bukas ang gate at-
Tinutukan niya pa ng kutsilyo ang police na tulad ko? Aba oo malakas siyasige siya na pero, nakakadiri siya at pinandidirian ko siya!
Kung nakakalabas siya? bakit hindi siya tumakas? ano bang sinasabi ko!
"Kuya J. Luna street po," sambit ko at agad namang tumango ang Driver, ang lalim ng iniisip ko ngayon.
Ayoko nang bumalik, hindi naman siya makakatakas kaya-
KINABUKASAN*
Hindi ako papasok ngayon hihintayin ko nalang ang araw na matapos ang trial niya, ayoko pumasok.
Matutulog ako magdamag 'no!
Please ayoko, oo isa ito sa pinangako ko na magiging matapang ako at hindi ako matatakot sa ano mang bagay na haharapin ko kaya kailangan kong magpahinga.
Agad ko namang tinignan ang clock na nasa tabi ko, 9:56 a.m na, nakahiga ako at tinuloy ulit ang pagtulog ko, nakatali ang mahaba kong buhok dahil sanay ako na lagi itong tinatali pag natutulog para hindi magbuhol.
Dalawang araw nalang pala bago ang trial niya, hindi na ako gagambalain pa ng konsensya ko kung hindi ako papasok.
Mas mabuti pangpagalitan ni Lira kaysa mamatay sa kamay ng demonyong may hawak ng kutsilyo but wait-
Bakit siya may kutsilyo?
Sabagay bakit pa ako magtataka eh mayroon nga siyang magandang lugar sa loob, kitchen, room at aba mas maganda pa sa apartment ko ang kulungan niya kaya ba't ba ako magtataka kung may hawak siyang kutsilyo.
Ayoko nang isipin!
Ang sarap talaga matulog, saka nalang ako magpapaliwanag sa office.
Nagalarm naman ang phone ko na ikinagulat ko, sinong tatawag sa'kin? ang oras ng call namin nila mama is 7:00 p.m kaya imposible.
PO2 GOMEZ
Ah si Lira pala, "H-hello" panimula ko, "Wala ka raw sa duty mo ah." rinig kong may inis ang sambit nito kaya nagisip agad ako ng dahilan, "A-ah sorry, sinisinat ako, 'di ko kayang magtrabaho dahil masakit ang ulo ko." utal-utal kong sagot para maging mas kapani-paniwala.
"Fine, sasabihin ko nalang." napangiti naman ako sa sinabi niya, "Wah, Lira thankyou." masigla kong saad at agad naman akong napatakip ng bibig at pinatay agad ang call.
Ang tanga mo Kexiah, ano ka? masayahing may sinat? hays.
Bumalik na ako sa pagtulog ko at nilagay ang phone ko sa tabing mesa, pagkapikit ko ay tumunog ulit ito kaya agad ko iyong kinuha, "Lira may sinat talaga ako promise, mukha ba akong nagsisinungaling-" napahinto ako nang umubo ang kausap ko.
"The hell with that fever?" reklamo mula sa kabilang linya kaya agad kong tinignan ang numero at pangalan dahil lalaki ang boses nito, Hindi ko siya kilala.
"Sino kang scammer ka? wala akong pera babush." dali-dali kong pinatay ang call at shinutdowm ang phone ko.
Nakakaabala sa pagtulog.