"Will the defendant please rise," saad ng Chief Justice ngunit hindi basta-basta tumayo si Riggs,
"WILL.THE.DEFENDANT.PLEASE.RISE." pag uulit pa ng Judge ngunit natatawa lang si Riggs sa paligid niya at tumayo ito ng dahan-dahan.
Wala itong pakialam sa paligid at walang tinitignang tao na tila may sarili itong mundo.
Nagulat kami ng biglang-
Ibinuga niya ang chewing g*n sa gitna ng Court na ikinalaki ng mata ko at ikinagulat ng marami, ang mga camera sa paligid ay agad na tumutok sa kaniya.
Halata sa mga police ang takot nila kay Riggs, ano bang nakakatakot sa kaniya?
Kaya pala hindi nila ito kayang suwayin dahil-
Takot sila
Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid ngunit nanatili paring kalmado ang mga judge at pinapakita parin nila ang pagiging professional nila, Nakatayo na ito at hindi ko parin makita kung saan o sino ang tinitignan niya pero nararamdam kong natutuwa siya.
"We have given you one last time to give your statement, do you have anything else to say to defend yourself? you have the right to speak." paliwanag ng Chief.
"The hell," ito ang narinig kong sambit niya, "Yup, hell is the place you belong with Mr, Riggs." sambit ng prosecutor kaya agad naman siyang tinignan ng judge.
"This case is long overdue Riggs, the law has been waiting for you for a long time." habol pa nito, "Prosecutor Horem, hayaan mo na ako magsalita." saad ng Chief justice kaya tumango naman ang prosecutor.
"You have committed a great crime against the law, murder, not just one but a hundred times and your crime is no forgiveness, the use of money power is never good." panimula ng judge.
"A heinous crime is very evil or wicked." sunod pa nito, "And because you break the human rights, you are convicted of..." hindi pa natatapos ang sasabihin ng Chief Justice ngunit narinig ko na ang iyakan sa paligid.
Nakatayo parin si Riggs habang ini-spin ang ballpen na hawak niya, seryoso? wala siyang pakialam? hahatulan na siya oh.
Sabagay, psycho nga pala bakit ko ba nakalimutan.
"THE DEFENDANT IS GUILTY"
"Bilang isang Chief Justice ng korteng ito-"
"Riggs Greyson, Hinahatulan kita ng PARUSANG KAMATAYAN." nanlaki ang mata ko sa narinig ko dahil sa unang pasok ko sa korte ay iyon na agad ang una kong narinig, agad namang nagkagulo ang paligid at pinukpok na ang gavel at nagsalita na ang nasa tabi ng Judge.
"REPUBLIC ACT No. 9346, AN ACT PROHIBITING THE IMPOSITION OF DEATH PENALTY, Republic Act 7659, the law signed in 1993 and which imposed the death penalty, heinous crimes." Sambit ng isang Attorney na nasa tabi ng Chief Justice.
Agad namang nagkagulo kaya rumesponde agad kami at nakita ko rin na pumasok na ang mga reporters, ang bilis ng t***k ng puso ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Ang bilis ng pangyayari-
Tama ba ang narinig ko
Death penalty
CHAPTER 1:PSYCHOTIC HONEY
We're here now in the court.
Yup, tama ang narinig niyo.
Nandito kami ngayon sa korte at isang malaking kaso ang nagaganap ngayon, I'm PO2 Kexiah Lores, 24 years old and one of those police that guarding this court.
Delikado kaya doble ang bantay lalo na at ang nasa harap ay isang psychotic criminal na matagal nang pinag hahanap ng mga police, isa siyang mayaman at makapangyarihang tao, yeah, when you look at his physical appearance 'di mo agad mapapansin na isa siyang criminal.
At napansin ko rin kanina-
Maitsura siya at maganda ang galawan niya, mukha siyang model lalo na at hindi ko rin naman maitatanggi ang ganda ng pintig at pangangatawan niya ngunit isa parin siyang criminal.
Ang mga Camera sa paligid ang nagpapatunay ng malaking krimen na ginawa niya.
Hindi ko pa siya nakikita ng malapitan dahil wala namang nakakalapit sa kaniya bukod sa mga nag tataasang kapulisan, isa kasing karangalan para sa kapulisan ang pagkakadakip sa murderer na 'to, isang Class A murderer aba mala murderer sa t.v ang peg, naging usap-usapan ang pagkahuli sa kaniya do'n sa department namin, that's why maraming police ang nandito dahil hindi nila alam ang tumatakbo sa isip nitong lalaking ito kaya mas mabuti ng sigurado.
Actually ngayon lang ako nakatapak sa supreme court at makakanood pa kami ng isang hahatulan wow, napapanood ko lang 'to sa t.v eh.
Btw nasa'n nanga ulit ako, oo tama
Riggs Greyson
Isa siyang mayaman at makapangyarihang tao kaya nangangamba sila na baka sulitin niya ang oras na'to para tumakas dahil may pera naman siya kaya 'di na ako magtataka kung makakatakas siya.
Nakaupo siya sa left side table ng supreme court na'to kasama ang high class Attorney niya, yup hahatulan siya dahil tapos na ang pag i-imbistiga sa MGA kaso niya.
Nakatayo ako ngayon dito sa gilid ng pinto at nakatalikod ang lalaking iyon sa akin, ngunit nakikita ko mula rito ang nakapatong niyang paa mula sa table habang ngumunguya ng chewing gum, hmmm...
Nasa left side din ako ng court
Psycho nga talaga.
Ta's hindi man lang siya sinusuway ng mga police hays, kung ako susuwayin ko 'yan ta's sasabihin ko be professional-
"PO2 Lores, be professional." napansin ni Lira na nasa tabi ko lang ang pagsilip at paglinga linga ko mula sa harap kaya agad akong napatayo ng maayos, "Pasenya na." bulong ko at itinaas ang tingin ko.
Ako tuloy ang nasabihan no'n.
Si Lira Gomez ay kasamahan ko rin sa trabaho at kasabayan ko lang din siya, PO2 Gomez.
Hindi ako pwedeng magpadala ng curiosity ko, kailangan naming magbantay hanggang sa matapos ang paghatol, hindi kami pwedeng maging pakampante.
Kaya lang naman ako napasama dito dahil kailangan pa ng dobleng bantay kaya dito kami nakaduty ngayon hihi at dahil chismosa ako ay marami akong nalaman sa kakasuhan ngayon.
Chief justice occupies the center chair, the senior Associate Justice sits to his right, the second senior to his left, alternating right and left by seniority.
Wow mga pro
"Let's begin." Chief justice said,
"Discuss the case." habol pa ng chief.
"Base on police research." panimula ng prosecutor, inilapag nito ang mga dalang papel sa table habang nakatingin sa lalaking si Riggs Greyson ang lalaking hahatulan.
Ang prosecutor ay mukhang nasa age of 20 plus pa pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil malawak ang korte at may kalayuan siya sa'kin pero kung babase sa pintig niya ay halatang kaedaran ko lang siya, wow ang bata niyang prosecutor kung tutuusin.
Nakikita ko mula sa pwesto ko ang ginagawa ng prosecutor dahil nakatayo ako dito sa gilid ng korte kaya tanaw ko ang lahat maliban sa lalaking nakatalikod na si Riggs ang defendant at ang katabi nitong attorney.
Mukhang kalmado lang si Riggs at ineenjoy ang suot nitong prison uniform, hindi ito naka posas sa ngayon dahil hindi pa natatapos ang hatol.
Ang mga siko nito ay nakapatong sa upuan habang nakataas parin ang paa, suwayin niyo nga 'yan parang bata haysss.
"We meet again Riggs." saad ng prosecutor mula sa malayo habang inaayos ang papel, "Many cases are faced by the defendant and all of them have been proven." habol nito habang kinakapa ang mga papel at inaayos ang projector.
"This is the biggest case he is involved in and now that research has ended, killing more than a hundred people in Las vegas, Canada and Philippines is an unforgivable crime." diin na sambit ng Prosecutor.
"I know many crimes have been committed but here we are with the worst crime you have ever committed, so listen carefully Mister." habol pa ng prosecutor.
Alam ko na kung bakit ganito nalang kahigpit ang kapulisan, madami ang tao at halos lahat ay kinakalma ang sarili, siguro ay ilan sila sa pamilya ng mga pinatay ngunit wala akong alam sa story kaya gagawin ko nalang ang trabaho ko.
Pinakita ng prosecutor ang isang presentation sa harap at ang mga murder cases, "After you kill people one person day a day, you stop killing on the day of September 09, 2018 at the time of 6:00 a.m and you even managed to live in the Singapore area at the 5:00 in the morning that you thought you could hide," salaysay pa ng prosecutor.
Di ko maintindihan huhu
Nararamdaman ko mula sa likod ng baliw na lalaking ito ang kalmado niyang awra na tila wala siyang ganang makinig, tsk psychotic.
"This is the last picture of a person that he killed in the day of September 08, 2018. Rolando Vacillio is a Filipino citizen that owned a lot of business and his body found in one of a hotel in Canada-" 'Di natuloy ang sasabihin ng prosecutor ng nagsalita ang Attorney ni Riggs.
Yup kilala ko si Rolando at isa siyang mayamang businessman.
Lahat kami ay nakikinig.
"We have a matter about that case," sagot ng Attorney ni Riggs, like ano pang ginagawa ng Attorney? pinagtatanggol niya ba ang dyablo?
Sabagay, kailangan talaga ng isang attorney na ipaglaban ang defendant dahil iyon ang trabaho niya.
Tumingin ang. Chief Justice sa prosecutor at humarap na ito sa Attorney.
"Okey go ahead present your matter." sambit ng Chief, "As the prosecutor said, the last person killed by Mr, Greyson was found on September 08 at 6:00 in the morning and they caught Mr, Greyson on Sept 09 at the time of 5:00 in the morning," panimula nito habang nakatayo at nagsasalita.
"If you look at Mr, Greyson's flight from Las vegas, 1350 N Town center Dr, Las vegas, NV 89144, United states in the falling water apartment at the time of 3:00 a.m in the morning to Singgapore 1 fullerton square, Singapore 049178, fullerton hotel, the hotel where you found him." nakakawala naman ng utak ang sinabi ng attorney niya.
"The flight takes a day and a half, If you see the passport I'm holding Mr, Greyson didn't leave Las vegas and his last passport was to go to Singapore, September 06 2018 this is the picture of him in the Las vegas park and if you calculate the flight from Las vegas to canada takes two days, if Mr, Greyson is in Las vegas during September 06 to 08 2018 how else can he fly to Canada just to kill Mr, Rolando?" pakita pa ng passport at litrato ng attorney sa madla.
"How could he move there in such a fast time? doesn't it look like something is wrong?" sagot pa ng attorney, "It's very simple Mr, Attorney." sagot ng prosecutor.
"It looks like you're just pointing to the last crime he committed and how about a few hundred he killed? but nevermind, let's talk about this case Mr." Saad ng prosecutor.
"And looks like the search you did is still lacking Mr, Attorney." saad pa ng prosecutor, "In a few years of investigation, this matter is not new to us, there is only one sign and it is hidden in the victim's body so I know that he did it right away." naglakad ang prosecutor at my inilabas na bagay.
"For every victim you kill, they are all Filipino citizens and we find in their bodies something, in all the corpses it matches and there is only one thing." sunod pa nito.
"They have a small gold in their body and this gold is real, in our investigation it is not unlikely that he was ordered to kill, is that possible? is it, attorney?" sarkastikong saad ng prosecutor at tila galit ito at may diin habang nakatingin kay Riggs,
"There is no reason for you to put evidence that can make you caught right? and a hundred of gold in every dead bodies, Riggs do you have a soul?" nanlilisik ang mata ng prosecutor at alam kong kinakalma niya lang ang sarili niya,
"Are you playing with the laws, Riggs?" sambit pa ng prosecutor na tila may malaking tensyon na namamagitan sa kanila ngunit nanatiling kalmado si Riggs, tatayo pa sana ang Attorney ng pigilan siya ng isang kamay ni Riggs.
"You are a useless attorney, don't make a fuss." Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Riggs at parang natutuwa pa ito sa nangyayari base sa boses niya, "Grabe" 'di ko naisipang nakapagsalita ako at tumingin si Lira sa akin huhu paktay ako.
Agad akong tumuwid ng tayo,
"Don't defend him anymore, you shouldn't help a demon, attorney,. It's a pity you're good if you use it badly." narinig ko pang nagsalita ang prosecutor, "If you want to comply with the law, we will grant your request." taas noong saad ng prosecutor,
Pagkatapos nang basahin ng Chief justice ang mga papel ay umupo na ang prosecutor sa upuan nito at nanatiling masama ang tingin kay Riggs.