KCIN’S POV
Mataas na ang araw ng magising ako. Pasado alas otso na ng umaga at dahil late ako ay kara-karaka akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Hindi na ako kumain. Naligo at nag toothbrush nalang ako at pagkatapos ay naglakad papalabas ng boarding house at nag-antay ng sasakyan papuntang school.
Kasalukuyan kong nililinisan ang salamin ko ng may isang motor ang huminto sa harapan ko.
Pagharap ko ay si Ardem Andrei Aberia Maghari.
Ang Mr. FU 2019 ng school, basketball player, 5’8 ang height, matangos ang ilong, medyo chinito, Moreno at malakas ang dating (parang Jack Roberto lang) campus crush, pinagkakaguluhan ng mga babae at syempre ng mga gays sa loob ng university. Architect student, Bunso sa tatlong magkakapatid, Ilang-Ilang street, house number 89. Sa abroad nagtatrabaho ang mga parents niya at ang panganay niyang kapatid ay namatay noong 3 years old pa lang ito at ang ate niyang si Aleayah Veronica ay ang kasalukuyang nag-mamanage ng isang restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila. Birthday December 14, favorite color black, fav food anything basta nakakain, fav movies Takken and Fast and Furios (ilan lang yan sa mga alam ko).
Wag niyo ng tanongin kung saan ko nalaman ang mga impormasyon na yan dahil ayoko ng maala-ala ang mga sandaling iyon. Sandaling naging stalker niya ako mapagbigyan lang ang gusto ng mga malalapit na kaibigan ko.
Back to reality na.
Actually hindi naman talaga sa harap ko huminto mga isang metro lang naman ang layo bago makarating sa tapat ko mismo. Kinuha niya ang phone niya dahil may tumatawag sa kanya.
“Oh? Just wait me there ok. Papunta na ako dyan.” Anito sa kausap sa kabilang linya.
“Sige bye, I love you.” Sabi pa nito.
Malamang sa malamang ay si Christine Jewel Mitch Hilario Johnson.
Iyon ang girlfriend niya na Ms. FU 2019 ng school, 5’6 ang height, matangos ang ilong, maputi at habulin ng mga boys at lesbian. Fav color pink and red, fav foods anything basta sweets, fav movie A Walk to Remember, birthday April 28, likes gwapo, gwapo ulit tas gwapo, dislikes pangit, pangit, pangit at higit sa lahat pangit.
Curios naman ba ulit?
Minsan rin kasi akong nahumaling sa kanya pero ng malaman kong sila na ni AA (short for Ardem Andrei) ay tinigil ko na. Six months na silang in-relationship at going strong pa rin ito.
Wala atang balak na maghiwalay. Nang mailagay na niya sa bulsa ang phone ay umalis na siya at sa kinamalas-malasan ko pa, pagdaan niya sa tapat ko ay nadaanan niya ang tumpok ng tubig na dala ng naipon na tubig ulan ay tumalsik ito papunta sa akin. Puno ng putik ang pants na suot ko.
Dahil sa late na ng ako ay hindi na ako umuwi para magpalit ng damit sa halip ay pinunasan ko na lang ito ng panyo na dala ko.
Maya-maya pa ay may dumaan na na trisekel. Hanggang sa loob ay pinupunasan ko ang mga putik na tumalsik sa suot ko na pantalon at iilan sa damit ko. Kung minamalas ka nga naman. Late ka na nga natalsikan ka pa ng putik. Putik naman talaga!
Kahit na nilawayan ko na ang panyo para maging basa ay wala pa ring epekto ito hanggang sa makarating ako ng university. Buti na lang ay nawala-wala na rin ang ibang putik pero mahahalata mo pa rin ang mga marka ng tumalsik na putik doon.
Diretso agad sa CR ng college ang tungo ko sasagarin ko na ang pagiging late total wala na rin naman akong maaabotan sa first subject ko. Matapos kong punasan ang lahat ng putik na tumilamsik sa suot ko ay nagtungo na ako sa room namin na nasa 4th floor pa ng building Ng college namin.
Nang makarating ako doon at masilip ang aming room ay naroon pa rin ang aming prof na nakatayo sa gitna ng room at nakaharap sa board kaya naman ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng room namin at dahan-dahan ko din itong sinara at sa kasawiang palad pagharap ko sa likod ay naroon na ang professor namin na si Professor Ansil sa major subject namin.
Hayon labas ulit at aantayin matapos ang class. 3rd time na nangyari sa akin ito. At malamang sa malamang sa guidance office ang tungo ko nito.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos ng klase ni Prof. Ansil ay isinama niya ako sa Guidance office. Saglit lang ang pagcounsel sa akin at lumabas na ako. Pinasulat lang ako ng promissory note na dalawang page. Takti parang high school lang ang datingan.
“What happened friendship?”
Salubong agad sa akin ni Nicalleen Faye N. Flores.
Tulad nga ng sinabi niya, friendship ko dahil mula ng lumipat ako sa university na ito siya ang una ko agad na nakilala at naging close. Magaling siya kumanta, maputi, chinita, yun nga lang hindi katangkaran pero maganda.
“Natalsikan ng putik kanina habang nag-aantay ako ng sasakyan. Guess what kung sinong dahilan?” Sabi ko dito.
"Clue." Sabi naman niya.
"Famous."
"AA?"
Tumango naman bilang sagot sa hula niya. talaga naman kapag sinabi mong sikat siya kaagad ang sasabihin ng mga tao dito.
“May assignment ba tayo kay sir?” Dugtong ko pa dito.
“Wala naman. Pero project for finals gagawa daw tayo ng isang music video, pero…”
“Pero ano?” Dugtong ko pa dahil hindi niya tinapos ang sinasabi niya.
“Three person lang per group….”
“Sabihin mo na ba. Binibitin mo naman ako niyan eh.” Sabi ko dito na medyo naiinis na.
Nababadtrip talaga ako pag ganito siya.
“Magkagrupo tayo nina JD” Sabi niya.
“Iyon lang?” Sabi ko dito.
Anyway. JD is short for Jenny Dianne B. Banico. Hindi siya boy kundi ay girl. Isa rin sya sa mga close friend ko dito sa section namin.
“Hindi lang iyon, dahil ang mga artist natin ay galing sa ibang course. Diba ang saya.” Anito na tinataas-taas pa ang kaliwang kilay.
“Hindi kayo nagpalag?” Tanong ko rito.
“Ano naman ang mapapala namin if we don’t agree sa gusto ni sir.”
“Oo nga pala.”
Napailing na lang ako sa isipang dapat masunod ang gustong mangyari ni sir. Naku naman.
Hindi nagtagal ay pumasok na sa room ang teacher namin sa Literature.
Habang nagkaklase ay pinag-iisipan ko na kaagad ang magiging concept ng aming music video. Sino ang mga magiging lead actors namin. Sikat na tao ba sa loob ng campus o sa labas o mga ordinary person na lang.Hanggang sa matapos na ang klase namin na ganon lang ang laman ng isip ko.
Niyaya ako ni Nica na pumunta sa cafeteria pero tumanggi ako dahil tinatamad akong umalis. Isa ring dahilan ay dahil sa dumi ng aking damit at pantalon.
Dahil sa wala kaming klase sa sumunod na subject ay naisipan kong pumunta sa rooftop ng old building sa likod lang ng building ng college namin. Doon ay tahimik dahil hindi na ito ginagamit at ginawa na lang na storage room at iyon din ang tambayan ko sa tuwing walang klase at gustong matulog.
Sa halos tatlong taon ko dito sa college ay ni isa ay wala akong nakitang estudyante na tumambay dito. Sakto rin dahil solo ko ang lugar na ito.
Kinuha ko ang camera na nasa bag ko. I always carry my camera dahil ayaw kong ma-miss ang ganda ng mga shape ng mga ulap. I don’t know kung bakit nahilig akong kumuha ng mga pictures ng ulap. It is because malaya silang nagagawa ang gusto nilang gawing shape nang walang limitasyon. Hindi tulad ng tao na may hangganan, may katapusan.
After an hour ay naisipan ko ng bumaba at pumasok sa room namin. As usual madadatnan ko na naman ang pinaka-worst scenario (worst na nga pinaka pa) sa college life ko.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kung wala kayong klase ay manahimik na lang kayo! Hindi puro kaingayan niyo ang maririnig ng buong college natin! Dinaig niyo pa ang mga elementary students sa kaingayan niyo. Mabuti pa nga sila napagsasabihan kayo na tong binulbol na hindi pa rin magawa ang makinig.” Si Dean Paredes ang naririnig kong nagsasalita.
Two blocks away pa ako noon pero dinig ko ang boses niya. Ewan din ba sa mga kaklase ko at hindi natututo sa mga sinasabi ni Dean.
“Who is your room president?”
Tumaas naman ng kamay si Alice sa katanungan ng Dean.
“Write an explanation about this and as a punishment. Clean the building and the ground of the college for one month” Dugtong pa nito.
Sa isip-isip ko ay wala na sana pang magsasalita sa kanila but I doubt it. Mayroon talagang aangal dyan.
“But Dean…..”
Narinig kong sabi ng isa kong kaklase na agad namang in-interrupt ni Dean.
“Clean it for two months.”
Pagkasabi nito ay tumalikod na siya at umalis na sa room namin. Bumukas ang pinto at nasa harapan ako ng pinto. Binati ko si Dean pero deadma lang ako.
Galit talaga.
Pagkapasok ko sa room ay parang mga bubuyog ang mga kaklase ko na panay na ang bulungan sa isa’t isa na halatang disagree sa nangyari but we have no choice we need to do what Dean is saying.
Baka madagdagan pa eh.
“Anong nangyari?” Tanong ko sa kanila na kuwari ay wala akong alam sa nangyari.
“As usual. Walang pinagbago sa tuwing nakawala tayo sa hawla” Sabi ni Alice Liska ang aming class room President.
“Ginawa niyo na naman ang pinagbabawal?” Tanong ko.
“Naku ha. Don’t us ha. Magtigil ka dyan.” Sabi sa akin ni Darleen.
I know what she means doon sa sinabi niya. Dahil minsan ako ang pasimuno ng ingay sa loob ng room.
**********
Author's note:
First time kong gumawa ng kwento na tulad nito. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo o hindi but I try my best naman to make it good para sa inyo.
Please leave a comment sa chapter na ito. Para naman alam ko kung itutuloy ko pa ang kwento o hindi na......
Salamat ng marami.???
Don't forget to follow, share, vote and comment.