“N-NICKOLAI . . .” Wala sa sariling banggit ni Yvette sa pangalan na iyon. Malakas na napamura sa isip si Yvette habang pilit na nag-iisip ng sasabihin. Pinapagalitan niya rin ang sarili sa isip dahil sa katangahang ginawa. Maliban sa katangahan niyang mabunggo ang lalaking nasa harapan kahit pa nga napakalawak naman ng daanan, ay natatangahan din siya sa sarili dahil sa hindi agad niya nakilala ang lalaki. Well, hindi naman maipagkakailang hindi talaga makikilala ni Yvette ang lalaki dahil sa laki ng ipinagbago nito. With how the voice turned more manly and baritone, with a touch of gracefulness na parang isang malaking tao ang nagsasalita. It was so different from the childish, and young voice that it used to. Sa boses pa lang ay masasabi nang may class ang nagsasalita. Na parang lumak

