MARAHANG napangiti naman si Yvette matapos marinig ang announcement na iyon ng flight attendant. Gaya ng plano ni Yvette, umalis pa rin talaga siya ng Pilipinas ng walang pasabi kay Nickolai. Not even with Uncle Carlo or her daughter. Wala talaga siyang sinabihan kahit isa. Hindi niya alam kung bakit wala siyang sinabihan. Dahil ba sa gusto niyang i-surprise ang anak, o dahil sa ayaw niya lang may magsabi kay Nickolai tungkol sa pag-alis niya. Hindi man niya alam kung hahanapin nga ba siya ni Nickolai at pipigilan umalis, pero kung mangyari man nga ang bagay na iyon ay nakakasiguro si Yvette na hindi siya magdadalawang-isip na sundin ang kung ano mang gustong sabihin ng lalaki. Kaya naman para sa kanya, ang pag-alis ang siyang pinakamagandang solusyon, dahil gusto niya na talagang tuluy

