"Allison, ang g'wapo naman ng tatlong 'yan," bahagyang kinikilig na siniko siya ni Kara. Kasamahan niya itong service crew na tumatao sa counter. "Mga papansin ka 'mo," saad niyang nagpipigil naman ng ngiti. Nagkukulitan sa mesa sa gilid sina Ethan, Zion at Leio. Hinatid siya ng mga ito kanina at nangako na hihintayin din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Kanina pa paulit-ulit at salitan sa pag-order ng kung anu-ano ang tatlo. "Grabe ka, sino r'yan ang boyfriend mo?" patuloy ni Kara. "Wala," muntik na niyang malasahan ang pait ng sinabi niya. "Ang bitter naman. Oh sige, kung ayaw mo umamin, huhulaan ko na lang kung sino." Iniikot niya ang mga mata. "Yung naka-itim" "Huh?" pinilit niyang 'wag mamula, si Ethan ang tinutukoy nito. "Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa '

