SPECIAL CHAPTER CHRISTMAS STAR ********** SPECIAL TLBS CHAPTER. ********* [Two years after Rosana's fire incident] December 24, Christmas Evening. [Sister Lina] "Bakit 'pag Krismas kailangan magsabit ng socks sa may bintana?" "Lalagyan kasi iyon ni Santa ng gift para maging mas masaya ang Pasko. Regalo niya iyon para sa mga mababait na bata." Tinitigan siya ng bilog at itim na itim na mga mata ng batang babaeng nakaupo sa harap niya. Kumurap ito ng isang beses at nakita niya kung paanong tila kumislap ang sulok ng mga mata nito. Mabilis itong umalis sa kinauupuan at tumakbo papunta sa may gilid na bahagi ng kinaroroonan nila na kitchen. Nagsimulang gumawa ng kakaibang ingay na parang may hinahanap. "O, anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya sa bata. Minasdan ni

