PAGE 44 Who ****** TANGHALI NA nang nagising ako kinabukasan. Iyong tanghalian ko, agahan ko na rin. Dumating iyong pinagawang dress ni Jona after lunch. Napaka ganda nun. Isang puting dress na abot hanggang tuhod ang haba pero may design na lace na skirt sa ibabaw nito na abot hanggang sakong. Off shoulder at may design na parang iyong mga damit na pang-Greek Goddess. Lokaloka itong si Jona. Hindi pa naman kasal ang magaganap pero kung makapag-isip ay parang ganun. Haist. Hindi kasi ako yung pumili kaya wala akong karapatan na umangal. Busy kasi ako. Busy-busyhan. Matapos naming kumain ay nagkaayaan kami na manuod ng movie. Sa house lang. Gusto ni Jona nang horror movie pero hindi pwede since kasama namin si Mama kaya isang lovestory ang pinanuod namin. Enjoy naman kami

