Hangover or Real Deal

492 Words
“Now?” Nakasalikop-bisig si Rhale na nakasandal sa may pinto nga kwarto ni Misty. Naghahalo ang taka at pakainis sa mukha ni Rhale habang tinitingnan niya si Misty na ngayon ay nakaupo sa kama nito suot ang bath robe at nakapulupot sa towel ang buhok. Halatang bagong ligo pero nakalukot ang mukha na tila hindi alam ang gagawin. “Hoy! Wala ka ba sa sarili? Singhal ni Rhale kay Misty. Napataas-tingin si Misty at nangungusap ang tingin niya kay Rhale. “Marco’s free,” saad ni Misty ngunit hindi maitago sa himig nitong may pagkabahala. Mabilis na nagpalit ang kaninang mukha ni Rhale na na aburido sa kaibigan. Sinundo niya ito mula sa isang hotel na tila balisa at wala sa sariling katinuan at ngayon ay may balita nang dala. Lumapit si Rhale sa kaniya at naupo sa tabi nito. Mabilis na hinawakan si Misty at pilit na pinahaharap sa gawi niya. Para bang lumundag ang dugo sa ugat at pulso niya sa pagmamadali na malaman ang nangyari. “Wait! Tell me what.. how.. teka ang bilis,” taranta na sabi ni Rhale. “Dahan-dahan naman,” sabi ni Misty. “Nagbenta ka ng katawan?” Nanlalaki na mga mata nito ang nangungusap kay Misty. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng ganito kung milyones naman ang pinag-uusapan na kailangan bayaran ni Misty? Inilapat ni Misty ang isang daliri sa noo ni Rhale. “Tonta! Ano akala mo sa’kin? Bayaran?” Singhal ni Misty. “Eh paano? Kagabi lang mangiyak-ngiyak ka, tapos ngayon bayad na? Ang bilis ha!” “Marco called me,” sagot ni Misty. “Ano sabi?” mabilis na tugon ni Rhale. “Sabi niya lang wala na raw problema. So I assume wala na siyang utang,” wika ni Misty. “Hoy!” Humawak sa pisngi ni Misty si Rhale. “Naparami ba inom mo kagabi? Mukha yata may hang-over ka pa? O baka nauntog iyang ulo mo. Naniwala ka agad?” Takang tanong nito. Alam niya na imposible naman ang nangyari kung sakali na totoo. Saan naman kukuha si Marco ng pera na ibabayad sa mga na-iscam nito. Nakapagtataka, baka galing din sa nakaw? Malala na ang iniisip ni Rhale ngayon. “Naniniwala ako kay Marco. Kaya sana tapos na ang problema. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas kahapon dahil sa problema niyang ‘yon.” Sabi ni Misty. “Basta ako I dont believe its over.” Umayos ito ng pagkakaupo sa tabi ni Misty. Tumayo si Misty at tinanggal ang nakapulupot na tuwalya sa ulo nito. “Lumabas ka na muna, bihis lang ako. Pagkatapos ay samahan mo ko. Puntahan natin si Marco nang masuguro ko na ayos na.” Sabi niya kay Rhale. Nagbihis si Misty at sinamahan nga siya ni Rhale sa isa gym cafe na malapit lang sa subdivision na tinutuluyan nila. Doo. Madalas tumatambay si Marco dahil kaibigan nito ang may-ari ng fitness gym na mayroong cafe sa ibaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD