Nakatayo si Logan sa tuktok ng puno kung saan sila namalagi simula pa kagabi. Nagsisimula ng lumabas ang araw dahilan upang pinasya niyang maghanda na muli upang maaga silang makapag lakbay. Naririnig niya ang mga huni ng ibon at mga atungal ng beast sa paligid. Alam niyang maraming iba't ibang uri ng mga beast ang naghihintay sa kanila sa ibaba. Maging sa ibabaw ng mga puno ay mayro’n ding nananahan. Mga Low tier lamang ito kaya hindi siya naalarma. Hindi rin naman umaatake ang mga ito kung hindi naman nakararamdam ng panganib sa paligid. Muli ay lumanghap siya ng sariwang hangin. Ang positibong enerhiya ay sinasabayan ng mumunting negatibo sa paligid na kumakalma sa magulo niyang isipan. Pinagmamasdan niya ang mga punong may makapal na mga dahon. Iiling-iling siyang tumingin sa ibaba gay

