Habang umiihip ang malamig na hangin ay dinadala nito ang espesyal na amoy. Isang amoy na nakakuha ng atensyon ni Logan. Mistula hinihila siya nito at animo'y nag-aanyaya. Saglit muna siyang nag-isip bago tuluyang tumigil. Hindi niya maintindihan kung bakit nawawala ang amoy kaya ay nahihirapan siyang alamin ang partikular na pinanggalingan nito. May humahalo na bango sa hangin na mas nagugustuhan ng kanyang sistema. Kung kanina ay tinatawag siya. Ngayon naman ay tila nilulunod ang kanyang kamalayan. “Logan? May problema ba?” tanong ni Gamiya. Nagtataka ang apat na babae sa pasya niyang tumigil samantalang nagmamadali naman sila. Alam nilang kanina pa ito atat na makaalis na tila ay mayroong hinahabol. Subalit ngayon ay bigla na lang itong tumigil at puno ng katanungan ang mukhang nakatit

