Marami ang mga evolvers na nakapaligid sa Old Lower blood palace. Galing sa mayayaman na angkan, hanggang sa pobreng mga mamamayan ng Lower blood. Dahil sa digmaang sumiklab sa loob ng Palasyo ay nagkagulo ang mga evolvers sa paligid. Hanggang sa napagtanto nila na ang Palasyo ay nakabukod pa rin dahil sa mataas na uri ng shield na nakapalibot dito. Doon lamang napanatag ang pakiramdam ng iba nang maisip nilang ligtas sila na madamay hangga't sarado ang shield. Matapos ang halos limang oras na digmaan ay natapos din ito. Humantong ang digmaan sa pagkamatay ng maraming Voidran guards. Walang may-alam kung ano na ang nangyari kay King Voidran. Marami ang mga nagsasabi na pinaslang na ito subalit, tanging si Logan lamang ang nakakaalam sa tunay na nangyari dito. Siya lamang ang nakakaalam sa

