Nakaupo si Logan sa isang madilim na sulok ng silid kung saan siya naroon. Hindi niya alam kung ilang araw na siya rito. Basta ang alam lang niya ay naging isang bihag siya ng mga nilalang na may kakaibang anyo. Basi sa kanyang mga nakikita ay mayroon wangis evolver ang mga ito subalit mayroong parte sa kanila kung saan ay nakaramdam siya ng presensya ng isang demon beast. Nakita na niya at nabasa ang mga kagaya nila noong napadpad siya sa Ancient burial ground. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa mga nabasa niya roon. Ngunit pinatutunayan lamang ng mga pangyayari ngayon ang mga nakasulat sa tomb. Sa kanyang palagay aksidente na napadpad ang iba sa kanila sa ibang mundo dahil sa black forest water. Naaalala pa niya ang bigat at puno ng pighating tunog sa ilalim ng tubig. Ang malungkot

