Status

2501 Words
‘Quest two: Find the berserker heavenly tears. Save the woman. Get your first berserker core. Rewards: One hundred thousand low grade points. Two hundred thousand middle grade points. Fifty million high grade points — completed. You have gathered enough points to evolve. Low evolver level three— Completed. Low evolver level four — Completed. Low evolver level five — Completed. Low evolver level six — Completed. Low evolver level seven — Completed. Low evolver level eight— Completed. Low evolver level nine — Completed. Low evolver level ten — Completed. Congratulations, you have fully acquired the low evolver evolution. Middle evolver, evolving . . . Middle evolver level one — Completed. Middle evolver level two — Completed. Middle evolver level three — Completed. Middle evolver level four — Completed. Middle evolver level five — Completed. Middle evolver level six — Completed. Middle evolver level seven — Completed. Middle evolver level eight — Completed. Middle evolver level nine — Completed. Middle evolver level ten — Completed. Congratulations, you have acquired the middle evolver, evolution. High evolver, evolving . . . High evolver level one — Completed. High evolver level two — Completed. High evolver level three — Completed. High evolver level four — Completed. High evolver level five — Completed. High evolver level six — Completed. High evolver level seven— Completed. High evolver level eight — Completed. High evolver level nine — Completed. High evolver level ten — Completed. Congratulations, you have completed the Lower blood world evolution. User Logan is ready to be teleported in the middle blood world . . . Do you wish to prepare for body cleansing, Logan?’ Nagising si Logan na mabigat ang kanyang mga kamay. Mistula may nakadagan dito at hindi niya maigalaw. Naninibago siya sapagkat pakiramdam niya ay hindi ito balanse. Nahihilo pa rin siya habang sunod-sunod din ang notification ang kanyang narinig mula sa system. Napabuntong-hininga si Logan habang inaalala ang paghihirap niya para lang maisagawa ang quest Two. Katakot-takot na sakit at hirap ang kanyang naranasan. Nakapikit siya na tila pilit inaalis sa memorya ang nangyayari. ‘Ang babae . . .’ bulong ni Logan nang maalala niya ito. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nagsimulang hagilapin ang babae. Isa ito dahilan kung bakit niya mapagtagumpayan ang pag-akyat sa mas mataas na lebel ng evolution. “Uhm . . . Kamahalan . . .” Dilat na dilat ang mga mata ni Logan habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga. Kung kanina ay malabao ang kanyang paningin, ngayon naman ay ubod ito nang linaw na kahit ang unahan at buong kapaligiran ay nakikita na niya nang maayos. Tila nawala ang kapal ng hamog sa kanyang paningin at napalitan ito ng mala night-vision kung tawagin nila noong panahong sundalo pa siya. ‘Do you wish to prepare for body cleansing, Logan?’ Naulit ang tanong ng system sa kanya. ‘Ano ang mangyayari kapag na-teleport ako? Maiiwan ang aking mga kalahi at naghihirap pa rin?’ ‘What will happen if I get teleported to the Middle Blood?’ tanong ni Logan sa system. ‘You will leave the Lower Blood world for good. Unless you are strong enough to acquire a Void reaper technique.’ ‘I wish to stay.’ matigas na turan ni Logan sa system. ‘Middle Blood World teleportation on hold. You have acquired the unknown bloodline privilege chest items. Would you wish to open, Logan?’ ‘Open!’ ‘Congratulation! You have acquired: Fifty level restriction pills — heavenly grade. Thirty identity covering pills — high grade. One hundred blood restriction pills — high grade. One thousand artificial blood pills — high grade. Two life saving talisman. One thousand fraction robes. Five spirit blood roots. Five immortal blood roots.’ Hindi maintindihan ni Logan kung anong klase ng mga items ang ibinigay sa kanya ng system. Pero sa pakiwari niya ay parang meron ng nagmamay-ari nito noon at ipinasa sa kanya ngayon. Iiling-iling niyang pinanood ang babaeng natutulog. Mistula itong nananaginip dahil nagsasalita ito kahit nakapikit. “Sino ka ba? Kamag-anak ba kita?” tanong ni Logan na hindi pa masasagot hanggat natutulog pa ang dalaga. Alanganing napangiti ni Logan nang kumalam ang sikmura nito. ‘Marahil ay mahaba rin ang kanyang nilakbay.’ Hindi niya alam kung saan magsisimula sa ngayon. Basta ang alam niya ay gutom na rin siya. ‘Check my status and points status, Red’ Red ang napagpasyahan niyang itawag sa system dahil pulang likido naman ito at nahahabaan siya sa pangalang Mixed Blood System. ‘User Logan, status and points status. Bloodline: Unknown. Ability: Heaven defying. Agility: Heaven defying. Dexterity: Heaven defying. Vitality: Heaven defying. Life span: Five thousand years. Bond: Fully accessed. Foundry: Fully accessed. Matrix: Fully accessed. Store: Fully accessed. Equipments: Cloak– None. Boots– None. Sword– None. Armor– Heavenly tier, invisible. Bloodline privilege items: Mixed blood invisible storage ring. Core vessel– Evolution from lower evolver in lower blood to high evolver level . . . Low grade points — Five thousand. Middle grade points — Twenty-four thousand eight hundred twenty. High grade points — Five million five hundred thousand. Remaining low grade points: Ninety five thousand. Remaining middle grade points : One hundred seventy five thousand one hundred eighty. Remaining high grade points: Forty five million five hundred thousand.’ Halos lumuwa ang mga mata ni Logan sa kanyang narinig. ‘Kung gayon, malaki pala ang points na natira. Maaari ko itong gamiting panimula upang maitaguyod muli ang Spirit clan.’ Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan. Dinaig pa niya ang tumama sa Lotto sa mundo ng mga mortal. Tatayo na sana si Logan upang maghanap ng makakain. “Kamahalan,” sambit ng dalaga sabang yuko sa kanyang harapan. Namumula ang mga pisngi ni Logan habang nakatitig sa dalaga. Hindi siya sanay sa ganitong uri ng pag rerespito. Bagkus ay siya ang nagbibigay galang sa mga nakatataas sa kanya. “Maaari bang ’wag mo akong tratuhin nang ganyan. Nakakailang kasi. Hindi ako sanay dahil katulad mo ay simple lang naman akong nilalang.” “Hindi po maaari kamahalan. Ako ay iyong mababang lingkod. Marapat lamang na ako ay lumuhod at dumapa sa iyong harapan,” wika ng dalaga, at umaktong dadapa sa madamong lupa. Mas lalo siyang nailang. Iniisip niyang wala na siyang magagawa kundi ang utusan ito. “Kung gayon. Inuutusan kitang ’wag mo akong tratuhin ng ganyan. Mahirap na at baka may makakita. Manganib pa ang iyong buhay at ang ating pansamantalang katayuan sa Lower blood.” Nakikita ni Logan kung paano natigilan ang dalaga. Umupo ito ng naka luhod sa kanyang harapan. Hindi niya mabasa ang iniisip nito. Subalit nararamdaman niyang may pinaghuhugutan ito. “Masyadong maraming taon na ang nakalipas mula ng nawalan kami ng hari. Mababa lamang ang turing sa amin ng mga Viodran. Maaaring mawala ang aming buhay sa pamamagitan lamang ng isang maling pagbati. Nakasanayan ko na ang maging mas mababa pa sa insekto. Patawad aking Kamahalan,” paliwanag ng dalaga sabay pahid sa mga luha nito. “Maaari bang muli mo nang bawiin ang iyong trono, Kamahalan?” Tila nanigas ang kalamnan ni Logan sa tinuran ng dalaga. Iniisip niyang, paano niya ito gagawin kung maging siya ay hindi alam kung saan magsisimula. Katulad nga ng sinabo nitong mahabang panahon, naging iba rin ang takbo bg kanyang buhay. Wala siyang kapangyarihan o kahit na anong maipanlaban maliban sa system na hindi pa rin siya sanay gamitin. “Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kararating ko lang sa mundong ito at talagang hindi naging maganda ang salubong sa akin sa mga bagay-bagay,” turan ni Logan na hindi mapigilang mapakamot ng kanyang batok. Para siyang batang nagsisimula pa lamang maglakad at kilalanin ang paligid. Ang kanyang mga sinabi ay sinuklian lamang nang nahihiyang ngiti ng dalaga sapagkat muli na namang tumunog ang sikmura nito. “May-alam ka ba na puwede nating matutuluyan dito sa gubat?” Namumula ang pisngi ng dalaga. Hindi niya mapigilang maging masaya. Isasama siya nito, ’yun lang ang tanging iniisip niya. Hindi maipagkakaila ang kapangyarihan na nananalaytay sa spirit blood na kanyang kaharap. Hindi rin mabasa ng dalaga ang evolver level nito. Indikasyon na sobrang mataas eto kumpara sa kanya. Isa iting magandang panimula sa katulad nitong malaki ang gampanan na tungkulin kahit sa ayaw at gusto pa nito. “Sa gitna ng Middle forest, may mga evolver cave ang nakalagay. Isa itong negosyo ng mga mayayamang angkan dito sa Lower blood. Pe-pero, napakataas ng bayad sa mga manunuluyan doon. Lalo na sa mga protected buildings na mas magara kaysa sa mga caves. Patawad po at wala talaga akong maiaambag sa ’yo ngayon.” “Marami ba ang naninirahan doon?” Pag-iiba niya sa usapan dahil nagsisimula na naman itong maging pormal. “Sa ngayon po kamahalan ay malamang halos sarado ang mga tuluyan. Sapagkat, inaabangan nila ang heavenly berserker tears at ang paghuli sa iyo,” napa-yuko ang dalaga at tila nahihiya na wala siyang maiaalay na kahit na ano sa kanyang Kamahalan. “Tawagan mo na lamang akong Logan. Nararamdaman ba ng mga ibang lahi ang aking pagiging Spirit?” “Hindi naman, Lo- Logan. Pero makikilala ka nilang hindi ka kasapi ng kahit na ano sa tatlong angkan. Maging ako kahit may dugo akong Void. Tawagin niyo na lang po akong Gamiya.” Nang maalala ni Logan ang kanyang mga bagong pills nagkaroon siya ng ediya. “Ano ba ang mga kailangan o magagawa natin para hindi nila tayo mapansin, Gamiya?” Nagdiriwang ang puso ni Gamiya nang marinig ang kanyang pangalan na binigkas ni Logan. Para sa kanya na nabuhay sa pagiging alipin simula ng siya ay nabubuhay ay isang malaking karangalan ito ngayon. Itinuwid ng dalaga ang kanyang sarili at muling itinuon ang atensyon sa tanong ni Logan. “Kakailanganin natin ang iba't ibang uri ng mga pills. Maaaring low grade lamang. Pero mas mabuti ang middle grade. Ayon sa aking nalaman ay labis ang presyo ng mga iyon sa middle forest.” “Ano-ano ba na mga pills ang kailangan natin?” “Level tristriction pill. Hindi ko po alam kung ano na po ang iyong evolver level, Kama— Logan. Identity covering pill din. At siguro ang artificial blood pill.” “Kung gayon. Here, take this.” Halos lumuwa ang mga mata ni Gamiya nang makita ang blood restriction pill na isang high grade sa kamay ni Logan. Tumataginting na milyones ang halaga nito sa pamilihan ng middle forest. Hindi pa man siya nakarating doon ay labis naman niyang pinag-aralan ang mga bagay-bagay tungkol sa mga sektor at faction ng tatlong mayamang angkan. Noon pa pangarap ng dalaga ang mapabilang sa isang sektor. Subalit dahil sa kanyang dugong Spirit ay tanging pagiging alipin lamang ang kanyang lugar sa Lower Blood world. “Ka-kahit iyong low grade lang, Logan. Masyadong mahal ito kung ipagagamit mo lang sa akin.” “Bakit? Sino ka ba sa tingin mo? Hindi ka na isang alipin ngayon, Gamiya. Sasamahan mo akong kumilos hanggang makuha natin muli ang Lower blood. Maaasahan ba kita, Gamiya?” Kung susumahin ng dalaga ay tila magsisilbi siyang vizier ni Logan. Isang malaking karangalan ito sapagkat mga lalaki lamang ang hinahayaang maging vizier ng council noon. Dahil sa isang Royal blood din ang kanyang ina ay maraming kaalaman si Gamiya pagdating sa batas at pamahalaan noon ng Royal Spirit clan. Sa lahat ng clan ay spirit lamang ang itinuturing na makatarungan at patas. ’Liban sa mahusay na pamamalakad ay wala ring itinuturing na mga alipin noon. Lahat pantay-pantay na may karapatang kumita at magtrabaho para sa sariling ikauunlad. “Pero paano ka, Logan? Ano ang iyong gagamitin na pill? Hindi ko kasi maramdaman ang iyong evolver. Baka mas kakailanganin mo ang mataas na uri ng pill.” “’Wag kang mag-alala, Gamiya. Uhmmm, nasa high level evolver na ako at maaari nang mag-teleport sa middle world.” Kung hindi nahawakan ni Logan si Gamiya ay malamang sumubsob na ang mukha nito sa madamong lupa. “I-isa ka ng high evolver? Kung gayon! Maaari na nating bawiin ang lower blood, Logan!” exahiradong turan ni Gamiya. “Hindi tayo maaaring magpa dalosdalos. Alam mo ba kung iilan na ang miyembro ng mga prominenteng angkan dito ang nasa high evolver level na?” Natigilan na naman si Gamiya. Nahihiya siya sapagkat hindi siya nag-iisip. “Halos po lahat ng kabilang sa main blood ng mga angkan dito ay nasa high evolver level na po. Mahirap silang suwayin. ’Liban sa Spirit clan na puro babae na lang ang natira, wala nang may-ibang karapatan na manirahan sa lower blood, kun’di sila lang.” “Mas lalo dapat tayong maging maingat. Limitahan din natin ang ating galaw. Kapag nasa middle forest na tayo ay gusto kong mag-hunt. Maiiwan ka muna sa evolver building.” Nahigit ni Gamiya ang kanyang sariling hininga. Ang akala niya ay sa evolver cave lang sila manunuluyan. Hindi niya inaasahang sa evolver building ang punterya nito. Matagal na niyang pinangarap ang makapasok sa loob nun, pero hindi sa ngayon. Dahil alam niya na mas mapapahamak sila. “Hindi po ba tayo paghihinalaan? Kasi po, mga miyembro lang ng tatlong angkan ang kadalasang pumupunta roon. Baka po ay mas makuha natin ang kanilang atensyon. Sigurado akong may magtatanong kung kanino tayong sektor ng void clan kabilang.” “Tama ka, Gamiya. Sige, sa evolver cave na lang tayo magtungo. Ikaw ang masusunod dahil mas kilala mo ang ating mundo kung ikukumpara sa katiting na aking nalalaman. Sigurado ka bang sasama ka sa ’kin?” Tumango lamang si Gamiya nang marinig niya ito. Buo ng ang kanyang desisyon at kamatayan lamang ang magpapabago no’n. Bago sila tuluyang umalis ay nakita ni Gamiya na kumuha ng isang mataas na uri, mas mataas pa sa high grade level restriction pill si Logan. Hindi niya mapigilang mapaisip kung gaano karaming pill mayroon ang kanyang kamahalan. ‘Bond available . . . ’ Napa kurap-kurap si Logan nang marinig ang bagong notification ng system. Fully accessed na ito. Pero hindi niya alam na magagamit na niya ’to agad. “Ano, pumapayag ka rin bang sundan ako kahit na ano’ng mangyari?” Wala sa sariling sinubukan itanong ni Logan kay Gamiya. Nais niyang subukan ang bond na sinasabi ng system. “Kahit saan ka magpunta, Logan. Susunod ako. Kahit na anong gusto mong ipagawa o gawin sa ’kin ay bukal at taos-puso ko iyong tatanggapin.” “Kung gano’n, tinanggap kita na sumunod sa akin.” Napangiti si Logan sa lapad ng pagkakangiti ng dalaga. Tila ay tinutunaw nito ang kanyang pangungulila sa babaeng minamahal. ‘Bond : Building your harem system. Second in the list: Gamiya Dopron. Bloodline: Half royal spirit and half Voidran.’ “Halika na, Gamiya.” Tila napaso ang dalaga nang hawan ni Logan ang kaniyang mga kamay. Hindi niya mawari. Subalit nagdulot ito ng kakaibang sensasyon na talagang nagugustuhan niya. Tila natatalo nito ang kinakabahan niyang sistema. Kahit hindi niya aminin ay sumisigaw ng kusa ang kanyang katawan. Isa iyong bagaybna hindi niya mapangalanan at lubos na maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD