Masyadong mabigat ang enerhiya na nakapalibot sa Mainland ng Lower blood. Sa mainland matatagpuan ang dating matayog na palasyo ng Spirit blood na ngayon ay pinamumunuan na ng mga Void blood sa paghahari ni King Voidron. Maging ang mga tao ay nagkakagulo at hindi alam kung ano ang gagawin. Ang iba sa kanila ay sumidhi ang galit sa hindi makatarungan na hari. Magaling ito sa paggamit ng dahas. Lahat ng gusto nito ay kanyang kinukuha sa pamamagitan ng dahas at kapangyarihan. Walang nais na lumaban sapagkat simula ng mawala ang tunay na hari ng Lower blood ay nalimitahan din maging ang kanilang mga kakayahan na mag-evolve. Alam ng lahat na higit na mas makapangyarihan ang hari kung ikukumpara sa kanila. Kaya upang mapangalagaan ang kanilang mga sarili ay wala silang ibang magagawa kundi ang s

