Chapter 5

1514 Words
“You're one seconds late. 'Di ba't nasabi ko naman sayo na huwag ka'ng mali-late?” Umuusok agad ang ilong ni Reed nang salubungin niya ako sa entrada pa lamang ng garahe. Pinasadahan ko rin ang ayos nito. Naka-casual itong short at puting fitted polo shirt, with dog tag. Handang-handa na itong umalis. Samantala ako, mukhang nanggigitata pa sa suot kong puting uniporme. Pinaghalong alikabok at usok mula sa polusyon ang sinuong ko makauwi lang kaagad. Sunod kong namang nasipat ang mga bagaheng nakalapag sa sementadong flooring. Tatlong bagahe at isang duffel bag na may tatak na Nike. Pawisan ko'ng pinunasan ang noo gamit ang braso. “Trapik kasi sa EDSA. Tinakbo ko na nga lang papasok dito sa village natin para makaabot," paliwanag ko naman. “Ano, tara na ba? Saan nga ulit kita ihahatid?” tanong ko. I know how to drive since sixteen. Pinakuha ako ni Tito Frank ng driving lessons noon kaya at the young age ay marunong na akong magmaneho ng kahit anong brand ng sasakyan. May koleksyon ng mga kotse si Tito Frank at lahat ng iyon ay nasubukan ko nang i-drive. Mapa-lamborghini o rolls royce ay na-master ko na. Minsan nagro-road trip kami mula Manila hanggang Batangas just to unwind. Ngayon, I can't do that anymore because of my hectic and toxic schedule. Inaasahan ko na ang pagsusuplado ni Reed, kaya nang inismiran ako nito ay hindi na nakakapagtaka. Pinag-krus pa nito ang braso sa harapan ng dibdib. “Ihahatid mo ako ng ganyan ang itsura mo?” “Ano'ng mali sa suot ko?” “Everything. You have to change first. Ayokong mapagkamalan na may kasamang pulubi,” mayabang anas nito. Nagngingitngit ang loob ko'ng pinigilan ang sarili na masapok ang mapula-pula nitong labi. Pumikit ako at saka ito nilagpasan. Tulad ng utos nito ay nagpalit ako ng damit pagkatapos ay bumalik sa garahe. Nasa loob na ito ng kotse at nakaupo sa passenger seat. Nakapikit itong nakikinig sa music mula sa airbuds na nakasalpak sa tainga nito. Kita mo 'tong balisawsaw na 'to. Talagang pinangatawanan niya talaga na ako ang maging driver niya for today. Sinusulit ng lalaking 'to ang pabor na napagkasunduan namin. Dumeretso ako sa driver seat. Huminga muna ako bago binuksan ang engine ng kotse. “Hey, nasa labas pa ang mga gamit ko. Ilagay mo sa compartment,” utos ni Reed mula sa likuran. Tiningnan ko siya sa salamin at sinamaan ng tingin. “Ibig mo'ng sabihin, pabubuhatin mo ako ng pagkalaki-laking mga bagahe na 'yon?” Pinigilan ko ang sariling tumaas ang boses. “Why? Are you expecting me to carry those bags? Sino ba ang assistant sa ating dalawa?” sikmat nito, naiinip ang pagkakunot ng noo. “Me." “Then do your job.” Napaturo tuloy ako sa sarili ko sabay kurap. Kaliwaan akong tumingin sa sa magkabilang direksyon ko. Seryoso, pinasok ko talaga ang bagay na 'to? Please, someone enlighten me right now. “Susundin mo ba ako o gusto mo'ng umatras na—” “Fine! Fine! Heto na nga bababa na!” Putol ko sa kanya. Sabi ko nga ako ang personal assistant niya 'di ba? Bakit nga ba kasi nagrereklamo pa ako? Inaasahan ko ba na bubuhatin niya ang mga higanteng bagahe na 'yon? Sa katamarang ng lalaking 'to? Ba't pa nga ba ako mag-e-expect. Naalala ko pa noong freshman ako sa highschool, nasa iisang school kami ng pinapasukan. It was a private school kaya expected na mayayaman ang mga estudyante. There was a girl na palagi akong binu-bully dahil nga medyo dugyot pa ang kulay ko noon. Palagi akong iniinsulto at aabangan pa sa gate para lang pahiyaan sa harapan ng maraming estudyante. Saksi roon si Reed pero ni isang beses ay hindi niya ako nagawang ipagtanggol sa estudyanteng iyon. Subalit ang nakakapagtaka, bigla na lang bumait sa akin ang babaeng 'yon. Hindi na ako ginulo pa matapos niya ang pahiyain. Pabor naman sa akin iyon dahil tumahimik din ang buong high school life ko matapos iyon. Nagdadabog ang mga paang bumaba ako ng sasakyan at isa-isang binuhat ang mga bagahe niya. De-gulong naman ang mga iyon. Nahirapan lang talaga ako sa pagbuhat papasok sa compartment dahil sobrang bigat. Mas mabigat pa sa kaban ng bigas. Given na modelo siya kaya batid ko'ng kailangan talaga niya ng mga extra out-fit para sa photoshoot. Pero iyong tatlong bagahe, sobra naman yata iyon. Doon na ba siya sa set titira? Nakakairita talaga. Bumalik muli ako sa kotse matapos ko'ng sundin ang utos ng kamahalan. “Tapos ko nang ilagay sa compartment ang mga gamit mo. Aalis na ba tayo?” Hindi ito sumagot. Bahagya ko itong nilinga para kunan ng tugon ngunit nakapikit na ito habang naka-crossed ang legs. Those buds was still intact to his ears. He looks so peaceful and magically handsome. Natatakpan lang talaga ang iritasyon ang paghanga ko sa kanya pagdating sa pisikal attribute. Kung pagdating naman sa attitude, zero over ten ang rate ko sa kanya. Tahimik ang loob ng kotse sa buong durasyon ng biyahe. Mas maganda na ang ganito, baka kasi kapag nagpang-abot na naman kami ni Reed ay maibangga ko bigla ang sasakyan. Which I doubt it, magaling kaya ako'ng mag-drive kaya malabong mangyari iyon. I decided to turn-on the radio para naman hindi gaanong tahimik ang biyahe ko. In just an hour ay narating ko na ang Ayala Mall. At dahil tulog pa rin si Reed, hindi ko tuloy alam kung saang specific na lugar ko siya dapat dalhin. And the only way to know the exact place is to wake him up and ask. Kaso naalala ko, pinakaayaw ni Reed nang ginigising lalo na pag pagod ito. But in this case, hindi naman siya pagod, eh. So, ayos lang na gisingin ko siya? Kahit ako ay hindi rin sure sa naisip pero alangan namang maghintay ako na magising siya. Baka mahuli ito sa shoot nito kapag hinayaan ko lang 'yon. Ipinarada ko sa way kung saan pinapayagang magparada ng enforcer na nakatayo sa gutter. Huminga ako nang malalim at saka tumikhim. “Hoy. . .” pagtawag ko kay Reed pero hindi pa rin ito nagising kahit sa ikalawang subok ko. Lumabas ako ng kotse at binuksan ang pinto sa side ng passenger seat. Marahan ko siyang tinapik sa pisngi. “Hoy, gising na.” Effective naman dahil kaagad itong nagmulat ng mata. Umayos ito bago tinanggal ang buds sa tainga. “Where are we?” Mukhang naalipungatan pa yata ang loko. Naniningkit ang mata nito sadya ng mahabang pag-idlip. “Nasa Ayala na tayo. Kaso ipinarada ko muna dito sa kalsada ang sasakyan dahil hindi ko naman alam kung saan ang exact place ng shoot mo,” sabi ko. Mahina itong umungol at nagkusot ng mata. Umayos siya nang upo pagkatapos ay pinatabi ako para makalabas ng tuluyan sa kotse. At dahil malapit siya sa akin, nagmukha tuloy akong munting bata sa tabi nito. Binti pa lang nito, kasing haba na ng bahaghari sa kalangitan. Tila poste kasi ng meralco ang katangkaran nito. Hindi naman masiyadong matangkad ang mommy at daddy nito kaya nakakapagduda ang genes nito. Although may scientific explanation naman ang topic na 'yon, hindi lang ako sanay sa pagiging matangkad nito. Sumasakit kasi ang leeg ko sa pagtingala rito ng matagal. “Follow me,” nakapamulsang saad niya sa akin. Hindi na ito mukhang bagong gising. Fresh na fresh na ang itsura nito ngunit ang kaseryosohan ay bakas na bakas pa rin. “Paano ang sasakyan?” “Iwan mo na lang dito." “Eh, iyong mga gamit mo? Don't tell me bubuhatin ko ulit lahat 'yon?” Malapit na akong mag-hestirikal talaga kapag iyon nga ang gusto nitong gawin ko. “Ano nga ulit kita?” nananantiyang tanong nito kasabay ng ngisi. “Assistant mo ako at hindi kargador,” gigil ko'ng pinagkiskis ang mga ngipin. “And that's also included in your job description. Tagabuhat, tagapunas, tagabili, tagalista ng schedule, tagaluto if it's needed, tagalinis at iba pa. Total package ang pinasukan mo'ng trabaho sa akin. You should do some research. Kung ano ang gusto ko, susundin mo.” Inisa-isa nito ang mga sakop ng pagiging assistant nito. Kung mag-demand ito ay parang paswelduhan niya ako. “That's unfair! Isang beses ka lang naman a-attend ng event sa school. Tapos ang gusto mo patayin ko ang sarili ko sa pagtatrabaho sayo!” “It's not my fault. Ikaw ang lumapit sa akin para humingi ng pabor. Hindi ko na kasalanan kung nag-iisip ako, 'di gaya mo.” Iyon lamang at nauna na itong maglakad. “Ugh! Ang sama mo talaga!” Impit akong tumili sa sobrang inis. He just waved his hand without looking at me. “Gago!” habol ko'ng mura dito. Napatingin tuloy ang traffic enforcer sa akin. Nginitian ko na lamang ito at tinanguhan bilang pasensya. Nakalayo na si Reed nang sipatin ko. Gaya nga ng deskripsyon na nilitanya niya sa akin kanina, napipilitan ko'ng nilabas ang mga bagahe sa compartment at binuhat sa balikat ang duffer bag. Hindi ko inakalang naisahan ako ng gagong 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD