HINDI ko alam kung saang bundok kami binabaybay ngayon sakay ang personal bus ng producer. Lahat ng staff at artist pati na rin ang mga assistant ng kanya-kanyang artista ay kasama namin sa loob ng mahabang bus. Luxury type ito na maraming divider. Siyempre, ang mga priority at VIP personality, sa magandang klase ng upuan. Kaming mga hamak na assistant lang, na-stuck sa likuran kung saan bukas ang bintana. Pero maayos naman ang klase Gusto ko'ng matulog pero wala ako sa mood kaya naman inin-enjoy ko na lang ang sarili sa panonood ng mga nadadaanan naming tanawin. Madaling araw na at ang bigay ng liwanag ay mapagdamot pa. Gayunman, kitang-kita ko pa rin ang kagandahan ng kalikasan sa bawat dinadaanan. Napaka-luntian at talagang nakakarelax sa pakiramdam. Hindi na rin masama kahit napa

