Tulala ako na nakatingin sa labas ng bintana. Pinipilit kong mag-isip kung ano ang pwede kong gawin para makatakas kami ni Bria. Kaso anong laban ko sa mga 'to? "Ah, oo boss. Kasama na namin." Sabi nung kalbo na nakaitim sa kung sino man ang kausap n'ya sa cellphone n'ya. "A-ate, natatakot ako." Napayakap ako kay Bria. Hindi ko s'ya masagot dahil maging ako ay natatakot din. "Paki-hinto nga muna saglit. Naiihi na talaga ako." Utos ng isa sa kanila. "Ako rin, ihing ihi na rin ako." Sabi rin nung kalbo. "Ako rin pare." Inihinto ng nagda-drive ang van sa tabi. Tinignan ko naman ang paligid, may mga d**o at ilog. Kapag tumakas kami, saan naman kami tatakbo? Napapikit na lang ako sa kawalan. "Ate, naiihi ako." Saad ni Bria. Napatingin naman sa amin 'yong dalawang nagbabantay sa amin. "

