"Grrr! I can't do this. Ayaw ko na." Inis na inilapag ni Cheska ang digital tablet sa mesa n'ya. Napabuntong hininga naman ako. "Look, Cheska. Lahat tayo rito naghihirap, ok? Can't you endure it for now?" Inis na rin si Chase sa kanya. Nandito kami ngayon sa condo, ito muna ang nagsisilbing opisina namin, dahil wala pa kaming budget para mag rent ng mapupwestuhan. "Ba't pa kasi ako pumayag sa kahibangan na 'to e!" "Cheska, watch your words!" Bago pa sila maghagisan ng gamit ay pumagitna na ako. "Oh, easy lang. Chase, ikaw ang nakakatanda sa ating lahat dito. Habaan mo pa lalo ang pasensya mo. Cheska, I'm sorry kung pinilit kita na sumali sa 'kahibangan' na 'to. Pero nandito ka na e, edi ipagpatuloy na lang natin." Mahinahon kong paliwanag sa kanya. Buti na lang at lumabas si Zydrix

