"You don't have to be there if you don't want to." Saad ni Diego at prenteng umupo sa couch dito sa office ko. Paano kasi, magkakaroon ng celebration ang HdT at B&B Soft dahil official na ang collaboration ng HdT at B&B Soft sa isang project. Wala pang two months kung tutuusin pero pumayag na si Diego dahil mataas na rin ang reputasyon ng B&B Soft at pumapangalawa ito sa buong Pilipinas na maayos ang serbisyo at successful ang mga project nila. Ang HdT naman ay sa Spain talaga naka-based at nandoon ang main building ng company namin. Mas malawak nga lang din ang sakop ng HdT kumpara sa B&B Soft. "I'm the representative of HdT in this project, so I want to be there. Tsaka ikaw at ako lang naman ang taga HdT na nandito sa Pinas, alangan naman hayaan kita pumunta mag-isa. Kawawa ka naman an

