Namimili ako ng mga stock ng pagkain para kay Rizza Mae ng may tumawag sa pangalan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano naman ngayon ang nasa isip nito at lagi niya akong sinusundan kahit saan ako magpunta. Iniiwasan ko na nga siya pero lagi naman niya akong nasusundan. "What do you want this time, Samantha?" seryosong tanong ko sa kanya ng harapin ko siya. "Can we talked?" seryosong tanong niya sa akin. "Nakapag usap na tayo." masungit na sagot ko sa kanya. "Please?" pakiusap na nito. Tumango ako. "Just wait for me outside. Babayaran ko lang ang mga ito. Sa tapat na coffee shop nalang tayo magkita." napapabuntong hininga na sabi ko sa kanya. Tinitigan muna niya ako at saka tumalikod na. I sighed. Nagbayad na ako agad sa counter. At ng matapos kong ilagay sa sa

