Part 3

3238 Words
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kila Emperor saka kay Papa Hermes. Mga pasabog matres ang kagwapuhan pasabog din ng kalooban. Tapos ako pa talaga ang kinuha nila para malaman kung si Mariang baliw ay nawawala niyang kapatid o kamag anak. Nasaan ang hustisya? Hanggang ngayon hindi ko maipasa sa laboratory iyong sample para sa DNA Test kase naguguluhan ako. Iyong para akong pusa na hindi mapaanak. Ganern! Hindi naman sa hindi ko kayang gawin iyong ipinagagawa nila kaya lang kase iniisip ko rin si Amigang Corset at Lola Margs kapag nagkataon. Siguradong masasaktan sila. Napaka bait pa naman nila sa amin ni Maria kahit ang lalakas ng trip nila sa buhay. Ayokong si Maria ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya Fontanilla. Alam ko naman na malaki ang posibilidad na kamag anak nga siya ng mga Fontanilla pero kase, kahit baliw iyong kaibigan ko. Mahal na mahal ko siya. Ayokong masaktan din siya. Grabe na nga ang ngawa niya kay Doc Pogi tapos ito pa? "Gosh! Nakakaliit ng boobs iyong problema niya MJ!" kausap ko sa alaga kong cactus. Napangiti nalang ako ng maalala ko iyong taong nagbigay nito sa akin. Kinikilig ako! Ihhh! Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Napabuntong hininga ako. Saka padabog na naupo sa kama. Napakapa nalang ako sa kinahihigaan ko ng may madaganan akong isang bagay. Nang kunin ko ito ay wallet pala nung lalaking kapre sa sobrang laki niya. Inilabas ko isa isa iyong laman nito. Napangisi ako ng makita ko na puro credit cards. Tapos may kulay itim pa. Sabi nga ni Maria, unli shopping daw kapag ganitong kulay kase may ganito din daw si Doc Pogi. Ito iyong sinasamba niya dati. Pera. Pero ng makilala niya iyong doctor na ubod ng gwapo e napariwara na siya sa buhay. Kaya nga ngayon ay nagkukulong lang siya dito sa condo. Kaya problemado din ako sa trabaho dahil hindi ako makalabas ng hindi ito makakahalata sa pagkataong meron ako. "MJ, hindi mo ba ito kilalang si Mikhael James Cruz na ito? Mukang kapag kinidnap natin ito yayaman tayo. Mukang nandito sa wallet niya ang kaban ng kayamanan ng mga Cruz!" saka ako bumingisngis. Kaya lang iyong bungisngis ko ay naipit sa ere dahil bigla nalang pumasok sa kwarto ko si Maria. Huli na na maitago ko iyong wallet dahil nasa mga kamay na nito iyon. "Ekang, kinakausap mo na naman iyang cactus mo! Hindi naman magsasalita iyan. Tapos nakakangilabot ka kase binigyan mo pa ng pangalan. MJ? Grabeh ah. Ang tagal na nating magkaibigan pero ngayon ko lang napansin na iyan pala iyong boyfriend na sinasabi mo sa akin.  Tapos isang mapagpanggap na bulaklak iyang cactus mo. Kaliit liit naman parang ikaw. Kinulang sa height. Bakit hindi mo kaya subukan na pakainin ng star Margarine para naman hindi magmana sa iyo?" saka ito tumawa ng nakakaloko. Inismiran ko siya at sinubukang agawin iyong wallet na hawak nito pero itinaas lang nito kaya pinamewangan ko nalang siya. Halatang inaasar na naman nito ang height ko. Matindi siya! "Alam mo Sta. Maria-" "Hindi. Hindi ko alam." putol nito sa iba ko pang sasabihin. Sinimangutan ko na siya ng todo. "Lumayas ka na nga dito sa kwarto ko. Ang dami dami mong sinasabi. Ang hirap hirap kayang magsalita. Tapos ikaw? Hindi mo yata alam iyong salitang paghinga." sabi ko dito at padabog akong naupo sa kama. Tinapik ko iyong kamay nito at pinandilatan siya ng mga mata ng hahawakan niya iyong maliit na paso na kinalalagyan ni MJ. Baka mamaya mamaalam pa ng hindi oras si MJ sa mga kamay ni Maria. Masakal ko lang itong baliw na kaibigan ko. "Huwag mo sabing hahawakan iyang si MJ. Sensitive iyan sa mga may sayad ang utak. Baka hindi na iyan tuluyang mamulaklak." sabi ko pa dito. Ito naman ngayon ang sumimangot. "Ayaw lang talaga sa mga kaakit akit niyang mapagpanggap mong halaman. Itapon ko pa iyan sa bintana ng makilala na niya si San Pedro at ang manok nito." Pananakot pa nito. "Tang ina ka Sta. Maria! Punong puno ka ng disgrasya. Huwag mong ipinaririnig iyang sinasabi mo kay MJ. Baka magtampo siya at hindi na siya mamulaklak." saway ko dito. Sumimangot lang siya sa akin. "Ekang, sa ating dalawa mukang ikaw ang pang dala sa mental hospital. Sinong matino ang kakausap sa isang cactus na kaedad mo yata ang tanda at hindi mamatay matay? Lalake ang hanapin mo hindi iyang halaman mong mapagpangganap." sabi pa nito. "At para ano? Maging kagaya mo na baliw na baliw? Tapos na hopia?" pang aasar ko dito at tuluyan ko ng inilayo dito si MJ. Dahil baka nga magtampo ito at hindi na siya mag bulaklak kahit muka naman siyang bulaklak. "Bakit? Noong una lang naman ako nahopia ah? Kita mo naman, patay na patay pala sa akin si boyfriend." Pagmamayabang pa nito. Sinimangutan ko siya at sinubukang agawin muli dito iyong wallet. "Patay na patay nga sayo, pero hanggang ngayon naman pinahihirapan mo. Tapos baka mamaya confuse rin sa nararamdaman niya sayo iyang si Doc Pogi. Maging kamuka mo pa iyong si Maria na lumaklak ng suka. Luluha ka ng dugo. Huh! Don't me Sta. Maria!" sabi ko pa dito. Sinimangutan niya ako at sinimulan nitong buksan iyong wallet noong lalaking kapre. Napapasimangot ako kapag naaalala ko iyong ginawa niya sa akin na muntik na niya akong sagasaan tapos hindi manlang ako inalala. Napagkamalan pa akong laman lupa. Sa alindog na meron ako, muka ba akong pang engkanto? Lintik ha?! Kapag nakita ko talaga siya, babalian ko siya ng spinal cord ng hindi na siya makalakad at ng mabawasan ang kayabangan niya katulad ng sasakyan niya. Maliit lang ako pero maalindog ako. Kamuka ng cactus ko. Maliit man sa inyong paningin, akoy nakakapuwing din. Char! Napatakip nalang ako sa tenga ko ng tumili si Maria at saka ako niyugyug sa magkabilang balikat. Iyong pakiramdam ko para akong popcorn na inalog niya sa kaserola. Naalog yata iyong utak ko kaya agad ko itong itinulak palayo sa akin. "Bongers naman nito! Papatayin mo ba ako? Bakit kailangan mo akong alugin? Anong tingin mo sa akin? Popcorn? Sapakin nalang kita dyan ng hindi kana makasali sa binibining Pilipinas." Inambaan ko pa siya ng suntok pero itinapat lang nito sa muka ko iyong black credit card. Tapos iyong berde niyang mga mata ay nagniningning na nakatingin sa akin. Mukang alam ko na kung bakit siya ganyan kasaya. Akala niya naka jackpot na siya. "Tang ina much! Ekang! Saan mo ito nakuha? Unli shopping ito! Unli shopping! Uwahhhh! Mayaman na tayo!" sabi pa nito. Inis na inagaw ko iyon sa kanya, kaya inismiran niya ako. "Huwag ka nga excited! Hindi naman atin ito. Saka ibabalik ko iyan sa may ari kapag nagkita kami dahil malaki ang atraso niya sa akin. At isa! Hindi ako mukang pera!" sabi ko pa dito. Ngumisi lang siya sa akin. "Pero baka magbago iyong isip ko." dagdag ko. Nakipag high five pa ito sa akin. Tumabi ako dito ng isa isa niyang inilabas sa wallet iyong iba pang credit cards. Tapos pati iyong mga ids at cash na naroon. Pinagmamasdan ko lang naman si Maria kung anong magiging reaksyon niya. Habang tumatagal ay napapakunot iyong nuo niya tapos ay tititigan ako saka ibabalik niya iyong tingin niya doon sa hawak niyang driver's license. "Saan mo nakuha ito, Ekang?" seryosong tanong nito sa akin. Patay malisya akong nag iwas ng tingin dito. "Siya kase iyong muntik ng makasaga sa akin. Jinoke ko lang na kunwari ako si Sadako. Hindi naman ako na inform na sa laking tao niya pala ay napaka duwag naman niya. Muntik na nga niya akong madisgrasya tinakbuhan pa ako. Tapos hayan! Nalaglag yata sa bulsa niya. Finder's keeper's di ba?" palusot ko dito. Hindi ko alam kung maniniwala siya. Pero iyon lang ang palusot na pumasok sa isip ko dahil iyon naman ang kalahati ng katotohanan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ako muntik na nitong masagasaan ay nang galing ako sa kagubatan. Tinitigan ko siya. Kase for the first time walang nasabi si Maria. Dati laging may smart comeback ito sa lahat ng sasabihin ko. "Bakit? Kilala mo ba siya?" biglang tanong ko dito. Napasinghap ako ng kutusan ako nito sa ulo. Hinila ko nga iyong mahaba niyang buhok na peke naman. "Anong problema mo?" asik ko dito. "Alam mo-" "Hindi. Hindi ko alam." pang gagaya ko dito kanina sa sinabi niya sa akin. Umismid ito at hinarap sa akin iyong id na hawak niya. "Si Baby Boy ito!" idinutdot pa nito sa nuo ko iyong id. Pinalis ko lang naman iyong kamay niya. "Sinong Baby Boy na naman? Hindi ba at may boyfriend kana. Tapos may Baby Boy pa?" naguguluhan kong tanong dito. "Tange! Ito iyong isa sa mga kaibigan ni boyfriend. Si Mik Mik. Iyong gatas na nakakasamid?" sabi pa nito. Sinimangutan ko nga siya. Kase hindi ko naman naiintindihan iyong mga sinasabi niya. "Pakialam ko ba sa mga iyan. Iyong si Emperor pa nga lang natatakot na ako. Tapos sasamahan pa ng isa na naman niyang kai-" napatigil ako sa sasabihin ko ng may maalala ako. Nanlalaking mga mata na itinuro ko pa iyong id na hawak nito at napamura ako. Nagparit parito rin ako sa harapan nito. Binato naman ako nito ng unan na ibinalik ko lang sa kanya. "Tang ina! Kaibigan siya ni Emperor?" paninigurado ko pa dito. Ngumisi ito at tumango sa akin. "Tang ina much talaga!" "Bakit ba?" natatawang tanong nito sa akin. Namewang pa ako sa harapan nito. "Iyan iyong kapreng muntik ng sumagasa sa akin tapos ang inalala pa iyong sasakyan niya?! Ha! Don't me!" galit na galit ako ngayon. "Asows! Dyan! Dyan nag uumpisa iyan!" sabi pa ni Maria. Sinimangutan ko siya at padabog akong tumabi dito. "Matitikman niya ang batas ng isang api!" gigil na sabi ko. "Sino ka si Amor Powers? Ipapaalala ko lang sayo Ekang na nagamit ko na ang mga linyahang ganyan-" Hindi ko pinansin iyong iba pang sinasabi nito. Kase ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ko iaa assassinate itong Baby Boy na sinasabi ni Sta. Maria.  Pero hindi magiging si Sta. Maria siya sa wala lang. "Ano na naman?" inis na pinalis ko iyong kamay niya ng hawakan nito iyong kilay ko. "Ekang, ipasalon natin iyang kilay mo. Ang kapal pero nakaayos naman. Inaahit mo ba iyan? Nakakaligalig ng pagkatao. Parang kapag kilay iyong unang nakita sayo ng tao. Baka akalain nila na naligaw sila at napunta sa kagubatan." sabi pa nito saka humalakhak ng tawa. Binatukan ko nga siya. "Teng ena nito! Hindi mo ba alam na bukod sa kasexyhan na taglay ko ay itong kilay ko ang puhunan ko? Natural iyan! Kilay is life! Ganern!" sabi ko pa dito. "Ganun ba iyon? Sus! Ipapaayos lang natin doon sa salon ng nanay ni Baby Boy. Tapos sasabihin ko kay Lola Margs. Ikaw naman ang gawin nilang next project. Iyon nga lang hindi ka pang Binibining Pilipinas." sabi pa nito. "Pang ano lang ako kung hindi ako pwede sa Binibining Pilipinas?" hamon ko dito. "Pang Little Miss Philippines ka lang!" bulalas nito saka tumawa ng tumawa ng malakas. "Baliw!" sabi ko dito at itinulak ko ito palabas ng kwarto ko. Tawa pa rin ito ng tawa. Wala talaga siyang magawa sa buhay niya kaya ako ang pinagtritripan niya. Sinong mag aakala na ang kagaya niya ay nakapasa sa screening ng Binibining Pilipinas? Baliw talaga! "MJ, nakita na natin ang muntik ng pumatay sa alindog ko! Hah! Akala niya palalampasin ko ang ginawa niya. Duwag pa naman. Gagawa akong movie tapos siya iyong Bida. Patayin sa shokot si Mik Mik!" saka ako humagikgik habang hawak ko iyong maliit na paso na pinaglalagyan ni MJ. ____________________ Napahinto ako sa pagkain ng ice cream na hawak ko ng sa malayo palang ay punong puno ng mga tao iyong paligid ng condominium building na tinutuluyan namin ni Maria. Akala mo bang may nag coconcert doon at talagang may banda pang tumutugtog. Napakunot iyong nuo ko ng mabosesan ko iyong nagsasalita. Dali dali akong nakipagsiksikan sa mga taong naroon. "Excuse me po! Padaan! Tao po ako! Taong maganda!" sabi ko at tuloy tuloy ako sa unahan. Napangisi ako ng makita ko si Doc Mattheo na nag tatapat ng kanyang makatindig balahibo na pagmamahal sa kaibigan kong kalahi ni Eng Eng. Nang hindi na ako makatiis ay nagsalita na ako. Dahil kagaya ng mga tao sa paligid ko ay inip na inip na ako sa kissing scene nila. "Doc Pogi, tanungin mo na. Atat na atat na iyan. Bilis na. Ang tagal naman ng forever nyo! Inip na inip na kami. Diba?" tanong ko pa sa mga tao. "Oo nga!" "Maria-" "Yes!" Sigaw ni Sta. Maria.  "Ay, wala pa ba? Sorry nacarried away lang." "Can you be my girl? For real and forever and ever?" Nakangiting tanong ni Doc Pogi Dito. "Yes na nga! Kahit ano pa iyan basta kasama kita!" Napangiti nalang ako dahil nakita ko na na masaya iyong kaibigan ko. Nakuha na niya iyong forever na gusto niya. Sigurado, bubuwagin na niya iyong Camp Hopia niya. Kase winner na siya.  Ako naman ay hinarap iyong mga nagkakagulong tao sa paligid namin. "Oh, may nanalo na! Tapos na ang primetime bida. Matatapos na din ang PBB. Kaya mag sibalik na kayo sa mga unit nyo. Panalo na oh? Shuuu!" taboy ko sa mga tao. Napahinto ako sa pagsasalita ko ng may lumapit sa aking isang tao. Sapatos lang na alam kong libo ang halaga ang una kong nakita. Kailangan ko pa itong tingalain dahil sa tangkad nito. Napasinghap ako ng matitigan ko siya at makilala. Ilang hakbang ang inilayo ko dito. "Hey, you! I know you!" sigaw nito sa akin. Inismiran ko siya. Parang iyong init ng katawan ko ay napunta lahat sa ulo ko. "Hey, you mong muka mo!" balik sigaw ko sa kanya. Magtatatakbo na sana ako palayo dito. Pero dahil nga mahigsi ang biyas ko ay agad ako nitong nahawakan sa braso. "Where do you think your going!?" Inis na tanong nito sa akin. "Huwag mo nga akong inienglish. Hindi naman kita kilala! Wala akong kilala na kasing panget mo! Pakawalan mo ako! Kakasuhan kita ng r**e!" Tuluyan ko na siyang hinarap at pilit na kumakawala dito. Nakakangawit kase sa leeg dahil nakatingala ako sa kanya. "Ha! Hinding hindi kita makakalimutan! Ibalik mo sa akin ang wallet ko! Kaliit liit mong babae ang lakas ng loob mo." Demand pa nito sa akin at inilahad sa akin iyong isang kamay niya. "Wala akong kinukuha sayo! Panget mo!" binelatan ko pa siya. Nakita kong nanlaki iyong butas ng ilong niya sa inis sa sinabi ko. Napangisi ako dito. Hah! Ako pa ba naman ang ganituhin niya? Haler? Estudyante kaya ako ni Sta. Maria. Magaling rin akong magpasakit ng ulo ng mga tao. "What did you say?! Sa gwapo kong ito?! Panget ako! Gusto mo halikan kita ng makita mo kung sino ang tinatawag mong panget?" banta nito. "Sus! Kung kagaya mo lang naman ang hahalik sa akin. Huwag nalang. Mamamatay nalang akong alone and virgin poreber!" sabi ko pa dito. Napamaang ako ng tumawa ito sa akin. Binatukan ko nga siya at pinanlakihan ng mga mata. Ito naman ay napasinghap sa ginawa ko. "Anong nakakatawa?" inis na tanong ko. "Ikaw? Virgin pa?" tanong nito at saka tumawa na naman ng malakas. Sinimangutan ko siya ng todo. "Oh, eh, ano naman? May masama ba doon?" lakas loob na tanong ko dito kase para akong napahiya. Pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa at saka tumawa na naman. "Kung sabagay. Sino ba naman kase ang magkakagusto sa kagaya mo? Ang liit liit mo. Para kang elementary student. Iyong grade one. Papasa ka nga sa Little Ms. Philippines. Saka iyong hahalik sayo mababalian ng spinal cord. Kawawa lang at baka malumpo." pumalatak pa ito. "Hoy! Excuse me lang! Itong kagaya ko nga ang kaibig ibig. Hindi mo ba alam na maraming nagkakandarapa sa alindog na meron ako. Hah! Wapak!" asik ko dito. Pero tumawa na naman siya. Saka tinitigan ako. Ako naman ang napapalatak dito. "Sus! Huwag mo akong masyadong titigan kase dyan nag uumpisa iyong mga bagay na hindi mo maiisip na pwedeng magsimula. Baka mamaya, mahulog ka pa sa alindog ko. Brad, ayaw kitang masaktan." ngumisi ako dito ng sumimangot siya. "Kung ikaw lang din naman ang magugustuhan ko. Magpapakatandang binata nalang ako. You are not even my type." parang diring diri na binitiwan ako nito. Ako si Ekang ang estudyante ni Sta. Maria. Kaya hinding hindi ako magpapatalo. Dinuro ko siya at namewang ako sa harapan niya. "Kung ikaw lang din naman ang magiging boyfriend ko. Huwag nalang. Baka magkastiff neck pa ako kapag hinalikan kita. Baka sa halip na sa kama ang bagsak natin, maging sa ospital. Huh! Saka huwag kang feeling! Hindi ka naman kagwapuhan. Matangkad ka lang. Period!" sabi ko dito at tinaasan ko siya ng kilay. "Anong hindi ako gwapo?! Gwapo ako!" inis na sagot nito. Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa. Inaasar ko lang siya pero nakakasabog matres din iyong kagwapuhan niya iyong magdadala sa tinatawag na enchanted garden. Ganern! "Sinong may sabi?" tanong ko pa dito. "Marami!" pagmamayabang nito. "Marami!" I mimicked. I even smirked at him. "Baka kamo nanay mo lang ang nagsabi na gwapo ka. Syempre nanay mo iyon kaya hindi ka sasabihan ng panget. Huwag ka nga echusero. Ayaw lang masaktan ng nanay mo iyong feelings mo." pang aasar ko pa dito. Hindi ito nakaimik kaya natawa na ako ng tuluyan. Pero iyong tawa ko nalunok ko ng maramdaman ko na hinalikan ako nito. Ilang segundo akong hindi nakakilos at nanlalaki lang iyong mga mata ko. Nang matauhan ako ay itinulak ko siya at sinuntok. Sinapa ko rin siya ala Jackie Chan. Kaya sadsad ito sa semento na nagdudugo iyong ilong niya. Babanatan ko na naman sana ito ng may humawak sa braso ko at ng lingunin ko kung sino ay sumalubong sa akin iyong isang pares ng itim na itim na mga mata. Napalunok ako. "Enough!" mahina pero mariing utos nito. Pero nang makita ko na naman iyong nakangiting muka ng sira ulo nilang kaibigan ay nag init na naman iyong ulo ko. Iyong isang kaibigan nila na may asul na mga mata ay napailing nalang na lumapit dito. Hindi ako makalapit dito dahil pigil pigil ako ni Hermes sa isang braso. Kaya dinuro ko nalang ito sa inis ko. "Tang ina mo! Bakit mo ako hinalikan? Akala mo ba iyon iyong first kiss ko! First ko iyon! Gago ka! May sinasabi ka pa kanina na mababalian ka ng spinal cord kapag hinalikan mo ako! Pero ninakawan mo naman ako ng halik hayup ka! Kaya papatayin na kita dito palang! Tatapusin ko na ang lahi mong manyak ka! May pa "your not even my type ka pang nalalaman!". Bayagan kaya kita ng makita mo ang hinahanap mo?" galit na galit na sabi ko dito. "Ano?! Tumayo ka dyan! Sisiguraduhin ko na sa sementeryo ang bagsak mo! Bwusit ka!" sigaw ko dito. Tinitigan niya lang ako at saka nginisihan. Iyong ngisi ng pang aasar. Mukang siyang siya siya na makita akong galit na galit. "Itong tatandaan mo! Sa susunod na magkita tayo! Dadalin kita sa mundo ng lagim!" saka ako tumawa ng nakakaloko. Napaismid ako ng mamulta ito. Duwag talaga. "Mamayang gabi may lalabas sa tv mo. Nakausap ko na si Sadako at dadalawin ka niya mamaya. Nalulungkot daw siya sa ilalim ng balon kaya kailangan niya ng kausap. Ikaw iyong ireresquest kong makasama niya kase mukang lonely pa naman siya sa buhay." pananakot ko. Nakita kong nawala iyong ngiti niya kanina. "Tetext nalang kita mamaya kung anong oras ka niya dadalawin ha?" sabi ko pa dito bago ako nag walked out. Nakita ko pa si Amigang Corset kasama si Lola Margs na kakaiba iyong tingin sa akin. Iyong ngiti ni Lola Margs ay may halong kalokohan na naman. Nag thumbs up pa nga ito sa akin. Ako naman ay kumaway pa dito na parang isang beauty queen. Isang beses ko pang nilingon itong Mik Mik na ito at saka ngumiti ng matamis dito. Hah! Akala niya! Hindi pa kami tapos! Igaganti ko iyong first kiss ko! Isusumbong ko siya kay MJ!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD