EPISODE 24: START OF THE JEALOUSY? "We're leaving in five minutes. Prepare all the things needed!" "Yes, Sir!" Pinagmamasdan ko lang si Danerie at si Zelan habang nakikipag-usap sa mga staff ng hotel na kasama naming aalis papunta sa bagong location ng pagtatayuan nila ng resort. Pupunta raw kami sa kabilang isla kung saan titingnan namin ang kasalukuyang building na pinapatayo ng mga Del Rosario bilang bagong resort nila. Nakakatuwa lang na kahit anak sa labas si Danerie ay binigay din sa kaniya ang Orion bilang isang CEO. Sa ibang bansa rin kasi namamahala ang mga kapatid niyang si Sir Frederick at si Sir Lucas naman ay nag-eenjoy lang sa buhay. Naglalakad na kami ngayon papunta sa sasakyan naming Yati. Excited na rin ulit ako dahil maliban sa mga naggagandahan tanawin dito, napa

