EPISODE 9: MR. POGI’S FIRST LOVE Pagkarating ko sa boarding house, nagbayad na muna ako kay Auntie Lylia ng bill namin bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Dali-dali ko ring nilabhan ang panyo kong may dugo at paniguradong hindi na naman ako titigilan ni Mark sa kakasabing magpa-ospital ako dahil dito. “Ate? Ate?” Bigla kong itinago ang panyo ko at napalingon sa kaniya. “Mark, bakit? Mag-aral ka na dun at mukhang midterm n’yo na ngayon, hindi ba?” “A-ah, Ate, punta muna ako kayla Kyle, ah? Doon kasi kami mag-aaral ngayong gabi.” “Eh, akala ko ba magpapaturo ka sa’kin sa statistics ngayon?” pagtatakang tanong ko pa sa kaniya. “Doon ka matutulog kayla Kyle?” Tumango naman na ang kapatid ko sa’kin. “Oo, Ate. Kami-kami na lang daw mag-aaral sa statistics at matalino naman si Kyle, e.”

