EPISODE 7:
GUARDIAN ANGEL
Lahat ng mga models na nagpapalinis sa akin ng mga sapatos nila at biglang umalis. Napakagaling talaga ni Danerie at isang sabi niya lang sa mga babaeng 'yon ay sumusunod kaagad sila!
"Let's go," saad niya at kinaladkad na ako papunta sa tent para sumilong kaming dalawa roon. And as usual, nakasimangot na naman ang mukha niya.
"Uy, pogi! Best actor ka talaga!"
Napasulyap na siya sa akin. "What do you mean?"
"Isang sabi mo lang kasi sa mga modelong 'yon ay natakot na bigla kaagad sila sa'yo. Iba talaga nagagawa ng kapogian mo, 'no!?" nakangiting paliwanag ko sa kaniya sabay kindat. "Ikaw ha, crush mo talaga ako."
Sinamaan na niya ako nang tingin sabay lagay ng kaniyang kamay sa bulsa nito. "I just don't like seeing poor people being bullied by privileged people."
"Ouch, ha? Alam kong poor person lang ako pero kapag galing sa'yo, napakasakit!"
Umupo na lang ako sa upuan at napahinga nang malalim. Wala naman kasi akong pakealam kahit apakan pa ng mga babaeng 'yon ang pagkatao ko basta nagtatrabaho ako sa malinis na paraan.
"Is everything going smoothly?"
Bigla akong napasulyap sa bandang unahan namin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Napangiti kaagad ako nang makita kong naglalakad si Sir Patrick palapit dito sa kinaroroonan namin. Inayos ko na kaagad ang damit at buhok kong ginulo ng mga models kanina.
"You really like that guy?" iritang tanong sa akin ni Danerie.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Kaniya-kaniya kasi tayong type, pogi, 'no? Ang init talaga palagi ng ulo mo pagdating kay Sir Patrick. Teka lang, baka naman crush mo rin siya?!"
"Are you serious, Ligaya?"
Natawa na lang ako dahil pikon na pikon na naman sa akin si Danerie ngayon. "Ito naman, hindi mabiro!"
Umalis na kaagad siya sa tent namin at hindi ko na naman alam kung saan ito pupunta habang ako naman ay ipinagpatuloy na lang ang trabaho ko pero siyempre hindi na doon sa mga models kung hindi tumulong na lang ako sa mga staff na kasalukuyang nag-aayos ng stage para sa gaganapin na event.
"Joy, pakikuha nga ng mga kurtina sa stock room sa kabilang building!"
Kaagad na akong lumapit kay Ma'am Glenda. "Ilang piraso po, Ma'am, at anong kulay ang kailangan ninyo?"
"I need seven curtains at pakidala na lang ng mga carpets dito. I need it now, hurry!"
Tumango-tango na kaagad ako sabay takbo nang mabilis papunta sa stock room. Medyo malayo kasi rito ang stock room at sobrang init pa kaya kailangan kong magmadali.
"Hey! You girl!"
Napatigil ako sa pagtakbo nang mayroong tumawag ulit sa akin na isang staff. "Yes po, Ma'am? Bakit po?"
"Dalhan mo ng snacks ang mga staff natin and make sure they get comfortable in here. Bilisan mo!"
"Opo, opo, sandali lang po!"
Medyo nanibago ako sa pamamalakad sa isang event dahil unlike sa trabaho ko roon sa building sa Orion, marami kaming mga miyembro ng cleaning services kaya hindi ako nahihirapan. Pero dito sa isang linggong event ay mabilisan talaga kaagad ang trabaho at mukhang wala akong nakikitang kasama ko maliban kay Danerie na hindi ko alam kung nasaan.
Pagkapasok ko sa loob ng stock room, napataas ang kilay ko nang makita ko siyang nakahiga sa couch habang nagpapa-aircon.
"Aba! Buhay prinsipe ka rito, pogi?!" Dali-dali kong lumapit sabay hampas sa binti niya. "Bumangon ka nga diyan at tulungan mo naman akong magtrabaho. Sige ka, isusumbong kita kay Sir Patrick at nang pabalikin ka na lang sa kompaniya!"
Kaagad na siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin. "Are you really gonna do that?" tanong niya at dahan-dahan na itong lumapit sa'kin.
At dahil gusto ko talaga siyang asarin, ngumiti na ako at ngumuso sa kaniya na parang hahalikan ko ito.
"What the hell!" Bigla niya akong itinulak palayo hanggang sa natumba na ako sa couch.
Tumawa na lang ako nang malakas habang nakatingin sa kaniya. "Lapit-lapit ka pa sa'kin, pogi, ha? Ulitin mo pa 'yon at hahalikan talaga kita."
Inirapan na ako ni Danerie at umayos ng tayo. "Even in your dreams, you can never kiss me, Ligaya."
"Sus! Tingnan natin!" anas ko pa at itinapon na sa kaniya ang ilang mga kurtinang dadalhin namin sa stage.
Wala nang nagawa si Danerie kung hindi ang tulungan ako sa pagtatrabaho. Buong hapon kaming tumulong doon sa stage at nagbigay ng mga meryenda sa staff pero magka-ibang magka-iba talaga ang trato nila sa kaniya keysa sa akin. Para siyang prinsipe kung tratuhin nila habang ako naman at parang basahan.
Pasalamat siya sa mga magulang niya at maayos ang pagkakahulma sa kaniya.
Siguro ako, medyo tagilid si itay noong ginagawa nila ako ni inay kaya ganito ang mukha ko. Haist!
"Joy? Joy?"
"Ay peste!" Muntikan ko nang nabitawan ang water bottle kong bitbit nang bigla may kumalabit sa balikat ko. Handang-handa na sana akong maging dragona nang paglingon ko ay si Sir Patrick naman ang bumungad sa akin. "Hello, Sir Patrick! How may I help you?" nakangiti kong tanong.
"I'm sorry, did I startle you?" Ngumiti na siya sa akin na parang anghel sabay abot ng maliit na paperbag. "I would like to give this to you as a gift at nakita ko kung paano ka ka-dedicated sa trabaho mo ngayon. I'm really sorry for the lack of manpower. Don't worry, madadagdagan ang mga staff dito sa susunod na araw para may mga kasama na kayo."
Marahan ko nang hinampas si Sir Patrick sa braso sabay pa-cute sa kaniya. "Ano ka ba, Sir, nag-abala ka pa talaga sa regalo mo, pero uh, yes, Sir, I do po!"
"Uh, pardon me, Joy?"
"A-ah, wala po!" Tinanggap ko na ang paperbag. "Sabi ko ay maraming salamat dito sa pa-regalo mo sa akin at sobrang appreciated—"
"Stop flirting with Patrick already, Ligaya."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang hinatak ni Danerie palayo sa akin si Sir Patrick. Konting-konti na lang talaga at maniniwala na akong magkakilala talaga silang dalawa at hindi totoong janitor itong si Danerie.
Pero sa ngayon, dahil hindi ko pa napapatunayan, hindi muna ako maniniwala.
Alas-sais na ng gabi nang maka-uwi ako sa boarding house namin. Hindi na muna ako dumaan kay Kuya Arneng dahil pagod na pagod talaga ako ngayong araw at sobrang sakit pa ng ulo ko sa kakahampas sa akin ng mga modelo kanina.
"Ano kaya 'tong bigay sa akin ni Sir Patrick..." mahinang usal ko pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin.
Hindi pa naman dumadating si Mark kaya may oras pa ako para tumunganga bago ako magluto ng hapunan namin. Marahan ko nang binuksan ang paperbag at nagulat ako nang makita ko ang isang bracelet na mayroong pendant na bulaklak sa gilid. Natutuwa naman ako sa ibinigay ni Sir Patrick pero hindi kasi ako mahilig magsuot ng mga ganito at wala talaga akong arte sa sarili ko.
"Joy? Joy, nandiyan ka ba sa loob?"
Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Auntie Lylia, ang may-ari nitong inuupahan naming boarding house. Tumayo na ako at binuksan ang pinto namin. “Auntie, ano po ‘yon?”
“Dunating na pala ang bill sa kuryente at tubig, Joy. Ibigay mo na lang ang bayad sa akin bukas at kailangan ko ang pera sa pagbili ng mga paninda ko rito sa karinderya.”
Bahagya na lang akong napahinga nang malalim peeo ngumiti pa rin ako sa kaniya. “Sige po, Manang, babayaran ko po ‘yan bukas.”
Kinuha ko na ang papel at isinara ulit ang pinto. Habang pinagmamasdan ko ang mga bayaran namin ay napapabuntong-hininga na lang ako nang malalim. Hindi ko akalain na sa edad kong ‘to ay ang dami ko nang responsibilidad. Pero kahit ganoon ay ngumiti pa rin ako at lumapit na sa bintana sabay tingin sa kalangitan.
“Kayang-kaya mo ‘to, Joy! Iyong iba nga ay wala nang makain dahil sa gutom. Magiging mayaman ka rin balang araw at ikaw naman ang tutulong sa ibang tao!” nakangiting usal ko sabay hawak sa dibdib ko.
Kinabukasan, nagising akong mahimbing na natutulog si Mark sa tabi ko. Hindi ko na namalayan kung ano’ng oras siya naka-uwi kagabi at nakatulog na pala ako.
“Huy, Mark! Gising na, may pasok ka pa!” taranta kong usal at bumangon na rin.
Kailangan ko rin kasing mag-ayos at baka ma-late pa ako sa trabaho at mabawasan pa ang sahod ko. Dali-dali na akong naligo at nagsuot ng t-shirt na may checkered na long sleeve ba polo, at pantalon sabay alis ng bahay. Nasa jeep na ako nang maalala kong may babayaran pa pala ako kay Auntie Lylia. Pero sa totoo lang ay wala pa talaga akong pambayad kaya susubukan ko na lang na mag-loan mamaya sa kompaniya.
Pagkarating ko sa Golf Field, nagtatrabaho na ang ilang mga staff kaya pumunta na rin ako roon. Hindi ko pa naaninag si Danerie kaya mukhang hindi pa siya nakakarating.
“Joy, finally nandito ka na rin. I need someone to put the flowers on the rooftop for the night party,” bungad sa akin ni Ma’am Glenda.
Ibinaba ko na ang backpack ko lumapit sa kaniya. “Kayang-kaya ko na po ‘yan, Ma’am! Ano pong gagamitin ko sa paglagay ng mga bulaklak?”
“You can use the hagdan there.” Itinuro na niya ang bakal na hagdan sa gilid ko.
Ngumiti na ako sa kaniya at lumapit doon. Medyo nag-alinlangan ako dahil takot pa naman ako sa mga matataas na lugar pero wala akong choice dahil baka mapagalitan pa ako rito mamaya. Dahan-dahan ko nang hinatak ang hagdan papunta sa rooftop at kinuha itong mga plastic na bulaklak.
“She looks like a tomboy!”
“Yeah. But a tomboy should look hot. Right?”
“Girl, she’s the ugly version.”
Napatingin na ako sa ilang mga babaeng nakatingin sa akin at pinag-uusapan na naman ako. Mukhang panlalaki naman kasi talaga ang suot ko ngayon dahil sa polo at nakatali pa ang buhok ko. Hindi ko na lang sila pinansin at wala naman silang mga ambag sa buhay ko.
Umakyat na ako sa hagdan habang nakapikit at isa-isa nang inilagay ang mga bulaklak doon. Binilisan ko na ang pagkilos at unti-unti ko nang nararamdaman ang kiliti sa mga kamay at paa ko sa tuwing mapapatingin na ako sa baba.
“Hey! Don’t put the leaves above the flowers, stupid!”
Napatingin ako sa isa sa event planner sabay yuko. “Sorry po, Ma’am,” tugon ko at inayos na ang mga dahon.
“My gosh! Don’t mix blue and yellow roses! It looks bad!” sigaw niya pa ulit sa akin.
Inayos ko na naman ulit iyon kahit na hirap na hirap na ako.
“Okay ba po ba?”
“Take those white roses away, they doesn’t look good in there,” bulyaw niya ulit.
Sinunod ko lang nang sinunod ang utos niya sa akin hanggang sa hindi ko na maintindihan ang mga instructions niya.
“Stupida! Argh! Ang bobo mo magtrabaho!” anas nito.
“Ma’am, maayos naman po—aahh!!”
Hindi ko namalayang hindi na pala ako naka-apak sa hagdan dahilan para ma-out of balance na ako. Hinintay ko na lang ang sarili kong matumba at wala namang sasalo sa akin unless dumating si Iron Man dito o kaya si Flash.
“Lord, katapusan ko na ba…”
Ipinikit ko na ang mga mata ko nang ilang segundo pa ang nakalipas ay naramdaman kong bumagsak na lang ako sa matitigas na bisig pero hindi ako nakaramdam ng sakit.
Ha?
Nasa langit na ba ako?
Am I in the arms of archangel?
Dahan-dahan ko nang iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko na lang nang makita ko si Danerie na karga-karga ako habang sobrang sama naman ang tingin niya sa akin. Bigla na niya akong ibinaba dahilan para bumagsak ang pwet ko sa sahig.
“Aray!” anas ko sabay hawak sa pwet ko.
“You’re so heavy and please next time, don’t cause any trouble, Ligaya,” anito at naglakad na palayo.
Napangiti na lang ako bigla sabay hawak sa dibdib ko dahil pakiramdam ko talaga ay mamamatay na ako kanina. Hindi ko naman akalaing nandiyan si Pogi para sagipin ako.
What if siya talaga ang guardian angel ko?