EPISODE 2:
HINDI KITA IDEAL MAN
Kinaumagahan, maaga pa akong nagising para mag-ayos papasok sa trabaho. Ginising ko na rin si Mark dahil ako lang ang nagising sa alarm niya—as usual. Bumili na lang din ako ng lutong ulam para hindi ko na kailangang magluto tuwing umaga.
"Mark, bilisan mo na riyan! Para kang babae, ang tagal-tagal mong maligo!"
Ilang beses na akong pabalik-balik nang katok sa pinto ng banyo dahil mag-iisang oras na yata siya sa loob. Mabuti na lang dahil makalipas ang ilang segundo ay lumabas na rin ito pero nagtaka ako kung bakit hindi manlang nabasa ang kaniyang buhok.
"Hindi ka naligo sa lagay mo na 'yon?!"
Napakamot na lang siya sa kaniyang buhok. "Hehe...ang lamig kasi, Ate, kaya hindi na ako naligo."
"Kambing ka ba?" iritang tanong ko sabay tawa sa kaniya. "Diyan ka na nga at baka ma-late pa ako sa trabaho dahil sa'yo."
Impunto alas-siete na nang makarating ako sa Orion. Dalawang sakayan lang naman ito galing sa boarding house namin kaya hindi naman ako masyadong nahihirapan.
Kaagad na akong pumunta sa ninth floor kung nasaan ako naka-duty. Araw-araw kong nililinis ang tiles dito pati na rin ang mga bintana. Medyo mabilis nga akong mapagod at mawalan ng gana dahil mag-isa lang ako rito na nagtatrabaho.
"Nasa'n na kaya si Pogi—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mayroong anghel na lumabas galing sa elevator—este si Pogi pala ang lumabas galing doon.
"Hi, pogi! Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
Kahit na nakasuot ito ng uniform ng pang-janitor at may dalang basahan ay pogi pa rin siyang tingnan. Hindi ganoon ka-buff ang kaniyang katawan pero tamang-tama lang ang kisig nito para sa akin. Dalang-dala naman kasi ng kapogian niya at tangkad.
"Stop calling me like that, I'm not in the mood," tugon niya lang sa akin at tuluyan nang pumasok sa loob ng station namin. Sinundan ko na siya papasok sa loob at nakita kong umupo lang siya doon at hindi na gumalaw.
"Where are the others? Why are you alone here?" pagtatakang tanong niya pa sa akin.
Lumapit na lang ako sa kaniya at kinuha na rin ang maliit na balde na nasa gilid nito. "Bakit, dito ka rin ba magdu-duty? Ibig sabihin may kasama na ako?"
"Yeah. I had no choice, they told me to be here."
"Ay, bongga! Meant to be talaga tayo, Pogi." Iniabot ko na lang sa kaniya ang mop. "Tara na sa labas, baka mapagalitan pa tayo mamaya kapag hindi natin inumpisahan ang trabaho."
Sinamaan niya na lang ako ng tingin at tumayo sabay tapik ng mop na hawak ko.
"Tse, ang suplado mo naman!"
Inumpisahan ko na lang ang trabaho ko habang si Danerie ay naka-upo lang sa gilid ko. Hindi manlang ito nagtatrabaho at mukhang hindi naman siya natatakot mahuli ng CCTV na walang ginagawa.
“Pst! Pst!” tawag ko sa kaniya. Hindi siya sumasagot kaya nilapitan ko na lang. “Wala ka ba talagang balak magtrabaho?”
Tinitigan niya lang ako at maya-maya ay tumayo na rin. “I need to see Patrick.”
“P-patrick? As in Patrick Sarmiento? Ang CEO nitong kompaniya?!”
Hindi na ako pinansin ni Danerie at tuluyan na lang na umalis at pumasok na sa elevator. Napa-iling nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang problema ng lalaking ‘yon.
“Pogi sana, kaso ang weirdo naman…” mahinang pahayag ko at ipinagpatuloy na ang trabaho ko.
Inabot na ako ng tanghali sa paglilinis dahil sa dami ng alikabok sa bintana na hindi ko namalayan noong isang araw. Ang dami ko kasing nilinis sa CR kahapon kaya hindi ko na nalinis itong mga sliding window.
Bumalik na ako sa loob ng station namin para magtanghalian. Hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon si Danerie kaya mag-isa na naman ako rito. Kinuha ko na lang ang baon kong kanin dahil pupunta na ako sa canteen para bumili ng ulam. Mas makakatipid kasi ako kapag magbabaon ako ng kanin.
“No one should know about it.”
Tamang-tama naman nang lumabas ako ng station, naabutan ko si Pogi at si Sir Patrick kaya napatigil ako sa paglalakad.
“Hi, Sir Patrick!” ngiting-ngiti kong bati sa kaniya.
Maliban kasi sa pogi ay sobrang bait din ni Sir Patrick kaya siya talaga ang ultimate crush ko rito sa kompaniya.
“Joy, how are you doing?”
Itinaas ko na ang baon ko. “Maglu-lunch po sana ako sa canteen, e. Kaso napatigil ako nang makita ko kayo.”
“Is that so? Anyway, I think you already know Danerie, right?” anito sabay turo kay Pogi. “He’s your new partner in this floor so take good care of him.”
“Magkakilala po kayong dalawa?” pagtatakang tanong ko pa.
“N-no, I don’t know him. I’m sorry, I need to go.”
Kaagad na ring umalis si Sir Patrick kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Danerie. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at inirapan.
“Oh, ano? Kumusta ang pakikipag-usap mo sa CEO ng kompaniya? Nakalusto ka ba?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Hindi naman pala kayo magkakilala, e.”
Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Danerie. “First of all, he’s only the acting CEO of this company. Second, I know him. And lastly, stop bugging me around, Ligaya.”
“Ano’ng Ligaya?!” Para niya lang trinanslate ang pangalan ko sa tagalog ay iyon pa naman ang ayaw ko. Noong grade six pa naman ako ay iyon ang tawag sa akin ng kinaiinisan kong kaklase. “Diyan ka na nga, nagugutom na ako—”
“Wait!”
“Oh, bakit?”
Marahan siyang lumapit sa akin. “Let me go with you. I’m also h-hungry…”
Napasinghal na lang ako sa kaniya. “Sige na nga, pasalamat ka bet ko ‘yang mukha mo.”
Naglakad na kaming dalawa papunta ng canteen. Um-order na ako ng baboy na may bagoong habang nasa likuran ko lang si Danerie habang nakatayo.
“Ikaw, ano’ng order mo?”
“Do you have some money, I’d like to buy that browny thing? My parents blocked my credit card so I can’t use it,” anito.
Napa-poker face na lang ako sa kaniya. “Nagtitipid ako, e. Pero sige na nga, pero bayaran mo ako ha?” Ibinaling ko na ang sarili ko kay Manang na nagbabantay. “Isa nga rin pong adobo, Manang.”
Pagkatapos naming um-order ay umupo na rin kaming dalawa sa isa sa mga table. Inilabas ko na rin ang baon kong kanin sabay tingin sa kaniya.
“Bayaran mo ‘yan, ha? Wala na akong pera,” saad ko sa kaniya.
Napatitig lang ito sa akin at nag-umpisa na ring kumain. “This tastes familiar. It’s really good.”
“Hindi mo ba talaga alam ‘yan at tinawag mo pang browny thing kanina? Adobo ‘yan, Pogi! Mygad, saang planeta ka ba galing?!”
“I’m from England.”
Bahagya akong napatigil sa pagkain nang magsalita na siya. “England? Weh? E, bakit ka pa umuwi rito para maging janitor kung galing kang England?!”
“I was being punished.” Napa-iling na siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. “It was a long story, let’s just finish what we’re eating and get back to work.”
Nagtaka ako kung bakit biglang naging interesado na bigla si Danerie sa pagtatrabaho pero hindi ko na lang siya pinansin dahil patapos na ang break time namin.
Bumalik na rin kami sa trabaho pagkatapos naming kumain at buong maghapon kaming naglinis ng tiles sa hallway. Ang dami kasing dumadaan kaya kailangan ay sunod-sunod namin itong lilinisan.
Medyo nakakagulat nga dahil hindi na nagrereklamo ngayon si Pogi. Nagtatrabaho na ito pero hindi lang ako pinapansin.
“Pst, pogi! Pst!” tawag ko sa kaniya.
“What?”
Napanguso na ako sa matandang babae na naglalakad habang maraming bitbit. “Hindi mo ba nakita si Lola? Tulungan mo naman ang daming dala, oh!”
“That’s not my work,” tugon niya at ipinagpatuloy lang ang pag mop.
Kumulo na naman ang dugo ko dahil napaka-arogante talaga nitong lalaking ‘to kaya ako na langang tumigil sa paglilinis at nilapitan na si Lola. Akma ko na sana siyang kakausapin pero nagulat na lang ako nang biglang lumabas galing ng elevator si Sir Patrick at tinulungan na si Lola.
“Salamat, Hijo. Napakabait mo,” usal ni Lola kay Sir Patrick.
Para akong tanga rito habang nakangiti na pinagmamasdan siya.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Patrick Sarmiento na hindi lang ubod ng pogi, ubod pa ng bait at maalaga?
“Hey, stop daydreaming and help me with these.”
Naputol ang pagmamasid ko kay Sir Patrick nang marahan akong tinapik ni Pogi sa balikat. Humarap na ako sa kaniya. “Hindi ako nagdi-daydream no. Ang bait-bait kaya ni Sir Patrick kaya halos lahat dito ay siya ang ideal man…pati na rin ako.”
“You guys like Patrick? He’s not even closer to me.”
“Echosero ka, Pogi.” Inirapan ko na lang siya. “Pogi ka lang pero hindi ka mabait kaya hindi ka pasok sa standard ko. Diyan ka na nga at maglilinis pa ako ng CR.”