EPISODE 15: HALF-SISTER GONE WRONG "It's a masquarade ball so everyone won't see each other's faces," pahayag niya pa sa akin. Napahinga na lang ako nang malalin sabay tango. "Ikaw, Pogi, alam mong gagawin ko ang lahat para matulungan ka, pero kung makakasira iyan ng trabaho ko kay Miss Venus nako, itigil mo iyan ngayon din." "This will be my last favor to ask from you, Ligaya." Marahan na siyang umiwas ng tingin sa'kin. "Besides, my parents will be there on the ball and I will see them for the first time after a year. I got to get that position from Patrick no matter what happen." Habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi ni Danerie, alam ko sa sarili kong marami pa akong hindi alam tungkol sa pagkatao niya pati na rin sa pamilya niya. Nakakaawa nga siya at hindi naman sa pagiging ass

