Chapter 2 Leytania Valrin Pov.

1343 Words
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, napaka-istorbo naman nito. Ang aga naman tumawag? Tch. "Bakit ka napatawag?" tanong ko. Nakapikit lang ako kase sobrang inaantok pa ako. "Ako to beshy, ang maganda mong kaibigan!" tatawag lang ba s'ya para sabihing maganda s'ya? Gosh! Sarap n'yang sampalin kaliwa't kanan. "Saan banda?" mataray na pangababara ko. "Ay grabe? Napakasakit mong magsalita!" maarting ani nito, anong masakit sa sinabi ko? Minsan gusto ko na lang kalimutang naging kaibigan ko ang babaitang ito. "Anong kailangan mo't napatawag ka?" tanong ko ulit dito, hindi pa kase sabihin ang sasabihin n'ya. Gusto ko pa matulog. "Gusto lang sana kita ayain sa isang bar!" "Ayoko!" sagot ko agad rito. Hindi talaga ako mahilig sa gan'on eh, ayokong pumupunta sa mga bar hindi ko lang bet. "Sige na beshy, ngayon lang naman ulit ito isasama ko rin si Ganari!" "Ayoko nga, ibaba ko na ito!" inis na sabi ko, kahit kaylan talaga party girl ang lokong babaeng ito, Tch. "Sige na kase! Please, beshy!" "Ayoko nga huwag kang makulit!" "Bahala ka, magtatampo na kami sa'yo." sabi nito. Kung nakikita ko lang siya, t'yak akong nakanguso ito. "Fine, fine! Pupunta ako! Anong oras ba?" "Ngayon n- "What?" tanong ko rito. "Sabi ko ngayon na, pupunta kami d'yan sa condo mo!" sabi nito. "Anong oras na ba?" tanong ko. "7:30 pm na kaya! Huwag mong sabihin na nakahiga ka pa? Gaga ka talaga!" napatayo naman ako sa gulat, gabi na pala? Hindi ko namalayan ang oras. Ang tagal ko pa lang nakatulog. "Sige na, magbibihis na ako!" sabi ko. "Sige beshy, ang bait mo talaga!" "Babatukan kita kapag pumunta ka dito." sabi ko. Binaba na nito ang tawag ako naman pumunta na ng cr para maligo. Hayts kahit kaylan talaga hindi ko matiis ang mga kaibigan ko. Ako nga pala si Leytania Valrin, 25 years old. Wala naman kakaiba sa 'kin, sadyang ayoko lang sa lalaking babaero. Tulad ng Tatay ko na babaero, iniwan si mama at pinagpalit sa isang malanding babae tss. Nang matapos akong maligo, magbihis. Lumabas na ako ng kuwarto, nang may mag doorbell agad kong binuksan ang pinto. "Hello beshy!!" "Ano beshy? Feady ka na ba?" "Oo," "Sigurado ka, bar ang pupuntahan na'tin hindi simbahan!" sabi nito. "Ano? Sa simbahan tayo pupunta?" tanong naman ni Ganari. "Hala! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Hanimey? Sana hindi ganito sinuot ko..." nakasimangot na sabi pa nito. Napabuntong hininga naman kami. "Tanga! Hindi tayo sa simbahan pupunta!" sabi naman ni Hanimey. "Hindi naman tanga ang pangalan ko. Ganari, that's my name!" sabi pa nito. Hindi ko alam kong matutuwa ako or maiinis sa sobrang pagkaisip bata niya hayst. Minsan parang gusto kong alugin utak ng babaeng ito eh. "Ewan ko sa'yo, tara na nga!" naiinis na sabi ni Hanimey. "Let's go! Let's go. Sana nandon si Diego, tapos mag sasayaw kami. Yehey!" sabi nito habang na sa elevator kami. "Mga beshy, nandon kaya si Hello Kitty, Barbie at saka si Dora?" tanong nito sa amin. Mahilig lang naman 'yan sa mga pangbatang palabas jusko. "Ikaw na nga kumausap d'yan Ley! Baka hindi ako makapagtimpi!" sabi ni Hanimey sa 'kin. Talagang mababaliw ka 'pag si Ganari ang kausap mo. Nang makarating kami sa bar agad na kamimg pumasok. Nakakairita talaga ang ingay sa bar na ito. Sari sari pa ang amoy, may amoy usok, pabango at iba pa. Kaya ayokong pumupunta sa ganitong lugar eh. "Hahanpin ko si SpongeBob at saka si Hello Kitty at Barbie dito tapos si Diego!" sabi ni Ganari, parang bata pa itong tumalon talon. Napatampal na lang ako sa noo ko, nakakahiya kase dahil pinagtitinginan na kami. "Hoy Ganari, huwag kang lalayo sa amin. Baka mawala ka! Lagot kami sa Mommy mo!" sabi ko. Madalas kaseng nawawala iyan si Ganari, paano kase kung saan saan pumupunta. "Hahanapin kol ang sila, tapos babalik din ako! Nag paalam naman ako kay Mommy, sabi ko hahanapin ko sila dito sa bar!" ani nito at nagpaikot-ikot pa nang buhok. "Ano ka ba? Wala naman dito ang hinahanap mo!" ani Hanimey. "Sabi mo, nandito sila kaya sumama ako huhuh!" sabi nito at umiyak na. Nakakahiya pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. "Hello sexy girl's!" bati sa amin ng mga lalaking mukhang adik. "Hindi sexy pangalan namin, ako si Ganari tapos siya naman si---pinutol ko na ang sasabihin n'ya baka kung ano pa masabi nito. "Tara na mga beshy! Huwag ninyo silang pansinin! Ikaw Ganari!" ani ko at tinulak nang daliri ko ang noo nito. "Huwag kang makikipag-usap at makikipagkilala sa mga taong kagaya nila!" ani ko rito. Tumango lang ito, mukha namang naiintindihan n'ya ako. sabi ko at hihilahin kona sana si Ganari nang bigla akong hawakan sa gilid nang isang lalaki. "Mas maganda siguro kung doon na lang kayo sa puwesto namin umupo! 'di ba boy's?" sabi ng lalaking ito. Dahil sa pagkainis ko, bigla kong siniko sa mukha ang panget na lalaking ito. Tapos nang mapaupo ito, tinadyakan ko pa ang panget nitong mukha. Nakakairita ang mga katulad nila. "Go! Go, Ley!" sabi ni Ganari. Jusko kahit kaylan talaga wala siyang alam sa mundo. "Ley, tama na iyan." sabi ni Hanimey sa 'kin at inawat ako sa pambubugbug sa lalaki. "Tuturuan ko lang nang leksyon ang panget na lalaking ito!" sabi ko. Mabuti at hindi nakisali ang mga kaibigan nito. "Tama na! Pumunta tayo dito para mag-saya, hindi para makipag away!" ani Hanimey. Kaya naman tumayo na ako at inayos ang damit ko. Pasalamat sila nandito mga kaibigan ko, kun 'di sa hospital bagsak nila. Umalis na kami at kumuha nang mauupuan. Hindi talaga ako ang tipo ng babae na malandi, at puro make-up at nagsusuot nang maiikling damit. Ako ang tipo ng babae na simple lang at, mahilig makipag-away. Um-order si Hanimey nang dalawang case ng alak. Malakas kase ang babaetang ito uminom tss. "Ang dami naman nito?" tanong ko. "Ayos lang iyan, mauubos na'tin 'yan!" "Juice ba ito, Hanimey?" tanong ni Ganari at kinuha ang isang bote. Walang alam si Ganari sa salitang alak, ang alam lang nito juices ang lahat nang may kulay at na sa bote. "Parang juice! Pero bawala 'yan sa'yo!" sagot naman ni Hanimey. "Talaga? Buksan mo nga, Ley! Gusto kong tikman, ngayon lang kase ako makakatikim n'yan. Gusto kaya iyan nila Barbie?" napabuntong hininga na lang ako, sa mga sinasabi n'ya. "Tch, siguraduhin mong kaya mong inumin 'yan! Dahan dahan lang ang pag-inom!" ani ko. "Juice lang naman ito, 'di ba?" kinuha ko ang alak at binuksan, at inabot ko ulit sa kaniya. Agad naman n'ya itong tunongga. Jusko kakasabi ko lang, hindi s'ya marunong makinig. "Sana lang maging maayos s'ya..." sabi ko. Dati kase nang pinainom namin iyan, isang bote pa lang ng alak nakatulog na s'ya. "Ang sarap nito! Parang nahihilo ako..." sabi nito. "Ayos ka lang Ganari?" tanong ni Hanimey. "Oo, ang sharap nito... hik... Bakit parang nahihilo ako?" sabi nito at napasubsub na sa lamesa hay ito na nga sinasabi ko eh. "Hayaan na na'tin s'ya, tara mag-inom na tayo." sabi ni Hanimey, tapos tumungga ng alak. Dahil ngayon lang naman ito, makikisabay na rin ako sa pag-inom. Alam kong broken ang kaibigan ko dahil hindi naman 'yan, maga-aya rito kung wala s'yang problema. Nang matapos namin ang dalawang case ng alak, tinamaan na rin ako at sobrang init nang katawan ko. Hinubad ko na ang jacket ko dahil sa sobrang init. "Beshy, salamat kase sinamahan mo ako rito. Alam mo kase beshy, si Hence iniwan ako! Niloko niya ako! Manloloko s'ya! May iba s'ya, nakita ko siya may kasamang iba huhu..." sabi pa nito. "Sinabi ko naman sayo, ang mga lalaking iyan walang matinong gagawin yan. Mga manloloko lang sila, hindi marunong makuntento!" noong una pa lang na kita ko sa boyfriend n'ya, kita ko nang wala s'yang gagawing matino. "Huhu, akala ko beshy ako lang eh?" "Tama na 'yan, kalimutan mo na siya. Sinabihan na kase kita noon, ayaw mo pang makinig sa 'kin tss... Kung nakinig ka sa akin, sana hindi ka umiiyak ngayon!" hindi talaga ako magaling mag-comfort ayoko kase nang masiyadong ma-drama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD