TWENTY FOUR

4406 Words
My Side  Matapos kong kausapin si Reed kagabi ay napa-upo na lang ako sa labas habang nakayuko at umiiyak. Wala na akong pake kung may mga nakakakita man sa aking guard o katulong. Hinayaan ko lang sila na nakatingin sa malayo. Hanggang tingin lang naman sila sa akin dahil kahit lumapit man ay tatabuyin ko rin. Gusto kong mapag-isa roon kaya naman pagkatapos ko umiyak at tumaas sa kwarto ay agad na lang akong nakatulog. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako naiyak ng ganoon kagabi. Dahil ba na-realized ko na wala na akong takas? Dahil nasisimulan ko ng mahalin siya? Bakit ka nahuhulog sa kanya Porsch? Alam mo sa sarili mo na wala lang sa kanya ang mga pinaggagagawa niyo. Walang meaning iyon. Walang wala. Bumuntong hininga ako habang tinitignan ko ang sarili sa salamin. Nakatukod kasi ang dalawang kamay ko sa vanity mirror ko habang pinagmamasdan ko naman ang dalawang maga kong mata. Nilingon ko naman ang muling tumunog na phone ko. Nasa kama ko iyon. Kung hindi iyon mga kaibigan ko ay paniguradong si Ryder iyon. Kagabi pa siya tumatawag o 'di naman kaya ay nagpapadala ng mensahe. Hindi ko rin naman kasi alam ang itutungo ko sa kanya. Then treat him like you always do, Porsch. Walang kailangan magbago. Hindi mo kailangang umiwas dahil wala kang iiwasan. There's nothing on it! Nang mag-ring na iyon dahil sa tawag ay hindi ko na napigilan ang sarili kong kunin iyon at sagutin. "Hello?" walang gana kong tanong sa caller na hindi ko manlang sinilip kung sino iyon. "Hoy, Ricalde! Nagbabasa ka ba ng group chat natin ha?!" bungad na bati sa akin ni Ally kaya naman agad kong nailayo ang phone ko sa tainga ko. Ang aga-aga nakalunok ng mikropono ito! Hindi lang iyon! Nasama pa ang speaker sa loob na may kasama ring megaphone! Napahawak na lang ako sa phone ko dahil parang nakakarinig na ako ng matinis na tunog dahil sa biglaang dinig sa malakas na boses ni Ally. "A-ano ba! Pwede bang kalmahan mo muna? Ano ba kasi 'yon? Natulog na ako kaagad kagabi pagkauwi ko." Pagsisinungaling ko sa kanya habang hinahagilap na ang damit na susuotin para mamaya. Ayusin mo na lang ang sarili mo. Mas pagtuunan mo muna ang sarili para naman makapagsaya ka mamaya sa halloween party. It will be big and exciting! "Nasa labas kami ng bahay niyo! Dyan tayo gagayak para sa party mamaya!" rinig kong si Blair ang nag salita noon. I can tell na magkatabi sila ngayon dahil masyado ring malakas ang boses nito. Bumuntong hininga ako dahil may mangungulit ngayon sa akin. Gosh! Its ten in the morning at nandito na sila agad? Hindi pa nga humuhupa ang pamamaga ng mata ko! Pa'no ko ito maitatago sa kanila? For sure they'll ask! Kukwestyonin nila kung bakit ganito ang nangyari sa mga mata ko. Should I tell them about sa nalaman ko kagabi? Even if you decided not to, ay malalaman pa rin nila. "Okay, I'll tell the guards na pagbuksan kayo ng gate. Just wait for me in the living room at maliligo pa ako." Agad naman silang naghiyawan sa kabilang linya bago ko sila pagbabaan ng tawag. Pumasok ako agad sa loob ng banyo at sinimulan ng maligo gamit ang malamig na tubig. Iniisip ko na dahil sa paliligo noon ay mababawasan ang pamamaga ng aking mata. Pinunasan ko ang salamin. Nag moist kase ito dahil sa paliligo ko. Kita ko roon na kahit papaano ay nabawasan naman iyon. Bahala na kung ano ang mga ibabato nilang tanong sa akin. Sermunan man nila ako, ay hindi ko naman iyon kasalanan. No one's at fault. We didn't see it comming so there's no one to point out. Nagsusuklay na ako ng bumaba ako sa hagdanan para masalubong ko ang apat. Napasapo na lang ako ng noo ko nang makita silang nagkakagulo sa living room. Meroon na rin kasi doon na mga merienda. Binigyan siguro sila nila manang habang wala ako. "Oh? Bakit kumakain ka na naman niyan? Naghatian na tayo ah? Daladalawa lang kada isang tao, Ally!" Palo ni Shena sa kamay ni Ally na may hawak na croissant sa kaliwang kamay. "Oo nga! Ikaw pa itong nagsasabi kanina na, Oh, hating kapatid ha? 'Wag yung kung lumamon kala mong hindi kayo pinapakain sa inyo." Pang gagaya pa ni Mariz sa kanya. Ang OA nito manggaya kaya naman kumunot si Ally habang ang croissant na nasa kamay niya kanina ay nasa bibig na niya ngayon. "Siya kasi yung hindi pinapakain sa kanila," tawa ni Blair habang nakasandal sa sofa namin na akala mong modelong lalaki. Nakakunot na ang noo ni Ally habang nginunguya ng mabuti ang pagkaing bigla na lang niyang isinubo. Inis niya ring pinunasan ang sariling labi na nalagyan ng chocolate dahil sa marahas niyang pagsubo sa pagkain. I bet that's still hot. Tunaw pa ang chocolate e. Pero dahil si Ally nga ang kumain noon ay pati ang mainit na pagkain ay hindi siya magrereklamo. Sa mainit lang na lugar iyan nag hihimutok sa reklamo. "'Yan! Sinabing 'wag yung subo lang nang subo! Tignan mo muna kasi kung kakayanin mo! 'Di porket masarap e, isusubo na lang basta-basta!" Sigaw ni Blair habang tinuturo na niya ang baso na may tubig kay Mariz para naman iabot kay Ally. Si Mariz kasi ang malapit sa babaeng konti nalang ay mabibilaukan na. Grabe pa kung tumawa si Blair habang nakahawak sa sarili niyang tyan dahil sa nakikita niyang mukha ni Ally ngayon. Ni hindi na nga makapagsalita si Ally dahil sa puno ang kanyang bibig. Malas niya pa at malayo sa kanya ang tubig. "Tignan mo ngayon na bibilaukan ka na naman!"pangaral naman ni Shena kay Ally na ngayon ay 'di na maipinta ang mukha. "'Wag mong bigyan ng tubig ng magtanda!" sigaw pa ulit ni Shena dahil nakatayo lang ito sa harapan ng tatlo. Silang tatlo ay naka-upo sa sofa. Si Blair at Mariz ay naka-upo sa mahabang sofa habang si Ally naman ay sa single couch lang. Nasa magkabilang dulo si Blair at Mariz kaya naman mas malapit ang pwesto ni Mariz kay Ally. "Osige para naman hindi tayo maubusan ng merienda habang nandito tayo," sabi ni Blair. "Tama-tama. Pero, pa'no pag namatay itong si Ally?" sabi naman ni Mariz habang nilalapag niya ulit pabalik ang basong may tubig palayo kay Ally. Nakatanggap naman siya ng batok galing kay Ally kaya naman ay natatawang ibinigay niya pabalik ang tubig sa babaeng nangangailangan nito. "Edi gagawa kayo ni Mr. Julian na kamukhang kamukha ni Ally," tamad na sabi Blair sa kanila. Pati pag upo nito ay tamad na tamad rin. Napansin ko rin na pati pala ang mga gamit nila ay nagkalat sa living room! Akala ko ay sila lang! "E? Pa'no yung mga features na hindi ng galing sa daddy niya?" inosenteng sabi ni Mariz sa kaniya. Namimilog pa ang mata nito na tilang hindi alam kung paano magiging posible ang naisip ni Blair. As if na posible nga iyong ganoon. "Edi gawa kayo ng mas matino! Yung hindi patay gutom! Hindi mareklamo! Hindi mayabang sa court! Higitan niyo pagkatao nitong babaeng 'to!" asar ni Blair habang nakangisi at nakatingin lang kay Ally para mas lalo lang siyang mainis. Nakaturo pa siya kay Ally habang sinasabi niya iyon. Isa pa itong babaeng 'to. Gago talaga at gustong gustong naaasar si Ally. "MGA WALANGHIYA KAYO! TANGINA NIYO TALAGA!" Nakatanggap naman ng tigi-isang palo ang tatlong pinagtulungan siya. Dinaing nila iyon dahil alam niya kung pano pumalo si Ally. Malakas at mabigat. Kaya nga nakakapag-first line pa ito sa pagpalo. Pag makakalaro mo siya sa court ay mas gugustuhin mo pang 'wag saluhin ang bolang papaluin niya. 'Di bale ng mawalan ng puntos kaysa mawalan ng braso. Natawa na lang ako dahil sa napasobrang pagkain niya ay na-bully na naman siya. Pa'no naman kasi ay hindi man lang siya nadala! Sabagay, kung ikaw man itong mahilig kumain at hindi tumataba ay susulitin mo talaga ang sitwasyon mong iyon. Perks of being naturally skinny! Tumikhim ako para naman mapansin na nila ako. Nakababa na kasi ako sa hagdanan, pero hindi tulad ng inaasahan ko ay nagpatuloy lang sila sa paghahabulan at pagsisigawan. Kinailangan ko pang paluin ang coffetable na naroon para mapansin nila ako. Aaminin ko. Masakit iyon. Kaya nakangiwi akong binawi ang kamay ko at hawakan iyon. "Sakit no?" asar na ngisi sa akin ni Ally kaya binatuhan ko siya ng throw pillow na inabot sa akin ni Blair. Sabay pa kaming nag-apir ni Blair dahil napagtulungan na naman namin si Ally. Binigyan naman ni Ally ng middle finger si Blair kaya napatawa lang si Blair sa reaksyon ni Ally. "Bakit ba ang aga niyo dito?" Ginulo ko pa ang nakablow dry na buhok ko bago ako umupo sa pagitan ni Mariz at Blair. Lahat sila ay nakatuon sa mga mata ko. As in lahat sila. Pa'no ay pinaggigitnaan nila ako. Bakit mo kasi naisipan na umupo sa gitna, Porsch? And see? Sabi ko na nga bang mapapansin nila. Bubuka na sana ang bibig ni Ally para magsalita pero pinigilan ko siya dahil uunahan ko na siya sa pagkukwento. Ang pangit naman siguro kung sermon muna bago kwento diba? Kaya dapat malaman niya muna ang istorya para mahaba-haba rin ang sermon! Kaya 'yon nga ang ginawa ko. Sinimulan ko ang pagkukwento ko sa parteng inuwi ako ni Ally rito hanggang sa maka-uwi kami at makapag-usap kami ni Reed tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa amin ni Ally. Nakakunot pa ang tatlo ng sabihin ko iyon dahil kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na pinapadala sa akin. Ang alam lang nila ay maalaga sa akin si Ryder dahil taga pag-alaga ko ito. Little did they know ay may mas malalim pa roon. Kaya nga ako nahulog dahil hindi ko naman alam na may patibong roon para mahulog ako. And that's deep! Its not easy to get out. Kalmante naman silang nakikinig sa akin. Umiinom pa nga ng juice si Ally habang si Blair naman ay nagkakamot pa ng siko. Parang hindi siya interisadong pakinggan ang kinukwento ko. Pero alam ko namang nakikinig siya dahil nakatuon lang ang mata nito sa akin. Parang lalaki. Nang matapos sa pagkwento ay doon lang sila sumabog sa pag re-react. Like, dapat daw ay mas tinatagan ko pa daw ang loob ko habang ginagawa ko ang tinatanong kay Reed. Dapat daw ay mas lalo pa akong naghukay pailalim para mas makahakot ako ng maraming impormasyon. Sila rin ay nakikiusisa na tungkol kay Winona at Ryder. Tangging kibit balikat lang ang ibinigay ko dahil totoo namang hindi ko talaga alam ang meroon sa kanila. Kaya naman ay pinag-uusapan na lang namin ngayon ang mga maaaring mangyari mamayang halloween party. Pareparehas pa silang nae-excite at nilalahad ang mga pwede nilang gawin mamayang gabi. Pagkababa naman ng sasakyan ay agad naming nakita ang mga tao na naka iba't ibang costume. Dagsaan ang pagpasok nila sa loob. Nakahiwalay rin ang pasukan para sa mga studyante ng De Familia at para sa mga outsiders. Nakita kong nakatingin pa sa salamin si Mariz. Hawak nito ang isang compact powder na may salamin. Tinitignan niya kung ayos ba ang pagkaka-makeup sa kanya. Si Shena kasi ang nag-ayos sa kanya. Tinutulungan rin ni Shena si Mariz sa pag aayos ng costume nito. Ang costume ni Mariz ay si Poison Ivy habang si Shena naman ay parang nang galing sa isang libro na greek mythology, siya daw si Venus. Nakaputing dress ito habang may telang nakalagay rin sa magkabilang daliri niya. May ginto rin itong mga dahon na nakadikit sa buhok nito. Kinulot rin namin silang dalawa kaya mas lalong naging bagay ang mga costumes nito sa kanila. Sa kabilang banda naman ay nag-aayos ng props si Blair. Naka-all black itong damit. Archery ang naisip nito. May hood din itong kasama kaya inayos niya iyon sa pagkakalagay sa kanyang ulo. Si Ally naman ay nakita kong kinukuha niya rin ang sumbrelo niya sa sasakyan nila Blair. Isa siyang bull fighter ngayon. Isang suit iyon kaya naman kitang kita kung gaano kaganda ang damit nito sa katawan niya. Hinayaan pa nito ang unat niyang buhok na nakalugay. "Naks naman Porsch kaya ka pala nag-sexy police ngayon!" Tinulak tulak pa ako ni Mariz nang mamataan namin si Reed na papalapit sa amin. Nasa loob na kami ng campus at pinag mamasdan pa ang mga tao na naka pila parin. Kita na namin ngayon ang pag pasok ni Reed. Tumingin pa ako sa likod niya, iniisip na baka kasabay niya ang sarili niyang kapatid. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya dahil hindi niya kasabay ang sariling kapatid o mag-alala dahil baka kasama na naman noon si Winona panigurado. "Ang gwapo namang in-mate nito! Sana makulong ako sa iisang selda kasama mo!" Nagtatatalon pa si Shena at Mariz nang makalapit na si Reed sa amin. Naka-suit rin ito na kulay orange. T-shirt ang top nito at hapit sa medyo maskulado niyang katawan. Mapapansin mo iyon sa gawing braso niya. Medyo bukas rin ang kulay orange nitong costume kaya makikita mo ang puting sando at isang dogtag sa loob. "Ano naman ang kaso na naipatong sa iyo?" tanong pa ni Ally habang nakalagay ang siko nito sa sa balikat ni Blair na nakahalukipkip. Nagkibit balikat pa si Reed bago ko siya lapitan. "You are under arrest on suspicion of stealing. You do not have to say anything, but it may harm your defense if you do not mention when questioned something which you later rely on in court. Anything you do say may be given in evidence," tawa ko habang tinitignan ang nakataas ng kilay ni Reed. Nasa harap ko na siya ngayon habang ibinibigay sa akin ang dalawa niyang kamao na magkadikit. Telling me that I should put a handcuff on it. Nag-search pa ako sa bahay para dyan. "What? Like, stealing your heart?" pabirong sabi ni Reed sa akin. If you only knew Reed. Dati iyon. Before magsimulang maglaro si Ryder. Agad namang nagtawanan at sikuhan sila Mariz at Shena. Sila Blair naman ay todo kantyaw sa amin. Hinawakan ko na lang ang pulsuhan ni Reed dahil ayoko naman ilagay ang posas sa kanya dahil baka pagkamalang preso talaga ito. At tsaka prente ng nakalagay ang posas sa bewang ko. Ang damit ko ay isang fitted dress. Kulay itim iyon na naka zipper sa harapan. Ang zipper na iyon ay naka baba hanggang gitna ng dibdib ko. May belt rin ako na pang pulis. Ang babang parte naman ng aking damit ay pa-pencil skirt na hapit hanggang gitna ng hita ko. "Then I'll do the trick to get it huh?" Sabay kaming lahat na napatingin sa gawing likuran ni Reed. Nakalagay ang kamay nitong may groves sa bulsa niya. Tanaw iyon marahil hindi naman tuluyang nakasuot iyon. Naka-magician siyang costume pero ang lakas pa rin tignan noon sa kanya. May pinaghalong itim at pula iyon. Ang matayog niyang sumbrelo ay hindi manlang nasasapawan ang kagwapuhang taglay ni Ryder. "See? I told you they'll suck at it," bulong pa ni Ally sa amin kaya naman agad akong napangiwi nang makita ang babaeng naka-sexy bunny na costume. So this is the matching outfits na sinasabi ni Winona sa Bookface? And damn, buti na lang ay hindi ako pumayag na magsuot ng ganoon. Pati sila Blair napabulong na lang na buti raw ay hindi nila ako napilit. Kung hindi ay makikisali pa ako sa kanila. Hindi ko rin ipagkakaila na bagay sa kanya iyon. Bagay silang tignan dahil sa magkapares nilang costume. Ngumiti pa si Winona bago kumapit sa braso ni Ryder. You're wrong Ally. They really rock it. Sa isipang iyon ay nakakapait lang ng damdamin. "Oh! You got matching costumes too?! Bagay!" matinis na sabi ni Winona sa amin ni Reed. Hindi ko naman na pansin na hawak ko pa ang pala-pulsuhan nito kaya naman ay agad ko naman iyong nabitawan. Huli naman ng mga mata ko ang mga mata ni Ryder na masamang nakatingin sa aming dalawa ni Reed. Its like I'm the one at fault here. Wala akong ginagawang masama! Ako na nga itong aminado sa sarili na gusto na siya e. But he doesn't have to know. Ayokong malaman niya iyon. Aabangan ko ang araw na mawawala rin ito. At! Siya rin naman ay walang kasalanan Porsch. Malay niya bang mahuhulog ka nga sa mga larong ginawa niya. I know he's not expecting this. Lalo na at matagal na kaming magkaaway! Since we we're kids he knows na kinamumuhian ko na siya. But, he really is a good magician. Magaling siyang magmanipula at gumawa ng laro. "Why didn't you answer my calls?" Biglaang tanong sa akin ni Ryder habang hindi man lang gumagalaw sa harapan ko. Ang mga madilim niyang mga mata ay nakatuon lang sa mata kong kahit papaano ay natutuwa dahil nandito siya. Isang araw lang kami hindi nagkausap pero pakiramdam ko ay ang tagal na noon dahil sa mga nalaman ko sa maikling panahon. At sa loob ng maikling panahon na iyon ay nalaman kong gusto ko na rin siya. "Busy preparing for tonight," kalmado kong sagot. Lahat sila ay mga nakatuon sa akin at kay Ryder. Ramdam nila ang tensyon. Sa tono pa lang ng boses ni Ryder ay mapapansin mong inis at galit ang nararamdaman niya ngayon. Nakakunot na rin ang noo ni Winona na nakatingin sa akin. Tilang hindi nagugustuhan ang usapan namin ni Ryder. Right Winona, ikaw ang kasama pero ako ang iniisip. Simpleng hindi ko lang siya nasagot sa tawag ay pinoproblema na nito. Pa'no pa kaya pagsinagot ko na? Baka iwan ka na lang niyan bigla. "Really? How about my texts? Tinanong ko naman ang kapatid ko, he told me that you have your phone with you the whole time na nasa mall kayo," nakangisi na ito ngayon. May kasamang inis at pang aasar iyon. Tilang alam niya nga ang mga ginawa namin sa mall kahit wala namang malisya iyon. Ni-wala naman talaga kaming ginawa na ikaka-guilty namin kinabukasan. Baka kasi siya meroong ginawa sa mall kasama si Winona. Tama 'yang ginagawa mo Porsch. Keep hurting yourself. It will help you. "Why? Did I ask for your text nung kayo ni Winona ang nasa mall?" ngayon ay naririnig ko na ang paghagikgik nila Mariz habang si Reed ay nangingisi at umiiling. Tinignan ni Ryder ang nakakatandang kapatid. Purong dilim na naman iyon na parang may bagyo na namang namumuo sa loob. Sorry Ryder, I can't tame you right now. Why won't you ask for Winona? I know she'll gladly do it. "Why would you care?" Pagmamataray pa ni Winona sa akin habang nakakapit pa rin ang mga kamay nito sa kanang braso ni Ryder. Alam ko ngayon pa lang ay nag-uugat na iyon roon dahil grabe na ito kung makakapit. Kita ko ang pagtaas rin ng kilay ni Mariz sa kanya. Si Ally naman ay masama na ang tingin sa taong nag-uugat na ang kamay sa braso ni Ryder. Sila ay galit na galit samantalang ako ay kinakalma ang sarili. Kahit papaano ay mabait pa ako. Ayokong magbitaw ng salita na tatatak lang sa munting kokote nito. She's classy but I'm way more better than her. Kung baga ingrown ko lang siya. "Shut your mouth you shitty rabbit hindi ka kasali," madiin na sinabi ni Ally bago ako hawakan. "Lets go." Hinatak niya ako paalis kaya naman todo tawa ang mga kaibigan ko. May pahabol pa ngang sinabi si Mariz kay Winona bago sumunod sa amin. "Cute mo pa namang rabbit. Kaso s**t ka daw eh. Ew, dirty. Wash-wash ka muna bago sumali," halakhak niya habang sumunod sa amin na nag tatatalon. Ang paraan niya ng pag talon ay parang koneho. Naiwan doon sa pwestong iyon ang tatlo. Si Reed na nakangisi lang habang tinatanaw kami habang si Ryder ay padabog na inalis ang mga kamay ni Winona na nakakapit sa kanya. Madilim ang mga mata nito na nakatingin sa amin bago tumalikod at maglakad paalis. May sinabi pa nga si Winona kay Reed pero iniwan lang rin siya ni Reed doon. Dumiretso kami sa field dahil may opening speech pa bago kami hayaang magsaya ng tuluyan. Doon ko rin nakita ang mga outsiders at mga kaklase namin. Kinawayan nila kami kaya naman lumapit kami roon. Doon pa kami nagpurian ng mga costume na suot namin. Sinabi pa nga nila Blair na may kapareha ako at si Reed iyon. Umirap na lang ako sa ere dahil mas tuwang tuwa pa sila sa akin. Sabagay, sino pa hindi matutuwa kung si Reed Azucena ang kapareha mo sa damit? Kung gusto mo pa siya hanggang ngayon Porsch ay sana paniguradong kinikilig at tuwang tuwa ka rin ngayon. Mas mabuti pa noon na kinikilig lang ako kay Reed. Hindi tulad ngayon ay pati pamromroblema sa mga babae ni Ryder ay iniisip ko na. Act normal Porsch okay? Na pag-usapan na natin 'to. There's no need to treat him differently now. Dahil wala namang nagbago bukod sa nalaman mong gusto mo siya at siya ang may mga pakana sa mga palaisipan niyo ni Ally noon. "Good evening students and to all outsiders na nandito ngayon," Agad naman kaming nagpalakpakan nang magsalita ang matandang babae na nasa gitna ng entablado ngayon. Tingin ko ay siya ang may ari ng De Familia. "I'm here to tell you that having a grand halloween party this year is for those De Familia students na ipinaglaban ang school na ito noong tournament. Too late celebration, but still it came pa rin naman. We got a lot of titles so thanks to you. This Party will end at twelve in the morning so you people can enjoy this grand party. Happy halloween!" sigaw niya sa dulong salita bago i-angat ang mikropono at umalis. Marami pa ang nagsalita sa harapan kaya naman bagot kaming nakatayo nila Ally sa bandang likuran. Napataas na lang ako ng kilay nang makita kong may kumalabit kay Ally. Nakita ko pa nga ang pagkagulat nito nang makita si Jake sa likuran niya. Walang ekspresyon ang nga mata nito pero nakangisi. Gulo-gulo rin ang itim nitong buhok. "Am I late?" tamad na tanong ni Jake sa kanya. Agad namang umiling si Ally at tumabi para bigyan ng space si Jake. "How about me?" tanong ni Aliana kaya naman napairap na lang si Ally at umusad pa para magkapwesto rin ang kasama ni Jake. Naka-Hansel and Gretel silang damit. 'Yung mga witch hunter. Astig nitong tignan sa kanila dahil may mga props rin silang mga baril na gamit ng mga aktor sa movie. See? Sa amin ay parang ako lang itong hindi handa. Idamay mo pa si Reed. Hindi na ako magtataka dahil hindi naman talaga kami handa. Kahapon nga lang namin ito nabili. Ilang sandali pa ay natahimik na talaga ako. Hindi na ako umimik sa pwesto ko dahil dumating na sila Reed kasama si Winona at Ryder. "You're here?!" sigaw ni Aliana kay Reed. Nakakunot pa ako dahil gulat akong kilala niya ito. Bakas rin sa mukha ni Reed ang pagkagulat nang makita ang babaeng maikli at kulot ang buhok. Tumikhim pa nga ito at umayos ng tayo bago sagutin ang biglaang pag sigaw ni Aliana. "Of course. I'm the President of Student Government of this school, Aliana. So why can't I be here?" Taas kilay ni Reed sa kanya. Inirapan na lang ni Aliana si Reed. Nangingisi namang tumabi si Reed sa kanya. Ako naman ay hindi ko malingon ang lalaking kanina ko pa nararamdamang nakatitig. Reed even knows her name! "You jealous?" bulong ni Ryder sa akin nang makatabi na niya ako. Umirap pa ako bago ko lingunin siya. Madilim pa rin ang mga paningin nito na nakatingin lang sa harap. Nanatili rin naman ang mga kamay niya na nasa bulsa. "Why would I be jealous to Winona? I don't even care if you spend the whole night with her. Rookie." Inirapan ko si Ryder dahil sa inis ng maalala ko ang halikan nilang ginawa sa harapan ng building three kahapon. Ipinagdiinan ko pa ang tawag sa kanya ni Winona. Rookie. What a horrible name to think of. That picture makes me sick. Parang gusto ko na lang dito sumabog. At sigawan siya kung bakit niya ginawa iyon. "I'm talking about my brother and the girl he's with right now." Sa pagkakataong ito ay napatawa na siya ng mahina habang nakayuko bago ako tignan. Did I sound jealous kanina? Nakakahiya pang hindi pala iyon ang tinutukoy niya! Would you stop it? Mapaghahalataan ka! At pag napagtanto nitong gusto mo siya ay paniguradong malalagot ka. Because for sure, there will be no way out. Hindi ako umimik kaya yumuko na lang ako. Habang mahinang minumura ang sarili. Parang nasabi mo na nga rin na kay Winona ka nagseselos! Napansin ko rin na wala na ang mga kasamahan namin. Talagang kaming dalawa na lang ang naiwan roon. Nakita ko rin sa malayo si Winona na tilang hinahanap si Ryder mula roon. Bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang kamay ko at hatakin ako sa harapan niya. Wala na rin ang mga nagsasalita dahil puro music na lang ang naririnig ko. Isama mo pa doon ang mga taong nagsisimula na ring sumayaw dahil sa ganda ng beat na inilalabas sa bawat speakers na iyon. Dahil 'don ay nakakasigurado akong magaling ang DJ nito. Ang paligid rin ay napupuno na rin ng iba't ibang kulay. Kaya mas lalong nagmukhang kasigla-sigla ang party na iyon. Inangat ni Ryder ang dalawang kamay namin para hawakan niya ito sa ere. Tama lang iyon na nakatapat lang sa kanyang dibdib. Nakangisi na ito sa akin ngayon na tila bang hindi siya galit kanina mula pa ng pumasok siya sa loob ng campus. Nakayuko ito habang naiiling at nakangisi. He chuckled before facing me. "Even I'm mad at you because you're with my brother last night, I will still spending this night with you ma chéri." Hinawakan niya ang pisngi ko kaya parang nawala ang mga iniisip ko tungkol sa kanya. Okay Celestine, this is for sure you don't have to ignore him. Because just like I've said before there's nothing to avoid. "We'll start this night with you by my side," bulong niya bago ako halikan sa noo. Napapikit ako habang dinadama ang halik niyang iyon. Iba iyon sa pakiramdam dahil ngayon ay alam ko na sa sarili kong gusto ko siya. Na nagsisimula na akong mahalin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD