TWENTY TWO

4104 Words
Reed "Pwede bang i-bluetooth na lang ito?" problemado kong tanong kay Ryder habang hawak ko ang mga reviewers ko at inuuntog ang noo ko gamit ang mga reviewers na hawak. Nagbabaka sakaling pag ginawa ko iyon ay lahat ng nakasulat roon ay mapupunta sa loob ng kokote ko. Puro exams ang makakaharap namin ngayon dahil ngayong linggo na ang mid-terms! p*****n iyon kung tawagin nila. Kaya naman ito kaming dalawa ni Ryder sa building three, at tinutulungan niya akong mag-review. Dinala ko siya dito sa tambayan namin dahil ang sabi niya ay masyadong puno ang library ngayon. Kailangan namin ng tahimik na lugar na kami lang ang makakapag-usap. Less people, less distractions. "Simple lang iyan Porsch! You just have to memorize those presidents na humawak sa pinas dati at ngayon!" Hilot ni Ryder sa sentido niya habang sa kaliwang kamay niya ay pina lalaruan ang highlighter nito. Kaliwete si Ryder kaya kaliwang kamay ang ginagamit niyang pang highlight sa mga importanteng impormasyon na nakasulat sa libro nito. Huminga ako ng malalim at inis na pinakawalan rin iyon. Sabagay, madali nga lang naman ito. Pero, hindi lang naman ito ang kailangan kong review-hin! I still have three subjects na kailangang mai-review! Nag-review naman ako kagabi, but I think that's not enough! "You have to be calm Porsch or else you'll end up cramming. And I know for sure you don't want that for yourself," mariing sabi ni Ryder sa akin habang ang mga mata ay hindi tinatanggal sa libro. Prente itong nakasandal sa sandalan ng upuan. Mukha siyang tamad na tamad na binabasa ang libro niya pero ang totoo ay siya itong pursigidong mag-aral! Sana all! Pa-bluetooth ng katalinuhan! Share it pa para mabilis! "Walang mangyayari sa iyo niyan ma chéri if you just keep staring at it. Try reading it and try to understand what it says." Ngayon ay nilingon na niya ako at binigyan ng chocolates and candies. Nag-pout pa ako bago ko siya tignan. Binigyan niya ako ng sweets pero hindi ko alam kung tatalab ba iyon sa utak kong tinatamad umintindi ng reviewers. "Try eating these while you're reading." Pinagbuksan niya pa ako ng pochi at sinubuan ako noon. Napangiti naman ako bago tumango-tango at magpapadyak ng ilang beses bago balingan ang mga reviewers na nasa harapan ko. Napapangisi na lang si Ryder sa akin habang sinusubuan ako ng mga candies and chocolates habang parehas kaming nagbabasa. I have to be honest here, nakatulong nga siya sa akin. "I hope lahat talaga no! Tignan mo naman itong si Porsch! Perfect siya sa dalawang quiz natin! Partida math pa yung isa!" Dabog ni Blair habang nagliligpit ng mga gamit. Lunch na kase kaya kailangan na naming umalis agad. Pagkatapos kasi ng lunch ay ang strict teacher na namin ang susunod. For sure maraming items nanaman ang ipapa-exam niya! Buti na lang inihanda ako ni Ryder sa gerang ito. Nang makarating na kami roon ay agad rin kaming pumwesto sa lamesa namin. Marami namang lumapit sa amin ni Ally at nag-alok kung gusto ba namin ng libre. Kung noon ay si Ally itong tanggap nang tanggap ng biyaya, ay siya itong walang pake sa mga lalakeng lumalapit at nag-aalok ng grasya. Magalang niya naman itong tinatanggihan at sinasabihan silang meroon naman siyang pera pang bili para sa kanyang sarili. Hindi namin makakasabay si Ryder ngayon dahil mataas daw ang items ng mga sasagutan nila ngayon. Mahalaga iyon dahil isa iyon sa major subjects nila. Well, baka lang naman daw. Susubukan niya raw sumunod sa amin. 'Yun ang sinabi niya sa huling mensahe na sinend niya sa akin. Habang pumipila si Blair at Ally para sa order namin nila Mariz ay bigla na lang may dumating na babae sa cafeteria. Si Abegail ito. Pulang pula ang mukha nito dahil sa inis at galit. Kumunot ang noo ko nang lapitan niya ang isang babaeng kulot ang buhok. Nakabilang ito sa isang grupo ng mga babae. Agad namang hinila ni Abegail ang I.D. lace ng babaeng iyon pataas. Napatayo agad ang babae at napaingit sa sakit dahil sa biglaang galaw na ginawa ni Abegail. Matangkad si Abegail pero ang babaeng isa naman ay pumantay sa kanya dahil sa itim niyang school shoes. Mero'n kasi itong takong na grabe ang taas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang isang babae. Si Winona iyon! Bakit niya naman sasaktan na lang nang biglaan si Winona? May nagawa ba itong hindi tama? Pagkakakilala ko rito ay mabait naman siya bilang kaibigan. Pa'no ba 'yan Porsch? Hindi naman sila magkaibigan para magtratuhan ng mabait sa isa't isa. "Ang kapal rin ng mukha mo, no? Didn't you know that Ryder belongs to me?" inis pang sinabunutan ni Abegail si Winona kaya namataan ko rin agad ang pag kislap ng mata nito dahil sa sakit. Naluluha na siya kaagad. Rinig ko rin ang pagdaing ng mga nasa paligid. Dahil hindi naman kase basta-basta ang pagkakahawak ni Abegail kay Winona. Ilang sandali pa ay dumating na si Blair at Ally. Nakakunot ang mga noo nito habang ang mga mata ay nakatingin rin sa gawing tinitignan ko. Malakas rin naman kase makapukaw ng attensyon sila Winona. Bukod sa nakatayo siya ay nasa gitna rin sila ng Cafeteria. "Kung makapagsabi ng 'Ryder belongs to me' e ang dami niya ngang lalaki dito sa campus," bulong pa ni Shena habang uminom na sa juice na binili nila Blair. "As if naman na tatagal sa kanya si Ryder." Bulong pa ni Mariz kaya lalo akong na pakunot habang pinapanood ang dalawang babae na naka tayo sa gitna. Patuloy lang sa pag uusisa ang ibang naka aligid. Wala man lang balak tumulong dahil mas gusto pa nito panuorin kung ano ang mang yayari sa away ng dalawa. "What are you talking about? Ryder is never been-" Pumikit si Winona sa akmang sasampalin na siya ni Abegail. Buti na lang at may lalaking pumigil rito. Nanlaki ang mata ko dahil si Ryder ang naroon! Madilim ang mga mata nito na nakatingin kay Abegail. Agad namang nabitawan ni Abegail si Winona kaya agad ring tumakbo papunta kay Ryder ito habang umiiyak. Yumakap ito sa lalaki na niyakap rin siya pabalik gamit ang isang kamay. Sa nakikita ko ngayon ay parang nalalagutan na ako ng hininga. Hindi kaya ng mga mata ko ang nakikita. Masakit itong tignan. Naninikip ang dibdib ko at parang nawawalan ako ng hangin. "I'm not owned by anyone," nang sabihin niya iyon ay napatingin siya sa direksyon ko bago niya hatakin si Winona paalis ng cafeteria. Parang nawalan ako ng boses doon sa nangyari. Lalo na sa sinabi niya bago niya ako tinignan. Lalo lumakas ang bulungan sa paligid. Nakita kong nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Mariz. "Oo naman, bakit naman hindi ako magiging maayos?" tumawa akong hilaw para maibsan ang katotohanang hindi ko nagustuhan ang pangyayaring nakita kanina. Ang pinaka iniiwasan kong matignan ko sa mata ay si Ally. Masyado na niya akong kilala kaya masasabi niya agad na hindi ako maayos pag na lingon ko siya sa mata. Sa kasamaang palad ay napatingin ako sa kanya nang bigla niya akong tinawag ng malakas. Pareparehas kaming nagulat dahil sa paraan niyang pagtawag sa akin noon. Malakas na may diin. Kaya naman ay wala ng takas sa kanya ang tunay ko nararamdaman. Kanina pa namin pansin ang pag kawala niya sa mood. "Bilisan niyong kumain, para makabalik na tayo sa sarisarili nating classrooms. May mga exams pa tayo," malamig niyang sinabi bago simulang kainin ang pagkain na nasa harap. "Yes, captain," sagot ni Mariz at Shena bago kaming kumain roon. Pumwesto na kami sa sarisarili naming upuan. Naka-one seat apart na ang mga pwesto nito. Nakita naming naroon na rin ang teacher namin para masimulan na ang quiz. "'Wag mong masyadong isipin yung kanina. Mas pagtuunan mo ang mga nangyayari ngayon," bulong ni Ally sa akin bago kami umayos sa mga pwesto namin. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi nito. Hindi ko hahayaang maapektuhan ng nararamdaman ko ang grades ko. Napabuntong hininga ako at umayos na ng upo bago abutin ang mga papel kung saan nakapaloob ang mga tanong para sa gaganaping exam. Hirap na hirap ako sa pagsagot, pero ginagawa ko pa rin naman ang lahat ng makakaya ko. Pero sa kasamaang palad ay habang nagsasagot ako ay napatingin ako sa bintana. Doon ko nakita si Ryder na naglalakad ng nakabulsa ang dalawang kamay. Nakasunod sa kanya ang nakangiting si Winona. Tinignan ko ang expression ni Ryder pero madilim lang ang ekspresyon nito. "Kung saan-saan ka tumitingin, Miss Ricalde. You should pay more attention to your paper!" sigaw ng teacher namin kaya naman napakurap ako ng ilang beses bago ako mapaharap sa sarili kong papel. "Yes miss." Sabay-sabay na kaming naglalakad papuntang parking lot. Sinabihan na rin ako ni Ally na sumabay sa kanya umuwi, kaya pumayag na rin ako. Alam ko rin namang pipilitin niya akong sumabay sa kanya kaya naman ay pumayag na ako para hindi na mapahaba ang usapan naming dalawa. "Hindi na ako makapag hintay sa gaganaping concert! Lakas rin nila Reed, no? May pa-concert sa halloween!" Excited pang tumatalon-talon si Mariz habang nauna sa amin papunta sa pupuntahan naming lugar. "Ano ka ba! Matagal pa iyon kaya pakalmahin mo muna pantog mo!" sabi naman ni Blair habang umiirap pa. Naglalakad ito habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa likod ng ulo nito. Sa aming apat ay siya lang itong may kakaibang hair style. Naka-boy cut ito samantalang kaming natira ay halos mahahaba na ang mga buhok. Totoo namang matagal pa iyon. Matagal pa nga ba gayong next week na ito? Sa mga mangyayaring bakasyon ay marami ng mga nakaplano. Ultimo ang mga gagawin namin sa gaganaping retreat pagkatapos ng christmas vacation. Inirapan lang ni Mariz si Blair kaya nagpatuloy lang itong naglululundag hanggang makarating sa sasakyan nito. Mukhang kanina pa rin nag-aantay ang driver niya. Sa kanya sasabay si Shena dahil busy raw ang mga tao sa bahay nila. Samantalang si Blair naman ay ihinahanda na ang sarili bago sumakay sa malaking motor niyang itim. Nagsuot muna ng itim na leather jacket si Blair bago sumakay at maglagay ng helmet. Bumusina pa ito sa aming dalawa ni Ally bago astig na humarurot pa alis. Ilang minuto pa kaming nagantay roon ni Ally dahil wala pa ang driver nito. Pero maya-maya lang ay nakarinig kami ng yapak na nang gagaling sa likod. Napamura si Ally habang nakadungaw ito sa phone niya. "Sorry, Porsch," hingi niyang patawad sa akin kaya na pakunot ako. Tinignan ko ang mensahe na naroon kaya napahawak na lang ako sa sentido ko dahil parehas kaming mawawalan ng sundo. From: Daddy Ally baby, sabay ka muna kay Celestine. Hindi ba ay hinahatid iyon ni Ryder pauwi? Nasabihan ko naman na si Ryder na sasabay ka sa kanila. So, no worries. Iyon ang nakalagay sa mensahe na pinadala ng tatay niya sa kanya. Wala kaming nagawa nang huminto sa harapan namin si Ryder. "Lets go home?" ngisi sa amin ni Ryder na tila bang walang nangyari kanina sa cafeteria. Sabagay, why are you making this a big f*****g deal, Porsch? Niwala lang nga iyon sa kanya! Tahimik lang kaming sumunod kay Ryder sa sasakyan. But this time, si Reed ang nasa front seat. Gulat akong makita siya na naroon. Sasabay siya sa amin ngayon? Pareparehas na kaming nasa harapan ng pinto ng front seat. Bukas ito at pareparehas rin kaming naka dungaw kung sino man ang taong nasa loob at naka upo roon sa front seat. "Dude, I told you. Kung sasabay ka ay dapat doon ka sa likod. That's Celestine's seat, mind you." Inis na sabi ni Ryder sa kapatid niya bago niya suntukin ng mahina ang balikat nito. Mukhang goods sila ah? May mga nangyari ba nitong mga nakaraang buwan? "Bro, hindi ka ba naaawa sa 'kin? Nasiraan ako ng sasakyan! May baliw na babae ang sumira ng sasakyan ko kaya ako nakikisabay sayo ngayon," tawa pa ni Reed kaya naman napakunot kaming dalawa ni Ally sa sinabi ni Reed. Umakto pa itong nasasaktan. Nakahawak ito sa dibdib niya at yumuko habang nagkukunwaring nasasaktan dahil sa pagtrato sa kanya ng kanyang sariling kapatid. Ha? Babae? May babaeng nilalapitan si Reed? At mukhang hindi ito basta-basta! Mukha pang pinopormahan niya ito! Pero, sa usapan nilang ito ay hindi manlang ako nakaramdam ng kahit ano. Ipinagtaka ko iyon kaya naman nanahimik ako habang ang noo ay nakakunot. "Nice sa pagpili bro. 'Di ako magtataka kung magustuhan mo na 'yan," asar pa nito sa mas nakakatandang kapatid. "What? Hindi ko siya magugustuhan. You know that I like someone else," tawa pa niya na mas lalo lang nagpataas ng kuriyosidad namin ni Ally. Tinignan rin ako ni Reed nang sabihin niya ang huling linyang ito. Si Ally naman ay bigla na lang akong siniko nang mapansin niya ang pagtingin nito sa akin. Tinignan ko siya ng masama dahil sa inakto niyang iyon. Baka makahalata! "Oo na! Hindi mo na siya gusto. Kaya pwede ba umalis ka na dyan!" Hatak niya pa kay Reed para mapalabas ito. Inis niyang hinatak ang kapatid dahilan nang biglaang paglabas nito sa sasakyan. Tumawa lang si Reed habang hinahayaan ang kapatid na hatakin siya palabas ng sasakyan. Inilahad ni Reed ang upuan sa harap kaya naman napakunot si Ryder sa ginawa ng kanyang kuya. "What? I should treat her like a princess. You know? She's my little sis," tawa pa niya bago ako tapikin sa ulo at ilahad rin kay Ally ang likurang upuan. Yeah, little sis. Nagtalo pa ang dalawang magkapatid bago pumasok ng sasakyan. Sa pagkakataong ito, si Ryder ang talo sa asaran nila. Iba ang ngiti ni Reed sa likod habang nakikipag-usap kay Ally buong byahe. Nagising ako nang marininig ko ang pagbukas ng gate. Agad naman akong umayos ng upo at tumingin sa labas. Nakita ko na ang malaking gate namin. Mero'n itong kulay ginto at dirty white. Kinusot ko pa ang mata ko bago bumaba ng hindi man lang nililingon si Ryder. Panigurado kasing si Reed ang naririnig kong humihilik sa likod. Bukod sa siya lang ang taong naroon ay siya lang ang pwedeng matulog sa kanilang dalawang magkapatid dahil si Ryder ay nag da-drive. Nakadiretso ako sa loob ng kwarto ko ng hindi man lang ako tinatawag o sinusundan ni Ryder. Kaya naman ang ginawa ko ay silipin sila sa bintana. Doon ko siya nakita na nakatayo at nakatingin sa malayo. Parang may pinagmamasdan siya sa labas ng gate namin. Sinundan ko naman ng tingin kung saan naka tutok ang mga mata nito. Doon ko nakita ang isang itim na sasakyan rin. This car looks familiar. Nakita ko rin roon ang paglapit sana ni Ryder sa sasakyan na nasa labas ng bahay namin pero bigla itong umalis bago pa man siya makalapit rito. Naputol lang ang pagtingin ko roon ng may kumatok sa sarili kong kwarto. Nilingon ko iyon at inantay na magbukas iyon para makita ko kung sino ang nasa kabilang parte nito. "Mam? Maghahanda na ho ba ako ng dinner niyo?" Pasok ng isa sa mga bata naming katulong. Naka-uniform ito tulad ng gusto nila dad na suotin ng mga maid dito sa bahay. I told them na, there's no need for that pag ako lang naman ang kasama nila sa bahay. But, they insist na mag-uniform pa rin. They might get used to it daw kaya mas ginusto nilang panatilihin ang formality sa bahay. "Uh, yes after kong tawagan sila mom." Baling ko sa bintana ulit para makita kung naka-alis na ba sila Ryder. I'm hoping that they don't pero napangiwi ako nang makita na maski ang sasakyan nila ay wala na roon sa pinag hintuan nila kanina. Its really fine with him then? Na hindi ko man lang siya pansinin? Why would he care Porsch, if he doesn't even care about you since day one? You used to be enemies. "Sige ho. Sasabihin ko na po kay manang Gretha." Aakma na siyang lalabas ng kwarto ko. Hawak na niya ang door knob ng pinto ko nang tawagin at pigilin ko siya. "W-wait," sabi ko habang inaayos ang sarili dahil sa mga naisip kanina. "Bakit po mam?" Napaharap sa akin ang inosente kong katulong kaya naman napabalik siya sa kanina nitong pwesto. Nakatayo ito habang ang dalawang kamay ay magkahawak sa likod. "Have you guys notice the car out side?" Turo ko pa sa bintana gamit ang hinlalaki ko. Nakatalikod kasi ako sa bintana kaya sa ganoong paraan ko siya tinuro. Malabong hindi nila mapansin ang mga kotseng nagpaparada sa labas ng bahay namin. We have guards na nasa gate lang kaya malabong hindi nila alam ang tungkol sa sasakyang tinutukoy ko. "Ah yung itim ho ba mam?" Pumalakpak pa ito ng isang beses bago ako ituro. Kumunot ako kaya naman napakamot siya sa kanyang ulo at umayos ng tayo. Umiling pa ako bago ko ipatong ang siko sa kamay kong nakadikit sa gawing dibdib. Hinilot ko ang sarili kong sentido gamit ang kanang kamay. "Yes. The one that is parked near our gate kanina." "Ay oo nga ho mam! Kanina pa nga ho nag-aantay iyon sa labas eh, dalawang oras po ata." "Gano'n ba? Sige, salamat." Agad rin naman siyang umalis sa loob ng kwarto ko para maiwan na ako roon mag-isa. Kanina pa iyon naroon? At dalawang oras pa iyon naka-park doon. Ni hindi man lang umalis sa loob ng dalawang oras? Sino naman kaya ang magpa-park ng dalawang oras sa labas ng bahay namin? May intensyon kaya iyon sa amin? Is it good though? "Yes mom umuwi na lang kayo ngayon after ng halloween," sabi ko pa habang kumukuha ng mga damit para makapag bihis na ako ng pang bahay. "Sure ka ba hija na wala kang papabili sa akin? We're in Tokyo right now at sayang naman kung wala kang ipapabili." Tinawagan ko sila mom gamit ang phone ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang pagpunta rito ni tita Amanda nung nakaraan. After that, they'll call tita Amanda naman daw. Still, nagtataka ako kung bakit si dad ang hanap niya. Even si mommy talaga ang best friend nito. Maybe they have something to talk to? Yup! Probably. "I have nothing to ask for. Umuwi lang kayo ni dad at masaya na ako. Ilang buwan na kayong wala dito sa pamamahay natin." Lapag ko sa nga damit na napili ko. Inilagay ko iyon sa kama ko para pagkatapos kong tumawag kay mom ay agad rin akong makakapagbihis. "Dear, tinapos lang talaga namin lahat ng gawain and you know that. I mean, inayos ng dad mo. You know that I'm just here to support him. Gano'n ko kamahal ang dad mo," tawa pa ni mom sa kabilang linya. She told me na nasa labas daw silang dalawa ni dad ngayon. He'll treat her on a date dahil laging trabaho na lang daw ang inaatupag ni dad since day one na umalis sila ni dad sa bahay namin. Like he always says. "I won't be a man if I'll always treat your mother that way. I have to make something for her para makabawi man lang. Para lalo rin siyang mahulog sa akin." And dad never failed me. He always likes to surprise my mom. And mom always like to take care and support him in everything. That makes him fall for her even more. Ganon rin si mom sa kanya. "Yeah-yeah," irap ko sa cheesy line ni mommy. Good thing I'm not like her. Iniisip ko pa lang na sasabihin ko iyon ay nasusuka na ako. Damn I like someone but I don't love him like mom love my dad. "Okay, we'll be there as soon as possible. We miss our only daughter," rinig ko ang lungkot sa boses ng sarili kong ina. Kaya naman pati ako ay nalungkot na rin dahil sa sinabing iyon ni mommy. Simula nang umalis sila ay lagi ko na lang sila nami-miss. Hindi na rin ako nakakapagsimba kasama sila! That's supposed to be a family day but they're not here with me. That's fine naman. Naiintindihan ko na para sa amin rin ang ginagawa nila ni dad. "Yeah, I miss you too." Nagbihis na ako ng racerback top at dolphin shorts. Sinuklayan ko rin ang buhok ko gamit ang sarili kong kamay. Tinignan ko ang phone ko. Inaasahan na kahit mensahe galing sa kanya ay meron doon. Pero bigo akong inilagay iyon sa ilalim ng lamp ko. Wala man lang kahit isa! Nakakunot akong bumaba para makapunta na ng dinning table. Baka naman kasi si Winona na yung tinetext at tinatawagan niya? Hindi malabo Celestine, umuwi nga ng hindi ka man lang kinakausap! E ano ba ang malay niya kung galit ka sa kanya o hindi? Ni hindi niya nga pansin ang pag-iwas mo sa kanya. "Argh! f**k you!" inis kong sigaw ng makababa na ako sa hagdanan. "f**k me huh? That's fun." Lalong kumunot ang noo ko dahil nakita ko siyang prenteng naka-upo sa isa sa mga upuan doon sa dinning area. Nakangisi ito sa akin. Akala ko ba ay nasa babae niya ito? Damn Celestine ikaw lang naman nag-iisip ng ganoon. Umirap ako bago kumuha ng baso at salinan iyon ng tubig para maka-inom ako. Baka sakaling mabawasan ang inis kong nararamdaman para sa lalaking kaharap. What if buhusan ko na lang siya ng tubig? That's even more fun. "Why are you here?" tanong ko habang ako ay nakapamewang. Para naman makita niyang hindi ako natutuwa sa presensya niya. Who told him to go here anyway? I almost forgot that he has access because mom and dad let him go here anytime he wants. "I'm here to find out why you're avoiding me. Kanina ko pa iyon pansin, Porsch," Nakakwatro ang binti nito habang ang kaliwang kamay ay pinaglalaruan ang kanyang labi. Nakita ko rin ang kanan niyang kamay na nakalagay lang sa lamesa. His fingers are tapping the table. Tapos Porsch akala mo wala siyang pake? "Did I? If I am edi sana hindi kita kinakausap ngayon," iniwasan ko ang mga mga mata niya bago ako nalakad papunta sa tapat na upuan niya. Napataas ang kilay ko nang tapikin ng kanan niyang kamay ang upuan na nasa kanan niya. Sinasabing dapat doon ako maupo sa tabi niya. Bakit naman ako uupo diyan? At bakit naman hindi Celestine? Para mas lalo ka lang niyang pagbintangan na iniiwasan mo siya? No thanks. Bumuntong hininga muna ako bago ako maupo sa tabi niya. Pansin ko rin na naka-uniform pa ito. Baka naman hinatid lang ang kuya niya bago bumalik ulit rito. Stop talking to yourself Celestine! Keep it together! Pati sarili mo ay kinakausap mo na dahil sa lalaking iyan? Nagtalo pa kami kung ano ang ginagawa niya dito sa bahay. Ang tangi niya lang sinasabi ay para malaman kung bakit ko siya iniiwasan. Pero kinokontra ko ang sinasabi niyang iyon. Idinidiin ko sa kanya na hindi ko naman talaga siya iniiwasan. What for? Hindi ba talaga? Natapos ang dinner na iyon na nag-aasaran pa kami. Hinatid niya pa ako sa taas para makita niya daw kung mag papahinga na ba ako o hindi. Sa kasamaang palad ay magre-review pa ako para sa huling araw na may exam kami. Kaya naman ay hinalikan niya muna ako sa noo bago ako yakapin. Why am I letting him do this to me anyway? Nagpaalam na siya sa akin kaya naman lumabas na siya ng kwarto ko. Sinilip ko naman siya sa bintana ng kwarto ko para makita ko ang pag-start at pag-alis ng sasakyan niya. Ibinaba niya pa ang bintana ng sasakyan niya bago dumungaw do'n at kawayan ako. Gano'n rin naman ang ginawa ko. Bumalik na ako sa lamesa ko para makapag-review na at makatulog. Damn anong oras na at marami pa akong re-review-hin baka malate ako nito bukas. Nagulat pa ako nang pagbukas ko ng libro ay may nahulog na papel galing rito. Kumunot ang noo ko nang makitang tula ang naka paloob roon. Celestine. Someone so pristine, Someone so beguiling, Skin burning to the touch but you were heavenly, I was in a trance, everything about you felt so alluring, You were poison shaped from all divinity. Someone I’ve longed for, Someone I adored, am I a fool for wanting a taste of divine in you? I know heaven is selfish, things cannot be forced. This is my little secret, love, and this is only a few.  Sino naman ang may gawa nito? Wala ring nakalagay kung kanino galing. Kahit initials ng pangalan ng gumawa nito ay wala. Walang clue kung kanino galing. Ang kilala ko lang na gumagawa ng tula ay si... Reed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD