Overthink
"Muntikan ka ng malate ah? Ano nanaman ba pinagkaabalahan mo at nalate ka ng ganito?" Umayos si Ally sa upuan niya habang ako naman ay paupo pa lang.
Buti na lang wala pa ang prof namin kung hindi ay malalagot na talaga ako. Bakit pa kase ako tumunganga ng pagkatagal roon sa kwarto ko. E, kasi naman iniisip ko kung ano ginawa ng lalaking yon sa kwarto ko. Alam kong may kalokohan siyang ginawa.
Imposibleng pumunta siya ng kwarto ko ng wala manlang ginawa.
"P.E. naman tayo ngayon kaya imposibleng malate ka dahil sa pag gayak," naglabas ng compact powder si Ally at nag simula ng lagyan ang sarili.
Nakaugalian na kasi ni Ally na sa room na lang siya mag makeup para less hassle, para hindi siya ma-late. Although maganda na siya ng wala ang mga koloreteng iyon, nakakadagdag daw kase ng confidence. Well, sa 'kin rin naman.
"Napuyat lang," maikling sinabi ko para hindi na pahabain ang sasabihin.
Ayokong maisip niya na si Ryder nanaman ang problema ko dahil may kalokohan siyang ginawa kagabi na hindi ko masabi kung ano iyon.
Nilapag ko ng dahandahan ang bag ko sa lamesa, dahil pakiramdam ko ay bumigat iyon, o sadyang pagod ako dahil sa nangyari kagabi at dahil narin sa puyat.
"Ano naman yung pinag-" putol na sabi ni Ally dahil meroong munting kahol ang nag mistulang tumunog sa loob ng kwadradong silid na iyon.
"Wait, narinig mo ba yung narinig ko?" nagkatinginan kami ni Ally pagkasabi niyang iyon.
Pati ang iba naming kaklase na abala kanina ay napatingin na rin kung saan-saan.
Sabay naming tinignan ang bag ko para makumpirma ang iniisip namin na kung doon ba galing ang munting tahol na iyon.
Laking gulat ko na may tuta sa bag ko! Kulay abo at puti iyon na may makapal na balahibo!
Dang it! Kanino 'to?! Sino namang gago ang nakaisip na lagyan ako ng ganitong klase biro sa-
"RYDER!" sigaw ko nang mapagtantong siya lang ang pwedeng mag lagay noon.
Kaya ba may paper bag siyang dala kagabi?! Tinignan ko ulit ang tuta at napansing pomearanian teacup iyon.
What the heck! Gagong lalaking 'yon! Balak niya ba akong mapahamak?! Pilay ata ang utak at nilagyan ako ng hayop sa school bag ko!
"Celestine! Bakit ka naman may dalang tuta? Alam mo namang bawal tayo mag dala ng mga pets dito sa school hindi ba?" bulong ni Ally sakin na may diin.
Alam ko 'yon! Sadyang pinagtritripan lang ako ni Ryder ngayon! Damn him! Akala niya ba nakakatuwa 'tong pinaggagawa niya?! Maski ang munting tuta na walang muang ay dinamay niya sa mga kalokohan niya!
"Alam ko, Ally! Ano gagawin ko?! Si Ryder nag lagay nito sa bag ko!" bulong ko pabalik kay Ally habang tinuturo pa ang bag ko. Mahahalata mo rin ang pagkainis at galit ko roon sa tonong ginamit.
Malabong hindi niya sinasadya iyon dahil alam niyang bawal mag dala ng alaga dito! He's an SG officer for Pete's sake! Lalo na at Vice President siya!
Tumingin si Ally sa paligid, wala pang gaanong studyante, may sampung minuto pa kami para mag simula ang klase.
Buti na lang at ang tatlong babae lang malapit sa amin ang nakarinig niyon.
Ano gagawin namin dito?
"Pano namang si Ryder nag lagay niyan, Porsch?" nakakunot na ang noo niya sa 'kin ngayon.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e, kahit ano pa lang gawin ko ay mabubulatlat ang nangyari kagabi. Pero pipilitin ko paring wag na munang ipagsabi. Baka pagalitan pa ako nito dahil hindi ko sinipot ang kurimaw na 'yon kagabi sa labas ng bahay namin.
"Mahabang storya, tulungan mo muna ako dito sa tuta na 'to," turo ko sa tuta na nakahigang prente sa bag ko. Nakalawit pa ang dila nito, hindi gumagawa ng ingay na tila bang alam niyang hindi siya dapat magingay.
"Sige, pero mag kukwento ka," bulong niya sabay tayo, ako naman ay sinara ulit ang bag at binitbit iyon at sumabay na kay Ally sa pag labas sa room.
Kasalanan mo 'to Ryder! Ano pumasok sa isip mo para i-prank ako ng ganito?!
Nasa hallway na kami malapit sa mga lockers namin ng huminto si Ally sa paglalakad.
"Hindi natin pwedeng ilabas at iuwi yan, nasa loob na tayo ng campus. Ang tanging oras na makakalabas tayo ay ang uwian. Unless may permiso tayo sa nakakaitaas na pwede tayong lumabas," tumingin siya sa paligid nang matapos sabihin iyon, ako rin. Unti-unti ng nawawala ang mga studyante sa paligid. Magsisimula na kase ang first period.
"Why don't we leave the puppy here for a moment, ngayong first subject lang. Then we'll figure something out to solve this problem after it, okay?" sinimulan ng buksan ni Ally ang locker ko. Alam namin ang code locker ng isa't isa kaya hindi na siya nag tanong pa para rito.
Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan kung merong tao. Nang makitang wala ay agad-agad kong kinuha ang tuta sa bag at dahan dahang inilagay iyon sa loob ng locker ko.
"Dyan ka muna, wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan sa loob ng locker ko," napansin kong may dogtag ito sa leeg at may nakalagay na pangalan roon, "Ashy," kaya siguro Ashy ang pangalan nito ay para masabing babae ang tuta na iyon.
Nako Ryder, ipagdasal mong hindi kita makikita ngayong araw dito sa campus, baka gerahin na lang kita bigla pag nakita kita.
Pumasok na kami ulit sa classroom. Saktong tumunog naman ang bell ng school at nag siayos na kami sa sarisarili naming upuan nang sumunod na pumasok sa amin ay ang prof namin sa oras na iyon.
Sa bawat minutong pumapatak at lumilipas ay wala akong ibang ginawa kung 'di tumingin sa labas at isipin ang tutang nasa loob ng locker ko. Nasa'n kaya yung Ryder na 'yon? Para masugod ko na siya dahil sa kalokohan niyang ginawa.
Mukhang meron pang may-ari yung tuta na nilagay niya sa bag ko.
Damn, bakit hindi ko man lang kase napansin iyon kanina noong nasa kwarto pa ako?
Nang biglang nag bell ay nag sitayuan kaming lahat, vacant kase ng section namin ngayon kaya we are free to go anywhere here in campus, wag lang kaming tatambay sa corridors sa tapat ng mga classroom kung saan may klase ang ibang section.
Agad ko namang kinilabit si Ally at sinenyasan siya na sumunod sa akin. Tumango naman ito at sumunod.
Habang palabas ay sakto namang nakasalubong namin si sir Torres, ang advisor namin.
"Good morning Celestine, wala ba kayong klase?" tinignan ni sir ang mga kaklase naming nag kalat at nag unahang pumunta ng library o di kaya ay sa canteen.
"Opo sir Jethro, vacant po namin before mag break."
"Ganoon ba? Pasabi na lang sa mga kaklase siyo na may meeting tayo buong section sa oras ng klase ko."
"Sige po, sir," tumango naman siya at tumalikod na sa amin ng bigla naman siyang tinawag ulit ni Ally.
Bakit kaya naisipan nitong tawagin si sir?
"Sir! Can I talk to you for a moment?" hinabol ni Ally si sir Jethro dahil sa ginawang paglakad nito kanina.
Wow and arte.
"Sir can you do us a favor?" pinaka-close ng lahat ng studyante dito sa school si sir Torres dahil sa murang edad nito sa pagiging teacher. Kaya naman ganoon na lang kakapal ang mukha ng kaibigan ko para humingi ng pabor rito.
"Sure, ano 'yon?" nakangiti pa rin si sir sa amin bago niya kami tignan dalawa. Nagkatinginan rin kami ni Ally bago humarap sa kanya.
Ano binabalak nitong babae na 'to?
"Sir, pwede niyo muna po bang alagaan yung puppy ni Celestine?"
Kinabahan ako sa sinabi ni Ally na iyon, baka may makarinig sa amin. Nang napansin ko namang wala ay nakahinga rin ako ng maluwag. Pero hindi ganoong kaluwag para hindi ko na intindihin pa ang tuta na nasa locker ko.
"Puppy? Alam niyong bawal mag dala ng pets dito ang mga studyante, bakit nag dala pa kayo?"
Nakakunot ang noo ni sir, pero unti-unti ring umunat iyon ng naikwento at naipaliwanag na ni Ally ang nangyari kung bakit merong tuta sa locker ko.
"Totoo ba iyon miss Ricalde?" tumango ako rito at ngumiti ng konti. Nahihiya kase ako dahil sa favor na hinihingi namin ngayon.
"Osige ako muna mag aalaga ng tuta mo, tutal wala naman akong gaanong gagawin ngayong araw bukod sa babantayan ko kayo mamaya para sa Gen. Math niyo," napahawak ako sa braso ni sir dahil sa todo pasasalamat rito. Ilang ulit ko rin binanggit sa kanya ang salitang 'Thank you sir'
Dahil mapapanatag ako kahit papaano. Mga teachers and school staffs lang ang pwedeng magdala ng pets roon. Saaming studyante lang bawal para makapag focus raw kami sa school activities.
Meroon rin namang aso ang school. Stress reliever dogs sila. Dalawang golden retriever iyon. Si Salt and Pepper, kulay puti at itim kasi sila kaya iyon ang pangalan ng mga iyon. Para na rin daw madaling tandaan. Kaso nakakapag room to room lang ang mga iyon tuwing thursday at friday.
Naglakad kaming tatlo patungo sa locker ko, pag bukas ko ay laking gulat ko kung ano na itsura ng loob ng locker ko.
"Ashy!" naka dapa ang tutang iyon, mukhang natutulog.
Tinignan ko ang kabuuan ng locker ko, meron roong pira-pirasong papel, mukhang galing sa pag kakangatngat ni Ashy.
Tinignan ko ang libro ko sa Gen. Math, may puro ngat-ngat ito sa gilid, halos mangalahati na dahil sa ngat-ngat nito.
Inangat ko ang tuta, tinignan lang ako niyon habang naka tagilid ang ulo at naka lawit ang dila sa gilid. Tilang wala siyang ginawa para mas lalo lang akong mainis. Humugot ako ng hiniga bago pakawalan rin iyon.
Ngayon palang? I would say f**k you Ryder, f**k you!
"Sir, kayo po muna bahala dyan kay Ashy," inabot ko kay sir ang tuta. Tuwang tuwa naman si sir dahil nilapag niya iyon at nilaro. Wala namang ginawa ang tuta kung hindi ay mag iikot at mag iikot sa paanan namin.
"Hindi mo naman sinabing pomeranian teacup pala ang papabantayan niyo sakin, madali lang itong bitbitin at itago dahil sa liit nito, halos kasing laki lang ng kamao ko oh?" Nilagay ni sir ang tuta sa palad nito at itinapat roon ang naka kuyom niyang kamao.
Yeah, she really is indeed small.
Ngumiti ako at tumango kay sir. Ngumiti si sir sa amin at nag paalam nang pupunta na muna siya sa faculty at may gagawin siya muna doon.
Tumahol pa ang tuta sa amin ni Ally bago lumiko si sir sa hallway.
"Kung ako sayo Celestine? I rather keep that puppy. Ang cute niya at ang bait pa."
"Oo nga pwera na lang sa pag sira niya sa libro ko," pakita ko naman sa sirang libro sa kanya.
"Okay lang yan, libro lang yan eh, makakabili ka pa sa office niyan," sa bagay, I have a lot of money to buy a new one.
Hindi ko alam kung bigay ba sakin ng mokong na yon sa 'kin yung tuta, or nilagay niya 'yon para maghirap ako ngayong araw?
Umiling na lang ako at hinatak na si Ally pa alis sa harap ng locker namin.
Kinaladkad ko siya sa third floor ng building three kung saan puro bakanteng kwarto na lang ang naroon. Tahimik dito at mahangin kaya dito tambayan namin ni Ally. Dito ko na rin naikwento sa kanya kung paano ako nagkaroon ng tuta sa bag. Hindi man lang niya ako kinampihan sa pagkat ay tinawanan niya pa ako.
Thinking why I didn't check my bag.
Kumuha ako ng upuan sa loob ng bakanteng kwarto at ipinuwesto iyon sa corridor. Kita rito ang kabuuan field sa baba, meroong mga puno doon kung saan doon naman nakatambay ang iba naming mga kaklase, tanaw ko rin ang clinic kung saan may pinopormahan nanaman ang isang kaklase roon. Palagay ko yung nurse na bago yung pinopormahan niya. Bata rin kasi e.
Pumwesto naman si Ally sa tabi ko at nag bukas ng chips. Well, tuwing break ay dito na talaga kami, madalang kaming pumunta ng canteen dahil paniguradong dudumugin lang ng mga babae at lalaki ang canteen pag naroon si Ryder at Reed.
Dahil pag lalake ang dumumog sa canteen ay paniguradong si Ally ang dahilan.
"Anong ako? Ikaw kaya! " ani Ally.
Nasabi ko pa lang ang iniisip ko. Damn I should be careful next time.
Teka, bakit ako sinisisi niya e totoo namang dumadami lang yung mga lalaki na naroon para masilayan siya.
"Duh Ally! Sino ba sa 'tin ang nakakailang libreng lunch pag sa canteen tayo kumakain?" taas ko ng kilay sa kanya.
"Ako, pero kaya lang naman mas marami yung libre sa akin dahil lagi mong tinatanggihan ang grasya pag ikaw na ang inaalok!"
Kahit kelan talaga itong babaeng 'to. Kuripot talaga.
'Di lang kuripot. Matakaw pa. Baka nga patay gutom ang tamang term eh.
Naubos niya na ang chips niyang kakabukas niya lang ng may itinuro siya sa baba.
"Si Reed 'yon diba?" tinuro niya ang lalaking nasa gitna ng field habang naka payong.
"Kasama niya si Keycee, yung muse nila sa section one," mag kaklase kase yung mag kapatid, ako nasa section two habang silang dalawa ay nasa section one.
Dapat sa section one ako, pero nirequest ko na kung pwede ay sa section two na lang ako kasama si Ally. Pinayagan naman nila ako sa gusto ko. Ayoko kasing makasama sa klase isa sa kanila.
Nainis naman ako sa nakita kong iyon, hindi ako nasaktan ngunit tanging inis lang talaga ang nararamdaman ko ngayong oras na ito.
I look at the girl and noticed na she's really is beautiful. Hindi lang basta-basta.
Tinignan ko kung paano mag tawanan silang dalawa. Pinunasan pa nga ni Keycee si Reed sa noo gamit ang panyo nito. Mainit kase at halos sa bilad sila dumadaan.
"Hayaan mo sila mukhang may inutos sa kanilang dalawa oh," turo ko sa dalawa dahil parehas silang may dala dalang mga papel pero mas marami nga lang ang kay Reed. Kaya naman si Keycee ang may hawak ng payong.
"Mas maganda ka naman dyan eh, hayaan mo na yan," sakto namang nag bell na kaya unti-unti ng nagsilabasan ang mga studyante sa kanya kanyang mga kwarto. Dahilan kung bakit unti-unti naring nawala sa paningin ko sila Reed at Keycee.
Nasa girls' restroom kaming mga babaeng mag kakaklase dahil nag palit kami ng damit para sa gagawing volleyball. Susuotin kase namin ulit yung P.E. uniform namin pagkatapos nito. Ayaw naman naming mag lagkit kaya pinayagan kami nila sir na mag suot ng appropriate attire para sa volleyball.
Nakaitim na gym shorts ako at itim rin na racer back. Habang si Ally naman ay naka Jersey ang pang itaas at gym shorts rin sa pang ibaba. We're both varsity players of our school. Both have knowledge when it comes to play, pero mas lamang lang siya sakin ng konti dahil mas magaling siya sa aking umatake sa court. Magaling lang ako sa pag depensa sa likod, libero ako kung tawagin.
Nag pusod ako ng mataas na pony tail habang si Ally naman ay nag lagay lang ng headband nameroong check sa gitna nito.
Lumabas naman kami ng restroom at dumiretso sa court.
Napili ni sir na sa open field kami mag lalaro. Kaya maraming sigawan galing sa mga kalalakihan ang pumapalibot sa buong campus.
Bakit sila nasa labas? Wala ba silang klase?
Nagulat ako nang mapansing, hindi namin mga kaklase ang makakalaro namin nila Ally.
"Sabi ni Mrs. Esternon, ang principal natin, makipag tune-up muna ang volleyball girls natin sa volleyball girls ng Maximus Brent High. Kaya walang klase ang iba para lang panuorin kayo," sabi ng coach namin na teacher rin namin si P.E.
Nakita ko ang mga babaeng nasa kabilang court. Matatanggkad sila. Mukhang may maibubuga.
Tinapik ni Coach Vasquez yung balikat ni Ally at may sinabi rito.
"Alam niyo na ang gagawin, lalo ka na, Captain ka ng team niyo," tumango si Ally at ngumiti rito pabalik.
"Oo naman coach! Hindi ko hahayaang mapahiya ang ganda ko! Lalo na ang ganda ng taga depensa natin sa likod," sabay pa silang tumingin sa 'kin kaya nag tawanan kaming lahat. Isa-isa namang nag si datingan ang mga kateam namin sa volleyball. Yung mga kaklase naman namin ni Ally na hindi volleyball players pero nakapagpalit dahil akala mag pi-P.E. muna ay nakaupo sa bench kung saan nalililiman ng punong malaki roon.
"Ready na ako pag pawisan!" pag uunat pa ni Blair na kapalitan ni Ally.
"Cheer ko kayo habang nag papainit ako ng upuan dito," palakpak pa ni Mariz na utility namin.
"Gandahan niyo pag atake gagandahan ko pag set," ayos pa ni Shena sa salamin nito. Siya ang setter namin.
Nagdasal muna kami bago kami sabihan ni coach Vasquez. Pagkatapos noon ay pinapwesto na niya kami sa loob ng court.
Bago mag simula ay nahagip ng mata ko si Ryder, kasama si...
Keycee?
Pinaglalaruan niya ba ang dalawang Azucena? Bakit si Ryder naman ang kasama niya? Hindi kaya sila talaga pero sinamahan lang ni Keycee si Reed kanina? Kung sila ni Ryder at Keycee pano naman si Dominique?
Baka naman nag o-overthink lang ako. Dahil hindi naman ganoong klase ang dalawang iyon. Hindi sila yung tipong madaling mauto lalo na si Reed. And most probably si Ryder dahil gawain niya rin iyon kaya panigurado alam niya ang mga galawan ng mga katulad niya.