"KAMUSTA ang pagsasama niyo rito, hija?" tanong ng ina ni Bernard. Nasa veranda sila at nag-tsa-tsaa. Kalong nito nito si Thalia. "M-Mabuti naman po, m-ma'am..." "Ma'am? Mamma na, Joanna. Sanayin mo na ang sarili mo na tawagin akong mamma," nakangiting pagtatama nito sa kanya. Napangiti na rin siya. "Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin, mamma," senserong pasasaalamat niya rito. Nagpapasalamat siya dahil maganda ang pakikitungo nito sa kanya maging sa kanyang anak. Halatang hulog na hulog ang loob nito kay Althea kahit pa nga nalungadan ito ng anak niya kanina hindi niya ito nakakitaan ng pandidiri. Ginagap nito ang kanyang kamay. "Alam ko kung gaano ka kaimportante kay Bernard, hija. Nagawa nga niyang talikuran ang kompanya kahit pa..." hindi nito itinuloy ang sasabihin sa halip ay

