Bernard's POV "Tu devi tornare, Bernard. Dovresti essere l'erede dell'impero di tuo nonno e non il figlio bastardo di tuo padre di un'altra donna! Morirò, morirò, Bernard!" (You need to come back, Bernard. You should be the heir to your grandfather's empire and not your daddy's bastard son to another woman! I'm going to die, I'm going to die, Bernard!) Isang mabigat ba buntong-hininga ang pinakawalan niya dahil sa sinabi ng ina. Ibinalita nito sa kanya na ang pagkakaroon ng share ni Guiller sa kompanya ng lolo niya. Wala namang kaso iyon. Isang Moretti si Guiller dahil anak ito ng kanyang ama kahit sa ibang babae pa. Kaya nasisiguro niyang pantay ang pagtingin na iniuukol dito ng kanilang abuelo. Maayos na ang buhay niya rito sa Italy kasama ng kanyang mag-ina. Wala na siyang mahihi

