"WHAT are you doing?" tanong nioya kay Joanna na nakasalampak sa couch. May isang box na pizza na dadalwang piraso na lang ang laman. Juice na kalahating baso at hiniwang mga prutas. "Nagbuburda." Parang batang ipinakita nito sa kanya ang ginagawa nito. Inalis niya ang isang basket na puno ng iba't ibang kulay ng yarn. "Althea?" patanong na basa niya sa binuburdahan nito kalahati palang ang may burda pero visible ang pattern na isinulat gamit ang lapis. "Mmm... puwedeng yun ang ipangalan natin sa magiging anak natin?" tanong nito sa kanya na may halong pakiusap. Ngumiti siya at tumango. "Sure, it's beautiful name." Pinatakan niya ito ng halik sa noo. "But, how about if we a have boy?" Saglit na tila nag-isip ito pagkatapos ay muling ngumiti. Hinawi niya ang buhok nito at iniipit iyon

