NAKAPAG-ENROLL na siya pero hindi sa eskuwelahan na binanggit sa kanya ni Mering kundi sa eskuwelahan na si Bernard rin mismo ang namili. Nag-aaral siya sa Westwood. Eskwelahan ng mga mayayaman pero may mga scholar lang din na kinabibilangan ng mga middle class family at yung mga low class. Nakakalungkot na may ganoong pamantayan dito sa eskwelahan, low class ang mga tawag sa mga estudyante na galing sa mahihirap na pamilya at nakapasok lang sa Westwood dahil sa katalinuhang taglay. Hindi siya maituturing na low class o middle class dahil sa background ni Bernard. Alam ng mga professor sa Westwood na konektado siya kay Bernard Moretti. Iba tuloy ang trata ng mga ito sa kanya. May halong lambing at respeto. Dapat siyang matuwa pero naiinis siya. Napaka unfair kasi ng buhay. Kung
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


