Chapter Thirty-one -Jacinto- Tulad ng napag-usapan ay nangpanggap akong walang alam sa ginagawa ng babaeng ito. Sila Tita Arrianne at ang aking anak na si Julio ay walang alam sa mga nangyayari sa paligid, pero kung minsan ay nakikita ko kay Julio na parang ayaw nito lapitan ang kanyang ina na hindi ko maintindihan. Ayaw nilang ipaalam dito para hindi na rin sila madamay pa at maslalala lang ang sitwasyon kung maagang makakahalata ang impostor na may alam na kami sa tunay niyang pagkatao. Normal lang ang naging pagkilos ng lahat ng sa ganoon makagalaw pa rin kami sa likod ng pagpapanggap nito bilang asawa ko, sa tuwing titignan ako nito ay naiisipan ko na lang itong paslangin dahil ang mga ganitong klaseng tao ay walang pag-asang mabuhay pa. Subalit kailangan ko muna itong sakyan ng sa g

