Chapter Eight -Marta/Marisol Masakit man ang pag-alis ko sa mansion ng aking asawa ay mas pinili ko parin ang iwan ito sa kabila ng pagmamahal ko dito. Hindi ko alam kung paano nangyari at san nagsimula dahil hindi naman kami laging magkasama at nagkakausap subalit naramdaman parin ako ng pagmamahal para dito. Ngayon nasa airport na ako, dito ako hinatid ni Raymond siya ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan ko mula sa bahay na tutuluyan ko hanggang sa mga perang gagastusin ko, at lahat ng yun ay nasa pangalan ko bilang isang Marisol Gomez. Pinilit nitong palitan ko ang aking pangalan ng sa ganoon ay hindi daw ako madaling mahanap ni Jacinto dahil natitiyak daw nitong baka mapatay lang daw kaming dalawa oras na malaman nito siya ang ang tumulong sa akin Namuhay akong mag-isa sa bansang G

