Chapter Nineteen -Jacinto- Nasa library ako ngayon at kakatanggap ko lang ng tawag mula kay Daddy na magkakaroon daw kami ng dinner ngayon sa bahay mismo ng mga Alcantara, nagulat pa ako pero wala akong magagawa dahil kailangan kong maging pain para mahuli ang malalaking isda. Ayaw ko sanang pumayag pero buo na ang plano nila Daddy at Tito Art na pabagsakin ang mga Alcantara sa sarili nilang laro at kailangan ko rin itong gawin para na sa ikatatahimik ng aming pamilya. Hangga’t nabubuhay pa kasi ang mga Alcantara walang katahimik sa aming mga buhay at maaari pang madamay ang aking mag-ina. Alam ko naman kaya silang protektahan ng kanyang pamilya pero gusto ko pa rin na ako mismo ang proprotekta sa aking pamilya. At sisiguraduhin kong magbabayad sila ng malaki sa akin, lahat ng sangk

