Episode 6 Angel Naniwala na naman ako sa kaniya. Naniwala na naman ako sa mga words na binitiwan niya. Hindi naman masama kung maniwala ako 'di ba? Hindi naman masama kung susubukan ko uli 'di ba? Wala namang mawawala, masasaktan lang ako. "Good morning," Masayang bati ni Blake. Mukhang maganda ang gising dahil nadatnan ko rito sa kusina na nagluluto para sa almusal namin. "Marunong ka bang magluto?" tanong ko. Magluluto na sana ako kaya pumunta ako rito sa kusina. Kaso huli na pala dahil may nauna na sa 'kin. He nodded. "Yup. Basic lang naman 'to. Nagpiprito lang ako ng hotdog, egg at ham." he looked at me for a second then he smiled. "Hindi naman 'to ‘yung nilalagyan ng kung ano-anong ingredients." Pinagmasdan ko siyang nilalagay sa plato ang hotdog na luto na. Sunod na ginawa niya

