Jako "She's been smitten again by you, isn't she? Jace?" Nag ngalit ang mga bagang ko ng marinig ko iyon mula sa kanya. He was so comfortably standing infront of me. Nakapamulsa at may ngiting hindi ko maipaliwanag kung anong klase ba. Dr. Jairus Saavedra was indeed a dangerous man. Alam ko iyon, noon pa. Sinong hindi matatakot sa kaya niyang gawin basta para sa pamilya niya. I've learned so many things about him. Akala ko si daddy lang ang may mala-Superhero na kuwento pero mas grabe pa pala yung sakanya. "She's not smitten or swooned, Uncle. She's just in love." kibit-balikat ko na sabi. Pilit akong nag pakatatag at huwag manginig sa mga matatalim na titig na ibinabato niya sa akin. Inaamin ko. Natatakot ako. Natatakot ako lalo na kapag si Sam ang pinag

