Sam Nagising ako sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag mulat ako ng mata at paulit-ulit kong binalikan ang nangyari kagabi. Pakiramdam ko nangangamatis na naman ang mukha ko sa tindi ng pag kapula ko ng maalala kung ilang beses naming ginawa iyon ni Jako. Kinapa ko ang gilid ko at napag tantong wala siya sa tabi ko. Yung lundag ng puso ko dahil sa saya napalitan kaagad ng pagka dismaya. Tinangka kong bumangon para mapangiwi lang dahil sa tindi ng kirot ng ibabang parte ng katawan ko patunay lang na inangkin ako ng lubos ni Jako. Napapikit ako at saka inilapat ang likod ko sa headboard. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bawat paghalik niya sa akin, yung bawat pag dapo ng mainit niyang mga palad sa buo kong katawan. Kung paano niyang paulit-ulit na sinasabing m

