Warning: Rated SPG may contain scenes that are not suitable for minors, chareng.
CHAPTER 2
SHANE'S POV
Pag tapos ng pagmumuni muni ko sa labas ng mans'yon ay nagpasya na akong pumasok sa loob.
Nilalamig ako sa mga naiisip ko. Kinikilabutan ako sa mga kung ano anong bagay na pumapasok sa utak ko.
Ewan ko ba, wala naman na si Abby wala ng manggugulo.
Pero bakit ganito nalang yung nararamdaman ko?
Bakit parang ayokong tumuloy sa pagbalik sa kasalukuyang mundo kung saan talaga ako nababagay? Ano ba talaga itong nararamdaman ko?
"Hey baby.. you okay? Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo ako nililingon. Is there something wrong? If there is, come on tell me."
Tyaka lang ako nabalik sa realidad nang marinig kong magsalita si Jethro sa gilid ko.
Ang malambing n'yang boses ay nakakapagpakalma sa akin.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.
"Ayos lang ako.. may naisip lang pero ayos lang ako wag mo na 'kong intindihin." sabi ko sa kan'ya.
Nakita ko sa mukha hindi pa sya kumbinsido sa naging sagot ko kaya hinalikan ko nalang sya sa pisngi.
"I'm fine, okay?" pangungumbinsi ko pa. Narinig ko s'yang bumuntong hininga bago ako nginitian.
"Okay.. Doon na tayo sa room natin, you know hmm.." malambing na sabi n'ya. He's teasing me.
Hay.. ano bang gagawin ko sa asawa kong 'to? Napaka hilig masyado bwisit!
Hindi ko rin naman matanggihan. Napakalandi mo self.
Kinurot ko 'yung sarili ko sa may bandang braso dahil sa naiisip ko.
Hindi nyoko masisisi! Kung ganito ka-gwapo at ka-kisig na lalaki ang asawa n'yo at mag aaya sa inyo baka nagsasalita pa lang sya nahuhulog na mga panty nyo.
"Ayan ka nanaman ha, kaka ano lang natin kanina. May nakarinig pa satin.." humina ang boses ko sa huling mga salitang sinabi ko.
Naalala ko 'yung napagusapan na'min ni Courtney kanina. Pinamulahan ako ng mukha.
Bakit ba kasi ang ingay ko lagi pag nag aano kame? Argh! Kasi naman eh ang sarap kase!
Ang kalat mo shane!
"So what if someone will hear us making out? Gustong gusto nga ng tainga ko yung tunog na ginagawa mo kada uungol ka, makes me want to do it.. faster." binulong n'ya sa tainga ko 'yung huling sinabi n'ya.
Naramdaman ko ang lalong pamumula ng pisngi ko.
Fuck, bakit ba ang hot ng asawa ko? The way he said those words ugh! I can feel my wetness down there already.
"Napakapilyo mo!" sigaw ko sa kan'ya. Pinaghahampas ko s'ya sa braso. At ang mokong ay tawa lang ng tawa. Mas lalong namula ang mukha ko.
I knew that before he can't resist not having s*x kasi nanghihina sya, pinaliwanag n'ya sakin 'yun noon. But after we got married, nawala yung curse na yon sa kanya. He's not a demon anymore pero yung powers na nakuha nya noon, nasa kanya pa rin.
Wala na yung curse pero ganito pa din asawa ko, napakahilig pa din talaga!
"Ate Shane! Kuya Jeth! Kakain na daw po!" napalingon kami sa pinanggagalingan ng boses. Si Sebel pala.
"Pakisabi susunod na!" sigaw ko pabalik sa kan'ya sabay ngiti. Tumango nalang si Sebel at bumaba na ng hagdan.
"Let's feed you first, then I'll eat you after." sabi n'ya sabay kindat. Naramdaman kong pulang pula na yung pisngi ko. Damn you Jethro!
-
"So you're planning to go back there? I heard from Zeighmour a while ago." Napatingin ako sa mahal na reyna nang magsalita s'ya.
Hindi pa rin talaga ako sanay na may naririnig na ganitong boses ng harap harapan. Her voice is so soothing na para kang hinehele, ang sarap sa feeling.
I thing she's pertaining to Jethro kaya 'di na ako sumagot at kumain nalang.
"Yes ma'am.. I think we should face it all now, where it all started. Besides 5 years naman na ang nakalipas. That will help my wife to recover from the trauma she got." panimula n'ya. Napatingin ako sa kanya.
Napayuko ako.
Yeah, I hope I can recover. Naaalala ko pa rin crystal clear lahat ng nakita ko. I want to fully forget about those.
Nakuyom ko nalang yung mga palad ko sa hita ko.
Inangat ko ang paningin ko nang matapos matapos magsalita si Jethro. Nakita kong nasa akin ang atensyon n'ya kaya nginitian ko s'ya.
"Okay, If that's what you want then I won't stop you. Kayo lang bang mag asawa ang babalik kasama ang anak n'yo?" sunod na tanong ng mahal na reyna.
"We'll go too.." napalingon ako kay Lawrence nang bigla s'yang magsalita.
"I know inakala ng marami na patay na si Levi lalo na't nagpaburol si Tita. But I think kung kami nila shane mag papaliwanag, maniniwala sya." dagdag pa ni Lawrence.
Napalingon ako sa direksyon ni levi. Nakayuko sya. I know she's emotional because of what she just heard.
"Maisip ko palang na nakita ni Mama yung katawan ko na pinagkasya sa iisang box, nasasaktan na ako. Nadudurog na yung puso ko. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit para kay Mama na makita 'yung anak n'ya sa ganoong kondisyon.." garalgal ang boses na sabi ni Levi bago magsituluan ang mga luha n'ya.
It's so heartbreaking to hear that from her.
Lawrence hugged her while she's crying. Napangiti ako ng kaunti.
I'm so happy for them. Mahal na mahal ngang talaga ni Lawrence si Lev.
Ako kaya? Nawala ang ngiti ko.
Ang sabi nila sa akin wala na si Mom, si Manang Beth at si Manong Ruben.
Nalungkot ako lalo nang sumagi nanaman 'yon sa isip ko.
Si Dad nalang ang natira sa pamilya namin, pati si Ancel at Ate Blizz.
"Okay if that's what you want. I hope that you'll live peacefully there. If you need something you can use these to communicate with us." napabaling ang buong atensyon na'min sa mahal na reyna. May inilabas syang maliit na kahon.
Pagkabukas n'ya ng kahon ay bumungad sa amin ang dalawang napakaganda ngunit napakaliit na fairies.
"These fairies can be our communication while you're there sa mundo nyo. Everything you'll say to them will automatically be received by us." pagpapaliwanag n'ya.
"I suggest that you'll place them sa isang bagay na lagi nyong dala dala wherever you'll go. Para in case na there's an unexpected trouble, you can contact or tell us immediately." napatango tango si Azalea sa pagpapatuloy ni Kuya Zeighmour.
Inilahad nya samin ito. Lumipad ang isa papunta kay Jethro at ang isa naman ay kay Lawrence.
I remembered, may singsing nga pala s'yang nabubukas na pwede n'yang paglagyan no'n.
Binuksan n'ya yung singsing nya at hinayaang lumipad patungo doon ang fairy namin.
"So cool! Can I touch it? Please please pleaseee.," Seth exclaimed. Nag p-puppy eyes pa ito hudyat na nagpapaawa sya. Natawa nalang ako.
"Daddy can open his ring later in our room so you two can play okay? But not now, finish your food first." pananaway ko sa kan'ya. Wala na s'yang ibang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pagkain n'ya.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha habang nakatitig sa mukha ng anak ko.
He really got his features from Jethro. Mag kamukhang mag kamukha silang dalawa. Skin color lang talaga ang namana sakin ni Seth and the rest is from his father.