CHAPTER 9
SHANE'S POV
"Ihahatid ba kita doon sa bahay nyo?" tanong ko kay Levy nang hindi sya binabalingan ng tingin. Diretso lang ang mga mata ko sa harapan habang nagma-maneho.
Ilang minuto akong nag antay lang ng sasabihin nya pero nakarating nalang kami sa kanto malapit sa mansyon namin ay hindi ko pa naririnig ang sagot nya.
Itinigil ko saglit ang kotse at tinignan sya. Nakayuko lang ito na parang walang balak sagutin ang naging tanong ko kanina.
"Huy? Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ihahatid ba kita sa bahay nyo?" pagu-ulit ko sa naging tanong ko sa kanya.
Nag abang ulit ako ng isa-sagot nya habang nakatitig ako sa kanya pero wala pa rin syang sinabi.
Anong problema nito?
Dinungaw ko ang mukha nya at nakitang nakadilat naman ito. Iniwas nya ang mukha nya sa akin nang mapansing tinitignan ko sya.
Hindi naman tulog, pero akala mo walang naririnig.
Kanina pa kaya ako tanong nang tanong dito. Ang sakit ma-ignore ha.
Iniangat ko ang magkabilang kamay ko at hinawakan ang mukha nya. Itinapat ko yon sa mukha ko at tyaka ko sya tinitigan.
"Tinatanong kita." maikling sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Uhm... ano kasi.." nauutal na sabi nya. Iniiwas iwas nya pa rin yung paningin nya sa akin pero pilit kong hinuhuli yon.
Siguro kung may makakakita sa ayos namin ngayon, aakalain na nagha-halikan kami.
"Ano?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Wag mo na muna ako ihatid sa bahay namin." sagot nya sa kanina ko pang tinatanong.
Nung una ay hindi ko maintindihan bakit ayaw nya kaya siningkit ko ang mga mata ko sa kanya.
Bumitae ako sa pagka-kahawak sa kanya nang mapagtanto ko ang nais nyang sabihin.
"Sige, doon ka nalang muna sa bahay." sabi ko sa kanya nang magka-layo ang mga mukha namin.
Pinaandar ko na ang kotse at nagsimula na muli na magmaneho pauwi sa amin.
Alam ko na ang reason ni Levy na wag na muna syang iuwi doon. Nakakatakot naman kasi magalit si Lawrence, at sigurado ako na ngayon ay gising na yon at naghahanap na sa kanya.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng mansyon. Itinigil ko na ang kotse at lumabas naman si Levy upang buksan ang gate para maipasok ko ang kotse doon.
Nang maipasok na namin ang kotse at naisara ang gate ay naglakad na kami papasok ng mansyon.
Parehas kaming natigilan nang makita ang isang itim na Mercedes Benz na naka-parada sa may garahe.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Levy nang maalala kung kaninong kotse yon.
"He's here..." bulong ni Levy na tama lang para marinig ko. Bumakas ang pagpa-paawa sa mga mata nya nang mapagtantong andito na ang asawa nya.
Napabuntong hininga nalang ako sabay hawak sa kamay nya.
"Dikit ka lang sa 'kin." sabi ko sa kanya sabay gayak sa kanya papasok sa loob ng bahay namin.
Sa sala palang ay kitang kita ko na ang dalawang lalaki na parehas na nakatingin sa direksyon namin na animo'y kanina pa kami inaabangan.
Tumigil kaming dalawa sa harapan nila. Walang reaksyon ang mukha ni Jethro na nakatitig lang sa akin samantalang si Lawrence ay napa-tiim bagang nang makita si Levy.
Hindi naman sya yung nananakit pag galit. Let's just say he's over-protective kay Levy especially now na buntis na nga sya.
I totally understand him. Siguro dahil nalang din sa pagb-buntis kaya ganyan ka-arte si Levy.
Nasasabayan nya pa nga pagiging masungit ni Lawrence pag sinusungitan sya.
Ngayon lang hindi kasi nga maarte, buntis.
"Kumain muna kayong dalawa. May nakahanda na doon sa kusina." walang emosyon na sabi ni Jethro sa amin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Ginantihan ko naman ang mga yon ng mga titig.
Tumango ako at hinigpitan ang pagka-kahawak sa kamay ni Levy.
"Go to our room right after you've finished eating, magu-usap tayo." malamig na sabi ni Jethro sabay tayo at lakad palayo.
Umakyat sya ng hagdan habang nakatuloy pa rin ang paninitig nya sa akin. Naputol lang yon nang makarating na sya sa itaas.
He probably headed to our room already. Napabuntong hininga ako nang mawala sya sa paningin ko.
"You... go to our car after eating. I'll be waiting there. Mag u-usap tayo." sabi naman ni Lawrence sabay tayo rin at lakad palabasng mansyon habang nakapasok ang magkabilang kamay sa magkabila bulsa ng slacks nya.
Obvious naman na si Levy ang tinutukoy nya sa mga sinabi nya na yon.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Levy at sabay na napabuntong hininga nang tuluyang makalabas si Lawrence.
Tinitigan ko sya. Napangisi nalang ako habang sya ay halata ang kaba dahil sa pawis na namumuo sa noo nya.
"Do you think he'll scold at me?" kinakabahang tanong ni Levy sa akin. Nagtaas ako ng kilay. Ang inosente talaga ng utak nito kahit kailan.
"I don't know, maybe?" natatawang sabi ko sa kanya kaya mas lalong napahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Napatawa nalang ako ng malakas sabay tapik tapik ng mahina sa balikat nya.
"Tara na nga sa kusina, nagugutom na ako. Mamaya mo na intindihin yan kung sesermunan kaba o hindi." may bakas pa rin ng tawa na sabi ko sa kanya.
Hinampas naman nya ako sa braso nang dahil doon.
Naglakad nalang kaming dalawa papunta ng kusina at naupo na.
Napataas ang dalawang kilay ko nang makitang nakahanda na roon ang dalawang plato at ilang mga kubyertos. Maging ang mga ulam at kanin ay nakahanda na roon.
Nagkatinginan kami ni Levy saglit bago nag ayos ng mga gagamitin bago kumain.
Meron na din doon na mangkok na may lamang tubig na kung hindi ako nagkakamali ay para sa hugasan ng kamay namin.
Masyadong maalaga ang mga asawa namin at ayaw na kaming pa-kilusin pa ng masyado.
Kunwari pang galit galit-an pero eto pinaghanda pala kaming dalawa.
Magkatapat kami ni Levy na kumakain sa lamesa. Tahimik lang kaming dalawa at mukhang walang may balak na bumasag ng katahimikan na yon.
Maya maya pa ay may bigla nalang akong naalala.
"Kahapon... may kung sinong nagbato ng bato na may nakabalot na papel sa kwarto ni Mom." biglang sabi ko dahilan para mapatingin sa akin si Levy.
Nangunot ang noo nya nang marinig ang mga sinabi ko na yon.
"Nagbato na may nakabalot na papel? Sa kwarto ng mama mo?" pagu-ulit na tanong nya sa sinabi ko.
Tumango tango ako sa kanya. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalitang muli.
"Oo. Ang pinagtataka ko lang, parang alam nung bumato na yon na nakauwi na kami dito. That person even knows my name." bakas ang pagtataka sa boses ko na sabi ko.
"And you said na sa kwarto pa ng mama mo nangyari yon?" tumango tango ako nang itanong nya yon.
"He/She even knows when to throw that, saktong sakto pa na nandoon ka sa kwarto ng mama mo." sabi nya. Napatingin ako sa kanya nang dahil doon.
She's right! Why didn't I thought of that?
Kung trip trip lang yon ng kung sino, bakit nya alam na nandoon ako sa kwarot na yon noong time na naibato yung bato na may papel sa bintana ng kwarto ni Mom.
"That only means that 'that' person who threw that can see you even on the inside of the mansion." namuo ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi nya.
Ayokong mag isip isip ng kung ano ano pero hindi ko pwedeng i-kaila na may punto ang mga sinasabi nya.
"Kung ganoon nga, sino naman yun?" nakakunot ang noong tanong ko habang nakatingin kay Levy.
Halata sa mukha nya na maging sya ay walang maisip na pwedeng gumawa noon.
"And also..." naagaw kong muli ang atensyon ni Levy nang magsalita ako.
"... may nakasulat doon sa papel. If I remember it right, Hi Shane, welcome back. -22.88.888.66 ang nakalagay sa papel na yon. I just don't know what those number mean." dagdag ko pa sa kanya.
Mas lalong nangunot ang noo nya sa sobrang pagtataka nang marinig ang mga sinabi kong yon.
"22.88.888.66? Is that like a code or something?" puno ng pagtatakang tanong nya.
Nagkibit balikat nalang ako dahil maging ako ay walang kahit na anong ideya kung anong ibig sabihin ng mga salitang yon.
"Kung sino man ang gumagawa nyan, ang lakas rin ng trip nya eh no? Kung kailan buntis ka tyaka may kung sinong weirdo na nandyan sa tabi tabi." may halong inis na sabi nya.
Napayuko nalang ako at nilaro nalang ang natirang pagkain sa plato ko.
Hindi ko na rin magawang sumubo kasi para akong nawalan ng gana kumain nang masali ang baby ko sa usapan.
Hindi ko napigilan na hawakan ang tyan ko at himas-himasin yon.
Napaangat ako ng tingin sa harapan ko nang maramdaman ko ang mga kamay ni Levy na humawak sa isang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Nang ma-iangat ko ang paningin ko sa kanya ay nasilayan ko agad ang ngiti nya.
Ngiting parang sinasabi na 'magiging ayos lang ang lahat.' Napangiti nalang din ako nang dahil don.
"Andito lang kami. Kung may mangyari man na kung ano, hinding hindi ka namin iiwan." nakangiting sabi nya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang dahil doon.
"Tara na linisin na natin to at kanina pa naga-antay ang mga asawa natin." pagputol ko sa katahimikan. Napahigpit ang pagkakahawak ni Levy sa akin nang sabihin ko yon.
Hindi ko naiwasang hindi mapatawa nang makita ang reaksyon nyang yon.
"Takot na takot ka talaga sa asawa mo. Hindi ka aanuhin noon ano ka ba. Masyado kang kabado dyan eh." natatawang sabi ko. Napanguso nalang sya nang dahil don.
Sinimulan na naming mag-ligpit ng pinagkainan.
JETHRO'S POV
Nakahiga lang ako sa higaan namin at nakatitig lang sa kisame habang inaantay si Shane.
Napapikit nalang ako habang nakahiga kaka-antay sa kanya. Kailangan kong siguraduhin mamaya na hindi sya galit sa akin dahil sa nasungitan ko sya kanina.
Kahit naman ganito na may kasalanan sya sa 'kin na umalis syang hindi nagpa-paalam, aware pa rin naman ako na buntis ang asawa ko.
And that means she's too emotional and too sensitive. Showing to her that I'm pissed about what she did, baka mamaya masamain pa at sumama pa ang loob nya sa akin.
And that's the thing that I want to avoid now that she's pregnant.
I don't want her to be stressed out and to overthink things.
Napadilat ako nang biglang makarinig nang pagkabasag ng kung ano.
Napabangon ako ng wala sa oras at napako agad ang paningin ko sa sahig.
Nakita kong may mga bubog doon at may isang papel na nakabilog.
Binalingan ko rin ng tingin ang bintana at napagtantong doon nanggaling ang papel na yon, dahilan ng pagkabasag ng bintana.
Walang ano ano pa ay pinulot ko yon at napagtantong may bato sa loob noon, bilang pampabigat sa papel at para na rin maibato ng maayos.
Inialis ko ang papel sa pagkabalot sa bato at binuklat yon. Nangunot ang noo ko nang mabasa ang mga nakasulat doon.
"Hi Jethro, see you soon." - nibefmfof
Yun ang mga salita na nakasulat doon. Anong ibig sabihin noon? Ang nagbato ba nito ay may alam kung sino ako? Pero sino?
Mas lalo kong ipinagtaka ang mga kung ano anong letra na nakasulat sa tabi ng mga salita na yon.
nibefmfof
Anong ibig sabihin ng mga letrang yon?
Naglakad ako papalapit sa bintana na pinag-batuhan ng batong may papel na yon at wala naman akong nakitang kung sino na pwedeng nagbato noon don.
Tinitigan ko lang muli ang papel at pilit na inisip kung sinong pwedeng gumawa noon.
Probably neighbours na nant-trip lang? But that'll be too stupid. Sino naman dito ang manggugulo sa amin nang ganito kaaga, hindi ba?
Umiling iling nalang ako at sinimulan nang linisin ang mga bubog na nagkalat sa sahig.
Tinakpan ko nalang din ng kung anong tela ang bintanang may basag na yon, tyaka ko nalang aalisin yon pag tapos na kaming mag usap ni Shane dito sa kwarto.
Tinitigan ko pang muli ang papel bago nagpasyang ilagay nalang yon sa drawer ko.
I should keep that for future purposes.