CHAPTER 4
SHANE'S POV
"Wife, wake up."
Nagising ako sa mahihinang tawag at yugyog sa akin ni Jethhro. Nag kusot kusot pa muna ako ng mga mata ko bago ko ibinaling ang tingin ko sa kanya.
"Hmm?" I groggily said. I saw him smiled, nahawa nalang ako sa ngiti nyang 'yon at napangiti na lang rin na animo'y kinikilig.
God... kung ganito lang kakisig na lalaki at ka-gwapo ang sasalubong sa 'kin kada gigising ako sa umaga, gigising na talaga ako ng maaga palagi para lang masilayan ang mukhang yon.
He planted a kiss on my lips and smiled again afterwards.
"You're so beautiful my wife..." mahinang sabi nya dahilan para pagmulahan ako ng pisngi. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nahampas ko sya ng mahina sa braso nang makaramdam ako ng kilig dahil sa ginawa nya.
"Ang aga aga naman nyang banat mo ha! Kahit kailan ka talaga! Ang aga aga pinapakilig moko!" namumula ang pisnging sigaw ko sa kanya habang hinahampas hampas s'ya sa braso nya.
Tumawa lang sya nang tumawa dahil sa ginagawa ko. Pati paraan ng pagtawa nya mahuhulog ang kung sinong babae.
Tuwang tuwa talaga sya sa nagiging reaksyon ko kada inaasar nya ako.
Tinigilan ko ang paghampas sa kanya at biglaang ngumuso nalang. Tinatawa-tawanan nya lang naman ako, tuwang tuwa pa.
Bigla syang natigil sa pagtawa at naging seryoso ang tingin nang hindi ko alam kung bakit.
Nagtaka ako sa naging biglaang reaksyon nya. Hindi ko napigilang hindi mapakunot ang noo.
"W-what? Did I said something bad?" nagtatakang tanong ko. I saw him gulped. Ang paggalaw ng adam's apple nya habang lumulunok ay halos makalaglag panty.
Limang taon na kaming mag asawa pero ganito pa rin epekto nya sa 'kin! I can't believe you Shane!
Masyado akong baliw na baliw sa lalaking 'to!
Nakita ko syang huminga nang malalim at bumuga sa hangin nang ilang beses. Ako naman ay nanatiling nakatitig lang sa kanya habang nakakunot ang noo.
Ilang segundo rin ang nakalipas bago nya sinagot ang naging tanong ko.
"D-don't pout out of nowhere in front of me like that shane... do you want your lips swollen when we go downstairs?" he said huskily.
Nung una hindi ko pa maintindihan yung sinabi nya na yon kaya napakunot ako ng noo. Lips? swollen? What does he mean by that?
Nakalipas ang ilang segundo at tyaka ko lang napagtanto kung ano ang sinabi nya.
Nanlaki unti unti ang mga mata ko nang marealize ko kung anong sinabi nya ngayon ngayon lang. Naramdaman ko rin ang unti unting pamumula ng magkabilang pisngi ko.
"Ikaw talaga napakapilyo mo kahit kailan!" nahihiyang sigaw ko sa kanya. Pinaghahampas ko sya nang paulit-ulit.
Tinakpan ko nalang yung mukha ko gamit ang dalawang palad ko sa sobrang pagka-pahiya.
Napaka-ano kasi! Ano ba yan! Kinikilig ako dahil sa mga pinagsasabi nya eh!
Lagi na nga akong ngunguso.
Namula lalo yung pisngi ko nang mapagtanto ang nasabi ko sa utak ko.
What the f**k? Napakalandi mo Shane, napakalandi! Gusto mo rin na mamaga yung labi mo eh wala ka pa ngang toothbrush!
What a way to start the day!
--
"Mom? Where are we going?" Takang tanong ni Seth sa akin. We're already packing our things nang pumasok syang bigla sa kwarto.
I turned to him. Nakita ko syang nakatayo malapit sa pwesto ko habang nagtatakang nakatingin sa ibabaw ng kama kung saan naroroon ang mga damit ko. I smiled at him.
"Come here baby..." mahinang sabi ko sa kanya. Unti unti syang lumapit sa direksyon ko nang sabihin ko yon.
Umupo sya sa tabi ko at tinitigan ko sya ng diretso sabay ngumiti.
"Remember what your Dad always told you before?" hinawakan ko sya sa uluhan nya. "...na aalis tayo dito when the right time comes at may pupuntahan kung saan tayo talaga maninirahan?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Ilang segundo ang nakalipas bago aya nagsalita na animo'y may naalala.
"Oh, that! I remember it now. Aalis na ba tayo ngayon mommy?" nakangiting tanong nya. Napangiti ako sa kasiglahan ng anak ko.
I saw the excitement in his eyes.
I expected na baka mag he-hesitate pa sya since before hindi pa ayos sa kanya noong sinabi naming aalis kami dito.
I think he understands the situation now. Mukhang naging kuryoso na rin sya tungkol sa topic na yon.
"I'll help you pack up na mommy, para wala kana pong iintindihin. Para makakaalis na rin po tayo agad dito." nakangiting sabi nya sa akin na syang tinanguan ko naman.
Habang nakatingin sa anak kong masayang nag iimpake ng mga damit nya, hindi ko nanaman maiwasang hindi mag alala.
Sana walang mangyaring masama sa anak ko pag nakabalik na kami sa amin.
"Shane? Tara na?" natigil ako sa pagtitig kay Seth nang marinig yon. Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko yung boses ni Levy.
Nakita ko syang nakatayo sa gilid ng habal ng pintuan. I smiled at her and nodded.
-
"Bye tita! Bye sa inyong lahat! I'm gonna miss all of you!" Pagpapaalam ni Seth sa kanila habang winawasiwas ang kanyang kamay.
I turned to Blizz and hugged her.
"You make ingat ingat there okay? I'll make miss you sisteret." nakangiting sabi nya. Hindi ko maiwasang hindi matawa nang marinig ang boses nya.
Limang taon na ang nakalipas pero yung ka-konyohan nya ay wala pa ring pinagbago.
"Oo ate... kayo din mag iingat kayo dito ha?" sabi ko naman sa kanya. Tumango tango naman sya nang marinig yon sabay ngumiti.
"Tara na Shane. Bago pa magsara yung lagusan." Napalingon ako kay Jethro nang marinig syang magsalita at tyaka tumango.
Kumaway na ako sa kanilang lahat habang magkahawak ang kamay namin ni Jethro at ni Seth na pumasok sa lagusan.
I closed my eyes as we stepped inside it. And when I opened them, I saw the familiar ambiance I have longed for years,
...the same ambiance I'm scared of feeling again.
Were here, after so many years were finally here. Were back...
JETHRO'S POV
Pagkadating na pagkadating palang namin sa kasalukuyang mundo ay pansin ko na ang panginginig ng mga kamay ni Shane.
Hindi ko maiwasang hindi sya lingunin at kitang kita ko amg magkahalong takot at pananabik sa mga mata nya.
Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay nya at humarap naman sya sakin nang dahil doon. I assured her with a smile.
"Don't be scared okay? I'm here baby... I'll take care of both of you." mahinang sabi ko. Napangiti naman sya nang dahil doon. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti nang makita ang gumuhit na mga ngiti sa labi nya.
"Jeth? We'll go ahead. Kailangan pa mag pahinga ng asawa ko, buntis pa naman." sabay naming nilingon si Lawrence nang magsalita sya.
"Sige pre, Ingat nalang sa inyo. Ingat Lev, congrats ulit sa baby. Naka three points si mister." natatawang sabi ko sa kanila.
Tawang tawa naman si Lawrence nang marinig ang sinabi kong yon. Nakangisi nyang nilingon ang babaeng nasa tabi nya habang si Levy naman ay napayuko nalang sa hiya.
"Napakapilyo mo talaga kahit kailan!" pasigaw na sabi ni Shane sabay hampas sa braso ko. Tinawa-tawanan ko nalang sya.
"Kaya nga eh, may nabuo na." natatawa pa rin na sabi ni Lawrence. "...sige na pre, ingat din sa inyo ni Shane." tinanguan ko sya.
"Bye Seth! Visit us ha!" masayang sigaw ni Levy sa direksyon namin nang magsimula silang maglakad palayo.
Kaway kaway naman si seth sa kanila habang paalis.
I turned to shane nang maramdaman kong napahawak sya sa braso ko nang mahigpit.
"Baby what's wrong? Are you alright?" may halong kaba na tanong ko.
"Nahihilo ako Jethro, biglang sumama ang pakiramdam ko." mahinang sabi nya at halata sa mukha nya ang panghihina.
"Hang in there wife, okay? Babalik na tayo sa mansion nyo nang makapag-pahinga ka na." sabi ko sa kanya. Inalalayan ko sya at naglakad na kami papalapit sa sasakyang inihanda ni Zeighmour.
Hindi nawala yung pamumutla ng pisngi at labi ni Shane habang nasa byahe kami. Lalo din na humihigpit yung pagkakakapit nya sa braso ko.
Hinawakan ko ang uluhan nya at isinandal yon sa kabilang balikat ko. I started stroking her hair.
Nilingon ko si Seth sa tabi ko na nakasandal din sa gilid ko, he's fast asleep.
Ilang beses akong napalunok habang nasa byahe kami pauwi kila Shane.
Pumikit ako at hinalikan sya sa ulo. I hope she's okay.
SHANE'S POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Bigla nalang akong nakaramdam ng hilo.
Alam kong alalang-alala na si Jethro sakin, bakas na rin ang pamumutla ng mukha nya sa kaba. I turned to Seth na nasa passenger seat, nakatulog na ang anak ko.
Napahawak nalang ako sa ulo ko nang mas lalo akong mahilo. Nagsimulang umikot yung paningin ko. What's happening to me?
Maya maya pa ay nag dilim na nang tuluyan ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
Nagising ako na nakahiga sa hospital bed. Nasa gilid ko si Jethro with his head rested on his hands. Nakatulog sya.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, walang bakas ni Seth doon.
I wonder he's at.
Maya maya pa ay may pumasok na babae na naka white gown at glasses with a record on her hand. I think she's the Doctor.
Nagising si Jethro at ipinako agad ang tingin sa 'kin.
"Wife... you're awake. Are you okay? May nararamdaman ka pa ba? May masakit pa ba sayo? You passed out earlier." sunod sunod na tanong nya nang magising sya.
I nodded and tried to smiled at him.
"Mrs. Jimenez?" tawag sa akin ng babae. I turned to the doctor on my side.
"Base on my speculations, the reason why you suddenly felt dizzy was because of stress. Your husband mentioned earlier when I asked him na madalas kang nag iisip? And if I'm not mistaken, I think yun ang rason why you felt that." she paused. "..on the second thought, I think that's natural." pagpapatuloy nya.
Napakunot yung noo ko. Natural? In what way?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jethro. Halata sa mukha nya na maging sya ay nagtataka sa narinig sa doktor.
"I see... you don't know yet. You're three weeks pregnant. Congratulations Mr. and Mrs. Jimenez." she said with a happy tone and smiled at us. Nanlaki ang mga mata ko. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. I can't believe what I just heard.
I'm pregnant with my second baby?
Naramdaman kong hinawakan ni Jethro ang kamay ko at pinisil. When I looked at his eyes, I saw how happy he is. I saw how they sparkled which reflected so much emotions.
Tumulo ang luha ko sa sobrang galak, I am so happy. Kaya pala napaka-emosyonal ko lately.
Buntis na pala ako.
"Pwede kanang umuwi maya maya sa inyo para makapag-pahinga ka ng maayos, Miss. Congratulations again to the both of you. Please excuse me." pagbati ng doktor na yon sabay labas ng kwarto.
Lumabas na si doc at ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig ngayon ngayon lang. I am pregnant!
"Thank you so much Shane... I love you." mapungay ang mga matang sabi ni Jethro. He planted a kiss on my lips and my forehead.
"I love you too..." nakangiting sabi ko asa kanya.
"By the way where's seth? I didn't see him when I woke up." tanong ko nang makalipas ang ilang segundo.
"Naiwan sa sasakyan. Ang himbing ng tulog eh, kaya hindi ko na ginising. Nandoon naman yung driver, kasama nya." sagot nya. Tumango tango nalang ako at napa 'ah' nang marinig yon.
"You should rest first, you need that. I'll just wake you up pag aalis na tayo, okay?" pagpapaalala nya.
"Okay." maikling sagot ko. Pinikit ko na ang mga mata ko nang may ngiti sa labi.
JETHRO'S POV
Nanatili ako sa kwartong yon ng ilang minuto at hinintay na makatulog muli si Shane.
I gave her again a kiss to her forehead before going out of the room. I'll go check on Seth and the driver, baka gising na ang anak ko at hinahanap na kami.
Nang nasa parking lot na ako ay napansin kong nasa labas si Seth at may kausap na lalaking nakasuot ng itim na hoodie at itim na cap. Who's he talking to?
Napalingon sa gawi ko si Seth at kumaway kaway.
Hindi lumingon ang lalaki pero umayos ito ng tayo at dali daling tumakbo. Naramdaman siguro noong lalaki ang presensya ko dahil na rin sa ginawa ni Seth. What the hell?
Tinuloy ko ang paglalakad palapit kay Seth nang sinusundan pa rin ng tingin yung lalaki na bigla nalang nawala.
"Son, who were you talking to? Who's that guy?" I asked nang makarating ako sa harap ni Seth.
"No one dad, he just asked me who I am with and where's my Mom." He inoccently said. Napakunot ako ng noo nang marinig yon.
"That guy you're talking to asked where your mom is?" he nodded and nodded.
That's suspicious.
Nilingon ko yung driver sa loob ng kotse at napansing tulog na rin ito. Kaya naman pala nakalabas si Seth, nakatulog yung driver.
Binalik koa ng tingin ko kay Seth na nakatingin lang rin sa 'kin.
"Don't do that again, okay? I told you before, right? Don't talk to strangers. Mamaya bad guy yon." pagpapaalala ko sa kanya. Yumuko ito.
"Yes dad, sorry." mahinang sabi nya. I smiled at him and pat his head.
"Let's go to your Mom, she's awake. And she has something to say to you." nakangiting sabi ko.
Inangat nya ang tingin nya sa 'kin at kitang kita ko ang pagkabuhay ng excitement sa mga mata.
Hinawakan ko sya sa kamay at naglakad na kami papasok ng hospital.
Nang makapasok sa hospital ay pansin kong andaming mga matang nakatingin sa 'kin. Napakunot ako ng noo sa pagtataka.
What's wrong with these people? Hindi ba sila makapaniwala na sa gwapo kong to ay may anak na ko? Joke.
When we arrived at the floor where Shane's room is located, napansin kong may tao sa labas ng room nya na animo'y nakasilip.
Siningkit ko ang mga mata ko nang mapansin ang pamilyar na pigurang yon. Mas lalo akong nagtaka.
The guy earlier na kausap ni Seth sa baba, nasa harap ng kwarto ng asawa ko. Who the f**k is he and what the f**k does he want?
Napalingon ito sa gawi ko. Gaya ng ginawa nya kanina ay dali dali itong tumakbo. Hindi ko nakita yung mukha nya dahil sa cap na suot suot nya.
Tinakbo ko yung kwarto ni Shane habang hawak hawak pa rin ang kamay ni Seth at pumasok. She's still asleep.
Anong ginagawa ng lalaking yon sa harap ng kwarto ni Shane? He even talked to Seth earlier. Who the hell is he?
-
Pagkarating na pagkarating namin sa mansyon nila Shane ay hinatid ko na agad si Seth sa kwarto nya.
Pinaayos na ni Zeighmour itong mansyon noon pa bago pa man kami makabalik kaya may sarili nang kwarto si Seth na nakahanda.
Pati mga bakas ng dugo, laman loob, at katawan na nandito noon, wala na rin.
I turned to Shane by my side, nililibot nya yung paningin nya sa buong mansyon. A tear escapad from her eyes na dali-dali ko namang pinunasan.
"Sorry... Jethro, naalala ko lang lahat ng nangyari sa lugar na to na mismong mga mata ko ang nakakakita." mahinang sabi nya.
"That's over, okay? You should stop thinking about those anymore. And besides you're pregnant. The doctor warned you about thinking too much." pagpapa-alala ko sa kanya.
Mas maselan magiging pagbubuntis nya dahil andito na kami sa mundo ng mga tao. That only means that hindi na kagaya noong unang pagbubuntis nya ang mangyayari ngayon, malayong malayo sa pagbubuntis nya kay Seth noong nasa underworld pa kami.
Ngayon mas sensitive sya, so I have to take good care of her and our baby inside her womb.
She smiled back at me. Mas lalo akong ngumiti.
I pulled her closer and hugged her tightly. Hinalikan ko ang ulo nya.